Smile 20 - Trouble

6 0 0
                                    


Athenna's POV

Mabilis na lumipas ang mga araw. Madalas pa rin naming kasama si Nox kapag break time pero madalang pa rin ito magsalita. Hinahatid rin ako nito pauwi, araw-araw. Ang katuwiran naman ni Nox ay delikado ang mag commute lalo na sa gabi.

"Earth to Athenna." Sabi ni Kairon habang winawagayway pa ang kamay sa harap ng mukha ko.

"H-ha? Bakit?" Takang tanong ko.

"Sa dami ng sinabi ko wala ka palang napakinggan kahit isa." Nakangiwing sagot naman nito na siyang tinawanan lang ni Nico at Sam.

"Sorry na, may iniisip lang."

"Si Nox na naman yan no?" Mapang-asar na sabi ni Sam.

"Hoy h-hindi ah!" Sagot ko naman.

"Defensive." Nakangiting gatong naman ni Nico. "Pero nasaan nga ba si Nox? Kanina pa sya wala. Matatapos na ang break time." Dagdag pa nito.

"Baka hindi lumabas. Alam nyo naman yon." Sagot naman ni Kairon.

After eating ay dumeretso na kami sa classroom...ngunit wala roon si Nox. Nagpalinga-linga naman ako baka sakaling nasa paligid lang siya pero wala.

"Hanapin ko lang si Nox." Paalam ko kay Sam. Hindi ko na hinintay ang sagot nito. Palinga-linga pa rin ako sa corridor, baka sakaling naririto lang siya. 'Bakit mo nga pala hinahanap ang isang yon? Ah tama, kasi magk-klase na.' Ani ko sa isip ko.

Palabas na sana ako ng building nang may narinig akong nagsisigawan. Tila ba nagaaway, at sigurado akong isa sa mga boses roon ay boses ni Nox.

"Don't you dare lay a finger on her, you'll see hell if you do. Consider yourself warned. This is just level 1 of what I can do." Rinig kong ani nito. I was shocked with what I saw. It was Nox who said it. May dugo ang bibig nya, ngunit parang balewala lamang sa kanya ito. Hawak naman nya sa leeg ang isang lalaking may dugo rin sa labi. May isa namang studyante rin na inaawat si Nox.

Si Nox, nakakatakot siya. Mukha siyang kalmado ngunit ramdam at kita sa boses at mata niya ang galit.

"Mr. Cervamontes, Mr. Bragais! Anong gulo ito?" Rinig ko namang sigaw ng kung sino man sa likod ko. It's our dean. Dere-deretso naman itong tumungo papunta kila Nox, doon ko lang nakitang binitawan ni Nox ang binatang kanina lang ay sakal sakal nito. "The three of you, in my office. Now." Sigaw ni Dean. "And please come with us Ms. Delos Reyes. Alalayan mo si Nox, I know you're his friend." Dagdag pa nito.

"Y-yes dean." Ani ko. Nilapitan ko naman si Nox. He's still quiet as usual. Kinuha ko yung panyo ko.

"Nox, what happened?" Sabi ko habang pinupunasan ko yung labi niyang dumudugo. Tinitigan lang ako nito, sa mata. It makes me feel uneasy pero pinagpatuloy ko ang pag punas sa labi nya.

"Huwag kang lalapit sa lalaking yon." Sabi niya. Tinitigan ko naman siya ng mag pagtataka. "Please?" Dagdag pa ng binata habang nakangiti.

"O-okay." Alanganing sagot ko. Gonulo naman nito ang buhok ko.

"Good. Go back to your room, don't skip classes. Kaya ko na ito." Sabi niya.

"No, dean told me to accompany you." Sagot ko.

"Hindi ako pilay Athenna." Natatawang ani nito na siyang ikinasingkit ng mata ko. "Just go back to your room and don't skip classes. Ako ng bahala."

"You sure?"

"Yup. Don't you trust me Athenna?"

"I do, b-but..."

"Just go. Hinihintay na ko don." Sabi nito bago ako iniwang mag-isa.

That One Real SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon