Outsider
Pinasadahan ko ng tingin ang aking sarili sa salamin. Maganda.
Hinayaan kong nakalugay ang mahaba kong buhok na umaalon sa bandang ibaba. Naglagay rin ako ng very light make up sa aking mukha.
Then I'm wearing a white long sleeve top, covered with a black blazer paired with a knee-level black skirt and a black boots. This is our uniform. Seniors uniform to be exact.
Nang makuntento ay tuluyan akong lumabas sa kwarto ko rito sa Academy. Yes we're staying here unless kailangang lumabas.
Naglalakad ako ngayon sa mahabang hallway patungong Food Chamber.
Napakalawak nitong Academy pero hindi abot isang libo ang mga studyante dito. A lot of them chose to live a normal life. In this case, tatalikuran mo ang Deviant World at magiging isang normal na tao ka nalang, maaari iyon pero kailangan mo ring isuko ang iyong craft. Or sadyang naroon sa Devious Academy. Some people like us were just there, preparing for a war. In short kalaban namin ang academy na iyon.
Dumiretsyo na ako sa table namin.
"Good morning Amara!" I greeted my friend. She's Bella Amara, the girl with a power of love. Isa siya sa nagpapanatili ng peace dito sa Academy.
"Good morning din Alaris!" nakangiti niyang bati sa'kin pabalik.
Anyways we don't have our surnames here. Just our name.
"Good morning Laila!" bati ko sa isa ko pang kaibigan na kakarating lang. She's Laila Morana, the girl of death. Oras na titigan ka niya ay mamamatay ka. But she's wearing an eye shield everytime. Alangang gumala siya ng walang ganoon dito sa academy, ede namatay kaming lahat. Kahit anong bagay na may buhay ay kaya niyang patayin in just a single stare. Creepy isn't it?
"Hmm," tanging sagot niya at umupo na para kumain. Nakasimangot siya lagi o kaya naman ay seryoso. Ni hindi ko pa siya nakitang tumawa o ngumiti man lang.
Hindi ko nalang masyadong pinansin dahil sanay naman na ako. Kaya kumain nalang ako. Anong mga pagkain dito? Utak, atay, puso, yes mga lamang loob. Kidding! Ano kami aswang? Well normal na pagkain din of course.
May appetizer which is papaya, main dish which is beef steak and a dessert, it's a piece of cake.
I really enjoyed the food.
"Nga pala Alaris, malapit na ang Rival Competition. Tingin mo sinong kasali?" tanong ni Amara.
Rival Competition is a death war. Para sa kanila laro lang iyon. Well siguro it's just a game, wherein kapag natalo ka, mamamatay ka.
It's a competition between Deviant and Devious Academy. Every year ito nangyayari kaya every year din ay nababawasan ang mga tulad naming may craft. Tss what a shit!
"I don't know about that Amara. And I'm not interested," sagot ko at pilit na ngumiti.
Anong maitutulong ng craft ko sa death war? Ghad! So uh nevermind.
Kahit gustong gusto ko ang prize niyon. Winning that competition is equivalent to freedom.
Maaari ko nang makita sina Mama at madadala ko na sila dito sa Deviant.
Gusto ko mang sumali ay paniguradong mamamatay ako. Hays.
Pumasok na ako sa session hall. Dito namin pinag aaralan ang skills namin. And usually tatlo lang kami ang narito. That means tatlo lang kami ang may controlling craft, we can control things, we can make it move by simply thinking of it. And this craft is obviously rare.
Pinalutang ko ang aking sarili. I need to perfect this act. Kailangan, magmukha akong lumilipad. Ginawa ko iyon ng paulit ulit. Seryoso kaming pinapanood ng aming mentor at pinupuna kapag may nagawang mali.
"Try it with speed Aither Alaris," nakapangalumbabang utos niya.
Tumango nalang ako at sinubukan ang kanyang sinabi. Nagpaikot ikot ako sa buong hall. Halos hindi nila ako masundan ng kanilang mga mata. I'm flying with the air. Amazing right?
Lumapag ako sa harapan mismo ni Miss Talia Alizeh, our mentor, she's having a craft of wind and weather.
"That's wonderful Aither," puri niya sa'kin. Well, I know right.
"You're perfect for the team." dagdag niya pa.
Kumunot ang noo ko. Pero tumalikod na ako at dumiretsyo palabas. Alam ko ang ibig niyang sabihin. I am a qualified member for the competition. This can't be real. My craft isn't for fighting.
Dumiretsyo na ako sa Food Chamber. Gutom na rin ako. Naabutan kong nag uusap sina Amara at Laila.
"Hey there!" tanging sabi ko at sumandok na ng pagkain.
"Kung isasali nila ako, lahat ng naroon ay mamamtay lang. Such a stupid decision," seryosong saad ni Laila.
Tinignan ko sila. Nilingon ako ni Amara.
"Isasali nila si Laila sa Competition," pagbabahagi ni Amara sa'kin.
What the hell? Hindi nga maganda iyon. Lahat ng bagay na may buhay kapag tignan niya ay namamatay, maging puno at halaman. That's how strange she is. Baka pati team niya ay mamatay. Tss stupid nga.
Sa gitna ng lunch naming lahat ay biglang tumunog ang speaker ng hall.
"EVERYONE LISTEN! GO TO YOUR RESPECTIVE ROOMS NOW. WE'RE ALL IN DANGER!" sigaw nito na siyang ikina-panic ng lahat.
Nagkatinginan kaming tatlo. Iisa ang iniisip.
Hindi namin pinansin ang paligid. Pinutuloy namin ang pagkain. Sorry nalang gutom kami eh.
After 5 minutes kaming tatlo nalang ang natira and may isang grupo pa pala ng students sa kabila. Mga nasa labing dalawa sila. Patuloy na nagkukwentuhan at nagtatawanan.
Ilang saglit ay sumulpot si Headmaster Faramund sa aming table, he's having a craft of teleportation.
"Bakit nandito pa rin kayo?" seryosong tanong niya, sa kabilang grupo ng estudyante nakatingin.
"Bakit po sinasabing nasa panganib tayo?" lakas loob na tanong ni Amara.
"May nakapasok sa Academy. Hindi namin makita, pero nandito lang siya. And as I guess, it is an invisible creature. It's dangerous," seryosong aniya.
Yeah right. Pwedeng ipinadala siya ng Devious Academy to kill everyone here. Sabi nga nila, mas nakakatakot kalaban ang hindi nakikita.
They're right we're in danger and we must be very scared to that outsider.
BINABASA MO ANG
DEVIANT ACADEMY (COMPLETED)
FantasyA magical world, totally a different place, with gifted creatures. Having special skills and abilities, called craft. But it's not all about magic, it's also about love and sacrifices. "Is life worth risking for love?" She's Aither Alaris, a girl wh...