Athenna's POV"Hindi mo kailangan matakot kung natatakot ka. Nandito ako to protect you. Anytime." Sabi nito habang mahigpit paring nakayakap sa akin.
Doon, hindi ko na napigilan ang pagpatak ng mga luha ko. I'm so scared that what if wala sya don and it happened to me? That what if abangan kami nito paglabas ng school? There's too much what if.
"Shhh don't cry Athenna. I'm here, you don't have to be afraid. I'll protect you no matter what. I won't let anyone lay a finger to you." Pag-aalo ni Nox sa akin.
Humiwalay naman ito sa yakap at pinunasan ang mga luhang patuloy na tumatakas sa mata ko. "Hush now Athenna. Walang mangyayari sayo kasi hindi ko hahayaan yon. Smile for me." Saad nito habang pilit na nakangiti.
Ngumiti naman ako sa kanya tulad ng gusto nito. "That's my girl." Sabi nito at ginulo na naman ang buhok ko. Tahimik lang kaming dalawa na nakaupo sa ilalim ng puno. Naka akbay pa rin sa akin ito, nakasandal naman ako sa balikat niya.
Ilang sandali lang ay humahangos na dumating naman sila Sam. "Ayos ka lang ba? Narinig namin si Ms. Ara kanina saka yung isang teacher na chismosa. Anong nangyari don sa gagong bragais na yon?" Nag-aalalang ani nito. Umayos naman ako ng upo, sasagot palang sana ako nang magsalita rin si Nico.
"Yung demonyong yon talaga kahit sino pinapatos. Porket anak ng pulitiko! Kamusta na pakiramdam mo okay ka naman na?" Saad nito.
"Hey guys, don't bombard Athenna with questions. Hinay hinay lang." Sabi naman ni Kairon. Nagpeace sign nalang ang dalawa.
"Okay na ako. Nagulat at natakot lang ako ng konti pero okay na ko." Sabi ko naman.
"Buti talaga nandon si Nox nako. If ako si Nox ganon rin ang gagawin ko. No one can hurt our friend." Sabi ni Kairon na siyang ikinangiti ko.
"Sampalin ko sya kaliwa't kanan eh. Tignan natin kung hindi mag 360 yung pangit niyang mukha." Tila galit na ani naman ni Sam.
"Balita ko nakakatakot ka daw kanina Nox ah?" Si Kairon.
"Hindi naman." Sagot ni Nox.
"Ano bang ginawa mo? What happened?" Tanong naman ni Nico. Tinignan ko rin siya, naghihintay din akong magkuwento siya.
"I heard him talking to his friend about his plan." Tumingin naman ito sa akin bago nagpatuloy. " Unfortunately, my ears are against the plan so I punched his face twice. Nakaganti naman sya pero wala, mahina pala sumuntok yung isa na yon." Natatawang sabi nito.
"Wow, si Nox ka ba talaga?" Manghang sambit ni Sam.
"Do I look like I'm not Nox?" Nalilitong sagot ni Nox.
"Eh kasi ang haba ng sinabi mo tapos tumawa ka pa." Nakangusong sagot naman ni Sam. Natawa naman don si Nox. "Kita mo na. Tumawa, hindi talaga to si Nox. Yung Nox namin hindi nakikipag tawanan. Mamumuti muna yung uwak bago yon magsalita o tumawa." Dagdag pa nito.
"Silly." Natatawang sabi ni Nox.
"Pero nakakatakot ka talaga kanina." Sabi ko naman. Tumingin naman sila lahat sa akin. "I mean when I saw you strangling Jake, geez. You're scary." Saad ko.
"Sorry. You shouldn't look for me kasi, nakita mo pa tuloy ako na ganon. I just don't like it when someone dears to me get hurt." Sabi nito.
"So Athenna's one of those who 'dears' to you?" Pangaasar naman ni Kairon.
"Yes." Nakangiting sabi ni Nox. Pakiramdam ko naman namula ako doon. "Even you guys." Dagdag pa ng binata.
"Aba, magpapa-party na ba kami?" Sambit ni Nico.
BINABASA MO ANG
That One Real Smile
RandomA story about friendship, bravery, courage, dreams, hope and life. Desperate for his father's attention and support, Nox blamed his father for what happened to him. Until he met a girl named Athenna who taught him how to forgive and how to love. He...