Nox's POV"Tapos eto pa, I was about to sit down don sa may harap kasi nagsisimula na yung mass unfortunately, Hindi ko nakitang may naka harang pala don sa dadaanan ko so I slipped and worst guys...natapatan ako ng camera for live mass. Grabeng kahihiyan yon, pati mga matatanda sa harapan napa sigaw ng Diyos ko po!" Natatawang kwento ni Nico.
Nakitawa na rin sila kay Nico, maging si Athenna na tahimik na kumakain ay nakitawa rin. I'm intently looking at her when I notice something on the side of her lips. I smiled seeing how messy eater Athenna is.
"Messy." Mahina ngunit natatawa kong sambit. Napatingin naman ito sa akin, bakas ang pagtataka sa mukha nito.
I look at her straight in the eye while giving her my most widest smile bago kumuha ng tissue at pinunasan ang gilid ng labi niya. Mukha namang nabigla sya sa ginawa ko kaya natigilan ito. 'She's blushing hahaha cute.'
Napansin kong maging ang mga kasama namin ay tahimik na naka tingin sa amin. Nakatigil ngunit nanunukso ang mga mata. "May icing." Sabi ko habang naka ngiti sa kanya.
"T-thank you." Utak na sabi nito. Tinanguan ko na lamang sya.
"Uy, iba na talaga to." Seryosong sabi ni Sam na lalong ikinapula naman ng dalaga.
Sandaling asaran at kwentuhan pa ang ginawa namin, nila pala...bago napag pasyahan na umuwi na. "Oh pano, dito na kami. Ikaw na bahala kay Athenna." Bilin ni Kairon, halata parin ang panunukso sa boses nito.
"I will. Bye." Matipid na paalam ko.
"Take care and drive safely." Sabi ni Sam habang kumakaway sa amin.
"Let's go?" Yaya ko kay Athenna.
"Y-yeah."
Hanggang ngayon ay nauutal pa rin sya, paniguradong iniisip nya pa rin yung ginawa ko kanina. Even I, don't know why I did what I did. Pinagbuksan ko sya ng pinto, dali dali naman itong sumakay. Lumipat naman ako sa kabila para sumakay rin.
Tahimik naming nilandas ang daan papunta sa kanila. She's so quiet and I'm not used to it. "Are you mad at me?" I can't help but to ask.
"W-what?" Tanong nito.
"Are you mad at me Athenna?" Ulit ko.
"O-of course not!"
"Then why are you stuttering? And why are you so quiet? I'm not used to it." Pag-amin ko. Tinignan lang ako nito. Bakas sa mukha nito ang pagtataka at iba pang emosyon na hindi ko mabasa. Namayani na naman ang katahimikan sa pagitan namin.
"You told me kanina na you'll tell me why you want to drive me home." Sabi nito. "Bakit?"
"My parents wanted to invite Tita Arianne this Sunday."
"Why? Anong meron?"
Nginitian ko sya bago sumagot. "It's my birthday."
"Oh gosh, really?" Hindi makapaniwalang sabi nito. Natawa nalang ako.
Athena's POV
"It's my birthday." On Sunday? What?
"Oh gosh, really?" Hindi makapaniwalang sabi ko. Natawa ito at ilang beses tumango. I haven't buy anything yet! Anong ireregalo ko?
"I don't need gifts Athenna if that's what you are thinking." Nakangiti pa rin ito.
"I can't attend your party without giving you anything." Sagot ko naman.
"Your presence is enough." Sinserong ani nito.
"Napansin ko lang Nox, tama sila. Bakit sa akin mo lang pinapakita yung masayahin at makulit na side mo?" I just can't help it but to ask that question. Maging ako ma'y nagtataka don.
"Nakita din naman nilang kong tumawa kanina." Inosenteng sagot nito.
"Because you're with me. Gagawin mo ba yon kung wala ako?"
"No."
"Why?"
"Because you're not there." Nakangiting sagot nito sa akin. "I am not close to them as I am with you. That's why I can't laugh like I do now if you're not there with me."
"What do you mean?" I'm confused. Really really confused.
"Secret." And I hear him chuckled. "We're here already Athenna." Tumingin naman ako sa labas at tama nga sya. Nasa tapat na kami ng bahay namin. Niyaya ko naman syang pumasok at nagpaunlak naman ito.
"Where's tita?" He asked.
"Maybe she's in the kitchen. Upo ka muna diyan." Turo ko sa sofa. "Tawagin ko lang si mama." Ngumiti naman ito at tumango. 'Napapadalas ang ngiti ng mokong ah. Tsk tsk.'
"Why are you smiling?" Rinig kong tanong nito.
"H-ha?"
"Sabi ko bakit ka naka ngiti?" Tarawa tawang pag ulit nito sa sinabi nya.
"Naka ngiti ba ko?" Tanong ko naman.
"You are. Nagwapuhan ka na naman sa akin. Ikaw Athenna ha." Nangaasar na ani nito habang natatawa.
"Alam mo bwiset ka!" Sabi ko habang pinagpapa-palo sya ng unan na nasa sofa. Tawa naman ng tawa ito habang umiilag.
"Ehem." Nagulat naman kami ng may biglang tumikhim sa likod ko. Napatigil ako agad sa pag hampas sa kanya.
"Tita!" Bati ni Nox na naka ngiti pa rin.
"Hi hijo." Nakangiti ring bati ni mama. Binalingan naman ako nito. "Bakit mo hinahampas ng unan si Nox. Ikaw talagang bata ka." Sabi nito sa akin.
"Inaaway po ako ng anak nyo tita." Gatong naman ni Nox. Natawa naman ako doon dahil ngayon ko lang nakita ang ganitong side niya. Childish din pala sya minsan.
"Bakit ka nga pala nabisita hijo?" Sabi ni mama.
"Ah yun ba tita." Napakamot naman ng batok si Nox. Nakakatawa syang panoorin, animo'y nahihiya pa. "Mom and dad told me na we're having a dinner po this Sunday. We would like the both of you to be part of it."
"On Sunday?" Tanong ni mama, tumango naman ang binata. "Why? What's the celebration? - oh no! It's your birthday!" Nagliwanag bigla ang mukha ni mama dahil don.
"Yes tita." Nox said.
"Okay, we'll be there." Sagot ni mama.
"Nice, asahan ko po iyan hahaha."
"Kumain na ba kayo? Dito kana mag dinner."
"Kung okay lang po kay Athenna." Nakangiti na namang sambit nito.
"Bakit ako?" Tanong ko.
"Ikaw binibisita ko dito e." Natatawang sambit ni Nox.
"Akala ko ba si mama?"
"Wala nabago na." Sagot nito na tinawanan naman ni mama.
"Kayo talagang mga bata kayo. Oh siya, sumunod na kayo don sa dining." Sabi nito bago kami iwan sa sala.
"Hoy ikaw kung ano ano sinasabi mo kay mama." Pinaningkitan ko sya ng mata.
"Ano ba sinabi ko? Hahaha."
"Ewan ko sayo. Baliw!" Ani ko habang hinahampas na naman siya ng unan. Tagawa tawa naman ito ng umilag. Ang saya saya naman nitong abnormal na to.
Pagkatapos ng dinner ay agad ding nagpaalam si Nox. Hinatid naman namin siya ni Mama sa labas.
"Salamat po ulit sa Dinner tita. Nag enjoy po ako, ang sarap nyo pa rin po mag luto." Sabi nito.
"Pumunta ka dito kapag nagugutom ka, ipagluluto kita ulit." Magiliw na sabi ni mama.
"Una na po ako salamat po ulit." Sabi nito. Humalik naman sya sa pisngi ni mama bago tumingin sa akin at nagbuka ng kamay.
"Ano yan?" Tanong ko.
"Hug?" Natatawang sabi nito. Natawa narin ako at yumakap sa kanya. "Bye and see you tomorrow." Sabi nito bago lumulan sa sasakyan at umalis.
"Gustong gusto ko talaga yung batang yon." Nakangiting sambit ni mama habang tinatanaw ang papalayong kotse ng binata.
BINABASA MO ANG
That One Real Smile
AcakA story about friendship, bravery, courage, dreams, hope and life. Desperate for his father's attention and support, Nox blamed his father for what happened to him. Until he met a girl named Athenna who taught him how to forgive and how to love. He...