Smile 6 - His Past

9 1 0
                                    


"Things get hard if you do not believe in yourself."

~•~

Nox's POV

"Nox anong ginagawa mo?" Sigaw ni papa. Dali-dali kong niligpit ang gamit ko sa pagpipinta at itinago ito sa ilalim ng kama ngunit huli na ang lahat. Nakuha niya ito at itinapon.

"Pa anong ginagawa mo sa gamit ko pa!" Ani sambit ko habang pinipigilan siya.

"Wala kang mararating sa pagpipinta mo! Hindi kita pinagaral para lang sayangin ang oras mo sa pagpipinta ng mga walang kakwenta kwentang bagay!" Sigaw nya.

"Pero pa, it's my dream! Why cant you support me? Why is it always you?" Halos pasigaw kong sumbat sa kanya.

"Hindi kita pinalaking ganyan Nox Eros!" Ganting sigaw niya pabalik.

"Hindi ikaw ang nagpalaki sakin. All you did was to blame me for not being the Son you want me to be! Wala kang ginawa kundi isampal sakin ang mga bagay na gusto mo! Hindi mo nga ako kilala pa!" Naiiyak kong sambit. "Hindi mo ko kilala dahil ang nagpalaki sakin ay si mama samantalang ikaw busy ka sa trabaho mo habang nagtitiis kami dito ng wala ka. Pa! Anak mo ko, hindi ako robot na pwede mong kontroli---"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng suntukin nya ko. "Great pa. Gawin mo kung san ka magaling. Ang manakit." Puno ng luha ang mga mata ko habang sinasabi ko ito sa harap ng aking ama. "I'm sorry for not being the Son you wished. I'm not the Son you want me to be pa, I'm not as perfect as you." Pagkasabi ko nito ay padabog na lumabas si papa sa kwarto ko.

Napaupo na lamang ako sa aking kama habang tahimik na umiiyak. Sinuntok ko ang pader sa aking gilid because of my frustration and anger. Pangarap ko ang maging pintor, ngunit ang gusto ni papa ay maging abogado ako tulad nya. But I don't like being a lawyer, I'm very far from what he wants me to be. I have my own dreams! I can't see myself wearing a suit and fighting over a case though being a lawyer is a good profession. It's just that I am not for that.

Mayaman nga ako pero fuck, I can't do what I want to do. I cannot pursue what I wanted to pursue, I cannot choose the path that I wanted! Ganito na ba ko kamalas? Tangina.

Tumayo ako at pinunasahan ang mga dugo na patuloy na umaagos sa aking labi. Tumungo ako sa closet at kumuha ng ilang damit. Nag-ayos muna ako ng sarili bago lumabas ng aking kwarto. I took my car key in my pocket before I silently go downstairs. Pagkalabas ay agad akong pumasok sa aking sasakyan.

Sa gabing ito, sana maging malaya na ako. Malaya sa rehas na pamilya ko mismo ang lumikha para sa akin. Mapait akong ngumiti habang patuloy ang luha ko sa pagpatak. Kasabay ng pagbagsak ng aking mga luha ay ang pagbuhos din ng ulan na para bang nakikisabay at nakikisimpatya sa akin. Even the sky is crying for me.

Umiyak lamang ako habang nagmamaneho. Thinking about the things na binitawan ko kapalit ng kalayaan. Sana mapatawad ako ni papa at mama sa ginawa ko. Heto ako, driving ng walang siguradong patutunguhan. All I wanted is to be far with that prison. With that prison that I once called Home. Patuloy ako sa pag-iyak kaya medyo malabo rin ang aking paningin. Malakas ang buhos ng ulan at madilim rin ang kalsada kaya hindi ko nakita ang truck na papasalubong pala sa aking sasakyan. Isang busina ang umagaw ng aking pansin ngunit huli na, hindi ko na naiwasan ito.

Nabundol ng truck ang aking sasakyan. Naramdaman kong umikot ikot ang aking sasakyan bago ito tumama sa kalapit na poste ng kuryente. Nakaramdama ko ng matinding sakit sapagkat tumama ang aking ulo sa harapan. "Ahh, tu-tulong! tulungan nyo ko!" Nahihirapan kong sambit. Sinubukan kong sumigaw at humingi ng tulong. "Ahh tulong please help me!" Puno na ng dugo ang aking mukha.

Is this my night? Kung ito na nga ang oras ko, I will gladly come to death. I will greet death as my old friend lumaya lang ako sa rehas na binuo nila. Sanhi ng pagtama ng ulo ko sa unahan ng aking sasakyan ay nahilo ako at nawalan ako ng malay.

That One Real SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon