Heart
Ilang sandali ko pang pinagmasdan si Mama. Gusto kong hanapin sa kanya sina lola at lolo. Pero hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong itawag sa kanya.
Gusto ko siyang tawaging Mama, pero bakit ko gagawin 'yun eh tinawag nga niya akong pamangkin.
Alam ko naman na kilala niya ako. Alam niya na anak niya ako.
"Tita," tawag ko sa kanya. Nakita ko pang nagulat siya sa itinawag ko sa kanya. Tss.
"Narito po ba sina Lolo Andrew at Lola Valencia?" agad kong tanong bago pa siya magreact sa itinawag ko sa kanya.
"Ah nasa kwarto ang Lola mo, ang Lolo mo naman ay matagal nang pumanaw," sagot niya sa'kin.
Wala na pala si Lolo. Hayss.
"Gano'n po ba. Ah maaari ko pa bang makita at makausap si Lola?" tanong ko na sinang-ayunan naman niya.
"S-Sige sige tara," pagyaya niya sa'kin at tinungo namin ang kwarto ni Lola.
"Oo nga pala Tita, siya po si Vince boyfriend ko," pagpapakilala ko kay Vince. Parang nagulat naman siya at narealize ko na, oh my gosh? Ipinakilala ko ba siyang boyfriend ko?
"Ah, nice meeting you," baling naman ni Mama kay Vince.
Nilingon ko si Papa at nakangiti siya. Tss.
"Akala ko hindi mo pa sinasagot," bulong niya sa'kin at pinandilatan ko lang siya.
Pumasok kami sa silid ni Lola.
"Ma, may mga bisita ho kayo," tugon ni Mama kay Lola.
Ngayong kami nalang ang kasama mo Mama, hindi mo pa rin ba ako matatawag na anak?
"Lola, magandang araw po," bati ko kay Lola at umupo sa kamang kinauupuan din niya.
"Ako po si Aither Alaris Lola," pagpapakilala ko. Parang nagulat naman siya. Pero mas nagulat ako nung hilain niya ako at yakapin.
Naaalala pa niya ako? Kung tutuusin ay baby pa ako noong huli niya akong makita. Nakakatuwa naman.
"Alaris, apo ko!" sambit pa niya habang yakap ako. Ang sarap sa pakiramdam. Tinawag niya akong apo.
"Paano kang nakapunta rito apo?" tanong niya matapos akong yakapin. Kaya ikwenento ko sa kanya na sumali ako sa Rival Competition at nanalo.
"Ano ka'mo? Sumali ka sa laro?" gulat niyang tanong.
"Relax po, nanalo naman kami. Ang sadya ko po talaga dito ay," saad ko at napatingin ako kay Mama. "Ang ang sunduin kayo," dagdag ko.
"Talaga? Sige sige sasama ako sayo apo," tugon ni Lola, natutuwa. Kaya naman agad niyang iniligpit ang kanyang mga gamit. Tinulungan na rin namin siya. Habang itinutupi ko ang mga damit ni Lola ay biglang lumapit sa'kin si Mama.
"Alaris," sambit niya sa ngalan ko. Tiningala ko naman siya, bagaman nakaupo ako sa kama.
"Po?" tanong ko.
"Sorry," tugon niya. Sorry? You're forgiven Ma, besides naiintindihan naman po kita. Ayaw mo lang na baka masira ang pamilya mo ngayon kapag nalaman na may iba ka pang pamilya.
"Ayos lang po," saad ko at nagpatuloy sa ginagawa.
"Anak," sambit niya at parang may humaplos sa puso ko.
BINABASA MO ANG
DEVIANT ACADEMY (COMPLETED)
FantasyA magical world, totally a different place, with gifted creatures. Having special skills and abilities, called craft. But it's not all about magic, it's also about love and sacrifices. "Is life worth risking for love?" She's Aither Alaris, a girl wh...