"Let your dreams be your fuel to keep you going."~•~
I am currently smiling here in my bed because I am thinking about the lady I met in the park awhile ago. Athenna is a very kind lady, her voice was so angelic to the point na napakalma niya ko kanina. Nakakatuwa siyang kasama, hindi ko man siya nakikita pero ramdam kong maganda sya.
"Eros?" Nagulat ako sa biglang pagsalita ni mama. Hindi ko namalayang pumasok pala siya sa kwarto.
"M-ma!" Utal kong sabi.
"Bakit nakangiti ang anak ko?" Mapagbiro niyang sambit.
"Its nothing ma." I said. Naramdaman ko naman na may umupo sa aking kama.
"Come on my Son. Ngayon lang tayo ulit nakapag-usap." Napangiti ako sa isiping iyon. Matagal na noong huli kaming nagusap at nagkwentuhan ni mama. "I'm sorry anak kung napabayaan kita."
"Ma, its okay." Sabi ko.
"I'm glad that I raised a Son like you. Intelligent, Handsome, kind and understanding." She said. Napangiti naman ako sa sinabi niya. "But where is that Eros? It seems like the Son that I've raised before is gone?" malungkot niyang sambit.
"M-ma, a-ano ba yan?" Naguguluhan ako sa mga sinasabi ni mama sa akin.
"Eros anak I know its hard, mahirap ang walang makita I get it. But anak please forgive your father." Pakiusap sa akin ng aking ina.
"Ma, about that....please can you give me more time?"
"Eros anak, I already gave you time to think before. Hindi ako nangialam sa mga ginawa mo sa papa mo kasi naiintindihan kong masama ang loob mo, ako din anak masama ang loob ko sa papa mo but he's still your father!"
"Ma naging tatay ba siya sa akin?" Heto na naman. Galit na naman ako.
"Anak hindi mo naiintindihan."
"Ang alin ma? Alin ang di ko naiintindihan? Ano? yun bang mas pinili niya yung trabaho kesa sa atin na pamilya nya? O baka naman yung pilit niyang pag pigil sa akin sa pagpipinta? Alin ang di ko maintindihan?" Patuloy sa pagpatak ang mga luha ko na para bang buhos ng malakas na ulan.
"Anak its not that!"
"Then what is it?" Medyo pasigaw kong sambit. Hindi ko napigilang magtaas ng boses. "I-I'm sorry ma." Hingi ko nang paumanhin. Hinawakan niya naman ang aking kamay bilang tugon. "Ma what is it that I dont understand? Kasi naguguluhan na ko ma. I dont know what to feel anymore, hatred and sadness is eating me up!" dagdag ko pa.
"Your father did this for us anak. He wanted to give us a better life that's why he worked very hard!" Umiiyak naring sambit ni mama.
"Ma naman, to give us a better life? Does it looks better to him? Ma his money cannot raise me. I dont need it, what I need is a father that will guide me! I don't need his money, I don't need a better life, what I need is a complete family!"
"Anak forgive your dad, bumabawi na sya sayo oh!"
"Bumabawi? Kung kailang huli na ang lahat? Ma if it wasn't because of him baka nakakakita pa ko." Sambit ko.
"Anak dont be too hard on your father. Ama mo parin sya."
"I'm not being hard ma, pinapakita ko lang sa kanya yung bagay na binigay niya rin sa akin noon."
"Ang maging matigas at bato ang puso? Anak hindi yan ang gusto naming mangyari sayo!"
"Ma hindi matigas ang puso ko, nasasaktan rin ako ma. Hindi mo kasi ako naiintindihan!"
"Then make me understand anak."
"I am doing this kasi ngayon ko nalang ulit naranasan magkaroon ng isang ama. Ngayon ko nalang ulit naranasan na laging nandyan si papa para sa tabi ko. I am thirsty for my father's attention! Ma kung alam mo lang kung gaano ko kasaya kasi for the first time ma, for the first time binilan niya kong painting set. I was so happy that time pero ma, ayokong pag dumating yung oras na maging maayos na ulit ako sa kanya mapabayaan na naman nya ako. Ayoko yung, yung pag okay na ko at maayos na kami iwan at ipagpalit na naman niya ko sa trabaho niya. Ma ayoko na ulit mapabayaan eh!"
Pinunasan ko ang mga luhang patuloy na dumadaloy sa aking mga mata. "Ma ayoko nang mawala ulit si papa kaya kahit ayoko, nagagalit ako sa kanya kasi ngayon ko nalang ulit naranasan na nandyan lagi siya, hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa sa punyetang aksidente na yon kasi heto na, napapansin na ulit ako ni papa. Naramdaman ko ulit na heto, may ama pa ko!----------"
"Shhhh" Pagpapatahan sa akin ni mama. Niyakap naman niya ko. "Naiintindihan na kita ngayon anak, tahan na!" Mas lalo lang akong naiyak. "Magpahinga kana." Pinunasan niya ang luhang patuloy na pumapatak sa aking mata. Hinalikan niya rin ako sa noo bago niya ako iniwan sa loob ng kwarto. Nakapikit lang ako, mga kalahating oras ata akong nagiisip-isip habang nakapikit ng marinig kong bumukas ang pintuan ng aking kwarto. Nagpanggap naman akong natutulog na.
"Eros anak I'm sorry!" Tila naiiyak na sambit ni papa. Patuloy parin ako sa pag papanggap na tulog. "Sorry anak kasi napabayaan ka ni papa. Narinig ko rin yung lahat ng sinabi mo kanina, sorry kung nakinig man ako ah. Nasa may pintuan lang kasi ako kanina." A-alam niya? Narinig niya yung sinabi ko?
"Anak sorry sa mga nagawa ni papa. I didn't know that you feel that way! Im sorry kung napabayaan na kita, hindi kita ipagpapalit anak sa kahit ano, pasensya na Eros kung naging busy ako sa trabaho ko. Hayaan mo anak, starting tomorrow, I will not accept any clients. I will be a father to you. Sleep tight my Son, proud si papa sayo I love you." He kissed my forehead, medyo matagal. Napapatakan na rin ng mga luha niya ang noo ko. "I'm sorry anak, pati sa panaginip ata nasasaktan kita." Pinunasan niya ang luhang nakatakas sa aking mata bago siya lumakad. Narinig ko naman ilang sandali pa ang pagsara ng pintuan tanda na ako na lamang ang nasa kwarto.
Lingid sa kaalaman ng aking ama, patuloy parin ako sa pag-iyak. Isasara niya yung law firm dahil sakin? Anong nagawa ko kay papa fuck. Nang gabing iyon, nakatulog ako dahil sa sobrang pag-iyak.
BINABASA MO ANG
That One Real Smile
RandomA story about friendship, bravery, courage, dreams, hope and life. Desperate for his father's attention and support, Nox blamed his father for what happened to him. Until he met a girl named Athenna who taught him how to forgive and how to love. He...