Athenna's POV"Aren't you going to ask me why?" He suddenly asked.
"Why?" Tanong ko.
"Why what?"
"Why do you have to do that?"
" Do what?" Tila nagkukunwaring hindi nya alam ang sinasabi ko. Kaya naman pinaningkitan ko sya ng mata.
"Nox Eros Cervamontes." Banggit ko sa buong pangalan nya na syang tinawanan nya naman.
"Okay okay." Ani nya habang patuloy na nagpipigil ng pag ngiti. "I uhm..."
"What?"
"I want you to be my friend?" Tila nahihiyang sabi nito habang nagkakamot ng batok. Dagli naman akong napatawa.
"I thought you don't like having friends?" I asked.
"I changed my mind." He said while directly looking in my eyes, as if it was glued. Umiwas nalang ako ng tingin habang naka ngiti. Nilahad ko ang kamay ko sa harap nya tanda ng pakikipag kaibigan. Kunot noong napatingin naman sya dito.
"Nangangawit na ko Nox." Sabi ko habang natatawa. Kaya kinuha nya naman yon at agad na nakipag kamay.
Nag-usap lang kami ng nag-usap buong maghapon. Nagkuwentuhan ng kung ano ano habang nandito sya. Magiliw din naman syang nakipag daldalan kay mama. Sa isip isip ko, ngayon ko lang sya nakita ng naka ngiti. Niyaya na rin nga siya ni mama na dito nalang mag dinner ngunit magalang naman itong tumanggi, baka daw hanapin na sya sa kanila.
"I have to go now. Tita, una na po ako." Paalam nito.
"Salamat sa pagbisita hijo. Bumalik ka kung kailan mo gusto. Welcome ka dito." Masayang sambit naman ni mama.
"Thank you tita, I'll take that in mind." Sabi ni Nox, pagkatapos ay kinindatan naman si mama na syang ikinatawa nito.
Sumunod naman ako sa labas para ihatid sya hanggang sa makasakay sya sa sasakyan nya.
"Thanks for today." He said while wearing his oh so famous cold personality. Bumalik na naman sya sa dati pero kapansin pansin ang tila ba masaya nyang mata.
"Thanks for bringing me home. I'll see you on Monday at school." Ani ko. Ngumiti naman ito bago lumulan sa sasakyan.
Nang makaalis ay agad akong pumasok. Naabutan ko naman ang mapanuksong tingin ni mama.
"Ma!"
"What?" Tatawa-tawang sabi nito na syang sinimangutan ko nalang.
Nox's POV
"Late. Again?" Agad na bungad nito sa akin pag pasok ko sa bahay. Hindi na ko nag aksayang sumagot.
"When are you going to grow up Eros?"
"When are you going to stop meddling with my life Xielle?" I asked. I could feel the tension between us when my father suddenly butt in.
"Wala kayong klase. Bakit ngayon ka lang anak?" Sambit naman ni dad na kakalabas lang ng kusina.
"Galing ako kila Tita Arianne." Walang ganang sabi ko bago nagtuloy tuloy sa kwarto at tahimik na nahiga sa kama.
Dumaan ang linggo ng wala akong ginagawa sa bahay kundi ang mahiga sa kama at magbasa. Hindi ako lumabas ng kwarto to eat lunch or dinner. I just don't like the thought of going out of this room for food.
Bagay na hindi na ikinataka ng parents ko dahil madalas ko naman gawin yon.
School. New day, it's monday again. Heto na naman ako, naglalakad sa school hallway na para bang walang patutunguhan. "Nox!" Nagliwanag ang mukha ko noong narinig ko ang pamilyar na boses.
BINABASA MO ANG
That One Real Smile
RandomA story about friendship, bravery, courage, dreams, hope and life. Desperate for his father's attention and support, Nox blamed his father for what happened to him. Until he met a girl named Athenna who taught him how to forgive and how to love. He...