Smile 18 - Icing

12 1 0
                                    


Athenna's POV

Pabalik na kami sa room ng biglang magsalita si Kairon. "Hoy bago tayo umuwi, meeting muna tayo sa cafe sa tapat ng school." Nagtataka naman akong napatingin sa kanya.

"Why?" Tanong naman ni Sam.

"Yung sa Article na isusubmit. Dapat ngayong Monday ang submission nun buti nalang na-cancel." Sagot nito.

"Oo nga pala." Dagling ani ni Nico. Sumang ayon naman ang lahat sa suhestiyon ni Kairon. Kaya heto kami ngayong uwian, nakaupo na sa isa sa mga vacant seats sa cafe.

"What do you want?"

"Hmmm?" Takang tinignan ko naman ito.

As expected, he smiled. "What do you want? Para habang nagm-meeting may kinakain ka." Sabi nito.

"Aray! Oo may langgam, kinagat ako." Natatawang sabi ni Sam na tinawanan ng lahat maliban kay Nox.

"Kayo?" Tanong ni Nox.

"Anong kami?" Natatawang tanong naman ni Kairon.

"What do you want to eat." He responded.

"Ay wow libre mo?" Ani ni Sam ngunit di naman sumagot si Nox, tumango na lang ito.

"Bakit nyo ko tinititigan?" Takang tanong nito. Ngunit hindi pa rin sumagot ang ilan. Ako man ay nakatitig lang sa kanya habang nakangiti. 'Are you into friends now? Really? Cause if you are then it's making me happy.'

"What?" Tanong muli nito.

"Asan si Nox?" Seryosong tanong naman ni Nico.

"I'm here?" Sagot ni Nox. Binalingan naman ako ni Sam.

"Anong ginawa mo kay Nox? Ilabas mo si Nox!" Seryoso ring ani ni Sam. Nagulat nalang kami ng biglang tumawa ng malakas si Nox. Bagay na ngayon lang nakita nila Sam. Well, I saw it the last time na he's with me sa bahay. Kaya hindi rin maikakaila ang gulat sa mukha nitong tatlo.

"Come, let's order for them." Nakangiting sabi nito sakin. Tumayo naman ito at hinila ako papunta sa counter. "Choose anything you want." Sabi nito.

"K-kahit ano nalang." Sagot ko.

"You sure?" He asked kaya naman tumango nalang ako. "Okay then, Miss...five slices of red velvet cake and five iced mocha as well." Nagbayad naman ito sa counter after nitong makuha ang order namin. "Is red velvet fine with you? Or you want me to pick another one?" Tanong muli nito na tila ba naninigurado.

"Baliw ka, okay na nga yan. Tara na doon." Sabi ko at inunahan na syang maglakad pabalik. I just heard him chuckled.

"Wait for me Ms. Delos Reyes." Natatawang ani nito.

"Ay oo, in all fairness ang tagal." Sambit naman ni Sam ng makabalik kami..

"Doon pa nag harutan ang dalawa." Muling gatong naman Nico habang natatawa. Nakitawa narin kami, pero syempre maliban sa isa.

"Okay ganito. Kahit anong article naman daw diba?" Tanong ni Kairon. Tumango naman kami. "Nice. Since we're all part of the Asterians, mas magandang ito na ang pag practice-san natin."

"Anong topic?" Tanong ni Nico.

"Mag isip tayo ng hindi common ngunit relevant parin sa students. Sila ang gawin nating target audience." Suhestiyon ni Kairon.

"Pero tungkol saan?" Ani ko.

"Students...why not we make it about dreams?" Sambit naman ni Nico.

"Maganda but it's too common Nico." Sabi ni Sam. Tumango naman kami.

"It is common..." Sabi ni Nox. Napatingin naman kami sa kanya. "Not unless we show the other side of it." Simpleng ani nito.

"What do you mean?" Tanong ko.

"Well not all students are dreaming. Not all students has this solidified goals in life." Paliwanag nya. "Like me." Dagdag pa nito. Takang napatingin naman kami sa kanya. "I just thought about it. You can debunk it naman." Sabi nito.

"Kung iisiping mabuti, maganda at timely talaga ang suggestion ni Nox. Pero mukhang mahirap. I mean saan natin doon ifofocus ang gusto nating makuha ng target audience." Sabi ni Kairon.

"That dreams are not achievable if you're just dreaming of it." Sabi ni Nox. "Not unless you make it achievable by putting some actions."

"Most people don't have dreams. Why? Sometimes, they're pressured or they just don't know where to go. Everytime they go to school, they feel drowned with the thoughts of not having a concrete path to pursue after study. Sometimes they are confused. It's not that they don't have dreams to achieve, what they don't have I think is the support and the courage. Kaya akala nila, wala silang pangarap. But deep down in their hearts, there's this desire waiting to be ignite." Paliwanag ni Nox.

"I agree with it." Nakangiting sabi ni Sam. "Come to think of it, karamihan ng articles naka base sa magagandang bagay. I think it's time for us to be different. I mean let's go beyond what's inside the box. Hindi nga naman natin naisip na marami pang hindi sigurado. What most articles are focused on...is those who have this solid aim in their heads and not those who haven't started dreaming yet."

"If we can tackle the reasons why most students aren't aiming for something that they truly desire, if we can spread the message of discovering what we really wanted to be, if we could give them the courage to take a step outside their shells, if we can wake those who slumbers in their abyss of melancholy, then I think our article could be inspirational and effective. Nang hindi tayo lumalabas sa relevance ng pagiging studyante of course." Dagdag pa ni Nox.

"Wow. Just wow." Pumapalakpak na sabi ni Nico. Maging ako ay humanga sa lalim ng pag-iisip ni Nox.

"Oh guys good news and bad news!" Mahinang sigaw ni Sam habang naka tingin sa cellphone nito.

"What is it?" Tanong ko.

"Sabi dito sa gc ng section natin, iminove daw ni Ma'am ang submission. We still have a week to do it. Bali Monday na ulit ang pasahan."

"Hahaha good news nga yan." Tatawa tawa pang sambit ni Kairon.

"The bad news is...it's not just a submission. It would be a group presentation." Nakangiwing ani nito. Nagkatinginan naman kami.

Ilang minuto pang pinag usapan ang plano para sa article. Napag desisyunan na gawin nalang ito sa bahay namin sa weekends para free ang lahat. Napuno ng kwentuhan at tawanan ang loob ng cafe. At tulad nga ng dapat asahan ng lahat, tahimik lang si Nox.

Nakikitawa rin ako habang unti-unting kumakain ng cake, nakakatawa naman talaga ang kwentuhan ng grupo dahil yun ay yung mga pinagdaanan nilang kahihiyan noon.

"Messy." Mahina ngunit natatawang sambit ni Nox. Napatingin naman ako sa kanya ng may pagtataka sa mukha.

He looked at me straight up in the eye while smiling. Kumuha ito ng tissue at pinunasan ang gilid ng labi ko. He seemed focus looking at my lips.

Wait...what?

Napatigil naman ako at ang mga kasama ko dahil sa ginawa nya. He just smile at me after cleaning the side of my lips.

"May icing." Sabi nito habang naka ngiti sa akin.

That One Real SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon