Chapter 20

255 32 1
                                    

Sorry


Tatlong araw ang lumipas. Tatlong araw naming pinanatiling buhay 'yung babaeng nagngangalang Emilia.

Hindi na rin nagtagpo ang landas namin ng dalawang defense ng Devious Academy. Baka nasabugan na sila ng bomba o kaya nama'y kinain ng tigre. Pero maaari namang buhay pa sila.

Bukas na matatapos ang kompetisyong ito. Bukas namin malalaman kung panalo ba kami o talo.

Bumaba na ako sa punong kahoy na pinalipasan ko ng oras.

Gabi na. At nakita ko ang aking mga kasama sa palibot ng isang campfire.

Umupo ako sa tabi ni Alexa.

Tatlong troso ang naroon.

Magkatabi naman sina Gideon at Audrey.

Tapos sina Vince at Emilia.

Sana, sana si Aqua ang nandyan. Sana si Aqua ang kasama namin.


"Anong plano mo Vince?"  tanong ni Gideon nakatingin sa apoy.

"Maiiwan ako dito, kasama siya," sagot naman ni Vince na nilingon pa ang katabi.

Nasasaktan ako. Damn!

'Ano, masaya ka ba ha? Sinira mo ang pagkakaibigan namin ni Laila! Damn you!'

'Yes, of course I'm happy. Given the fact na nahalikan ko 'yung taong gustong gusto ko.'

Naalala ko pa ang naging sagutan namin noon. Gusto lang niya ako. Pero hindi ako ang mahal niya.

"Kung iniisip mo na papatayin ka namin ay hindi mangyayari iyon," tugon ni Gideon sa kanya.

"I will kill myself, you don't have to worry," agad naman niyang sagot. Nakapagdesisyon na siya. At mukhang wala na kaming magagawa.





"V-Vince, huwag na. Sumama ka na sa kanila," singit ni Emilia sa usapan.

"Kapag ba nanalo ako ay pwede kong hilingin sa Inang Reyna na makasama ka ulit?" tanong ni Vince kay Emilia na agad namang inilingan nito.

"Ang patay, ay hindi na mabubuhay pa," sagot ni Alexa.

"Kaya nga magpapaiwan ako dito," baling ni Vince sa aming lahat.

Pano niya nakakayang saktan ako ng ganito?

"Vince," nanlulumong sambit ko sa ngalan niya.

"Sorry sa inyo," sabi niya at bumaling sa'kin.

"Alaris, yung sinabi ko sayo, kalimutan mo na," tugon niya. Gusto ko siyang singhalan pero tanging pagtango ang aking nagawa.

Yumuko nalang ako.

Nagpatuloy sila sa pag uusap habang ang diwa ko naman ay naglalakbay pabalik sa nakaraan.

Kung paano niyang ininom ang juice ni Laila nung umpisa. Kung paano ko siyang kinausap sa kitchen at kinumbinsing magpakita.

Kung paanong bumilis ang tibok ng puso ko nung una ko siyang makita. Kung paano niya ako asarin.

Kung paano niya akong hinalikan sa library ng academy. Kung paano ko siyang sinuntok dahil sa mga pabalang niyang sagot sa'kin. Kung paano siyang nakipag unahan kay Gideon na alukin akong sumayaw. Kung paano ko siyang ipagtulakan kay Laila.

Kung paano niyang sinabi sa'kin na gusto rin niya ako.

'So ano? Akin ka ba pagkatapos ng game?'

DEVIANT ACADEMY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon