"Choose to believe in faith over your fears."
~•~
"M-ma? Pa?" Tawag ko sa kanila. I'm here in my private room. Kakagising ko lang, katatapos lang ng eye transplant ko.
"Nox anak buti gising kana." dagling sambit ni papa na dinaluhan ako sa kama.
"Pa asan si mama?" tanong ko sapagkat hindi ko naririnig ang boses niya.
"Kausap niya si Doc anak. Siya nga pala, kamusta na ang pakiramdam mo?"
"Ayos naman na po, medyo makirot lang yung mata ko. Pa, last week ko pa gustong itanong sa inyo to, sino po yung nakuha nyong eye donor?" Gusto kong makilala man yung taong bumuo ulit sa akin, kahit man lang malaman ko lang yung pangalan nya para alam ko kung kanino ko dapat magpasalamat. "Pa?" Confusion is written on my face ng hindi sumagot si papa sa tanong ko. "Pa sino yung eye donor ko?"
"Ah, a-anak kasi----" Hindi na natapos ang sasabihin ni papa ng bumukas ang pinto ng kwarto. I feel something is not right. Sa akto ni papa tila ba may lihim silang tinatago sa akin.
"Eros anak, glad youre awake now! Thank God!" Masayang sambit ni mama.
"Ma, sino yung donor ko?" I asked.
"A-anak, sabi nga pala ni doc a week after, tatanggalin na ang benda sa mata mo. Medyo malabo pa daw ang makikita mo sa una but the good thing is makakakita kana ulit." my mom said.
"That's a good news right Nox?" Sabi naman ni papa. I can feel it, may hindi talaga tama.
"Sinong eye donor ko?" I said.
"Eros---" hindi ko na pinatapos si mama. Tinanong ko muli ang tanong ko kanina.
"Sinong eye donor ko ma?"
"Si Calli." mahinang sambit ni Mama.
"What? Are you kidding me ma? Bakit naman idodonate ng bestfriend ko yung mata nya sakin?" Hysterical kong sabi. I can't believe it. Ang hirap paniwalaan ng mga salitang lumalabas sa bibig nila.
"Anak, C-calli is dead." Malungkot na sambit naman ni mama.
"Ma ano na naman ba to ha?"
"Anak it's true. Your bestfriend is now gone. He died in a car accident, calli and keli was drunk that night. Luckily, keli's safe. unfortunately, calli did not survive the accident. I'm sorry anak. Your tita Clarisse gave you his son's eyes." Mahinahon ngunit rinig ko ang bahid ng lungkot sa boses ni papa.
"Pa naman, wag namang ganito. This is just a joke right?" Naguguluhan kong sambit.
"I'm sorry Eros." Sabi ni mama.
"No ma! Not my bestfriend, not calli. Why do God let bad things happen? Akala ko ba naririnig nya tayo? Akala ko ba mahal nya tayo? Ma! For goodness sake, that's my bestfriend." Umiiyak kong sambit. Patuloy lamang sa pag agos ang mga luha ko habang yakap yakap ako ni mama.
Hindi ko man sila nakikita ay alam kong mabigat din ito para sa kanilang dalawa, Calli and Keli's parents and my parents were a very close friends. Calli, what happened? Why did you leave me, I thought walang iwanan? Diba sabi mo yun?
"Ma, saang ospital naka confine si Keli?" Humihikbi ko paring sambit.
"Here anak, room 352."
"Can we visit her?"
Ilang minuto pa ay binabagtas na namin ang daan patungo sa kwarto ng kaibigan ko. Ilang saglit lang ay naramdaman kong huminto na kami. Kumatok muna ng tatlong beses si mama o si papa bago kami tumuloy sa kwarto."K-keli?" Tawag ko sa kanya.
"Nox." sambit ni keli.
Agad ko naman syang dinaluhan at niyakap. Muli, sa pagkakataong ito ay pumatak na naman ang masasaganang luha sa aking mga mata.
"I'm sorry keli, I'm sorry" umiiyak kong sambit.
"Shhh, I'm sure my brother will be glad dahil gamit mo ang mata nya." Pinunasan naman ni keli ang luha sa aking mga mata. Pilit man niyang pasiglain ang boses niya ay ramdam ko parin ang lungkot na pilit niyang winawaksi.
Nagkuwentuhan lamang kaming dalawa doon habang ang pareho naming magulang ay nagkukuwentuhan rin.
"Keli, what happened?" I asked.
"I-I didn't know na may tatawid na matanda sa kalsada na yon. Eros it's past midnight, who would've thought na may tatawid doon? Iniwasan ko siya but........it was too late. Yung sasakyan na sinasakyan namin, bumangga sa poste. God knows how I regret what happened! I-I k-killed my brother Nox, I killed him!" emosyonal na ani keli.
"Keli don't blame yourself, it wasn't your fault." pag papagaan ko ng loob nya. Hindi ko man nakikita ang paligid ko ngunit ramdam ko naman ang mga lungkot na dinadala nila.
"And who should I blame? Ako yung nagmamaneho Nox, I killed my twin!"
"Keli, accident ang nangyari, walang dapat sisihin."
"That night Eros, lumabas ako para humingi sana ng tulong. Naiwan sa loob si Calli dahil wala siyang malay, p-pero t-the car explode. Nasa loob si calli that time, sa lakas ng pagsabog yung poste na----yung poste na kinabanggaan namin tumumba sa mismong spot ni calli. Kung hindi ko lang sana sya iniwan doon." Umiiyak na sambit ni Keli.
Ilang oras pa kaming nagkwentuhan bago ako bumalik sa kwarto ko. I felt bad for my bestfriend. Malungkot ako kasi nawala na yung isang nakakaintindi sa akin. Isa sa pinaka mahirap na pangyayari ay ang mawalan ng mahal sa buhay, lalo na kapag kaibigan mo o pamilya mo.
Mabilis na lumipas ang mga araw at heto ako ngayon, tatanggalin na ang benda sa aking mata.
"Are you ready Eros?" Tanong ng doctor sakin.
"Yes po doc." I replied. My parents were watching here beside me.
Sinimulan na ni doc. ang pagtanggal ng mumunting benda na tumatakip sa mata ko. Nanatili akong makapikit gaya ng bilin niya sa akin kanina.
"Eros, open your eyes. Dahan dahan lang." Sabi ng doctor.Dahan dahan ko namang minulat ang aking mata. Kasabay ng pagbukas ng dalawa kong mata ay ang pagka aninag ko sa isang mumunting liwanag na nanggagaling sa itaas, aninag na syang tanda at sumisimbolo na nakakakita na muli ako.
"Nakikita mo ba ko Eros?" tanong ng doctor. I just nodded as my response. Iginala ko ang paningin ko sa paligid, this room was a homey type one. There's a couch beside the hospital bed. A mini refrigerator in front of me and a bathroom sa kabilang gilid. Napangiti ako. Nakakakita na ko ulit. I can't wait to see Athenna.
BINABASA MO ANG
That One Real Smile
RandomA story about friendship, bravery, courage, dreams, hope and life. Desperate for his father's attention and support, Nox blamed his father for what happened to him. Until he met a girl named Athenna who taught him how to forgive and how to love. He...