Chapter 26

308 27 0
                                    

Wife

Ilang taon na ang lumipas. Nagkapagtapos ako ng aking pag aaral. Ngayon ay isa na akong detective at gano'n din si Vince. We are sent to different places to investigate.



"Babe," tawag sa'kin ni Vince. Nandito kami sa bahay namin ngayon. Sariling bahay namin.

Nakaupo ako at nagbabasa ng libro habang siya naman ay nasa harapan ko nakatayo.

"Hmm?" tanong ko, hindi siya tinapunan ng tingin.

"Babe," tawag niya ulit.

"Ano?" tanong ko, this time tiningala ko siya at pinagtaasan ng kilay.

"I love you," malambing niyang sabi.

"I love you too," tugon ko rin at ibinalik sa libro ang paningin.

Kinuha niya iyon sa kamay ko at inilapag sa aking tabi tsaka niya hinawakan ang aking kamay.

"Babe," tawag niya. May gustong sabihin 'to eh.

"Bakit?" tanong ko. Hinila niya ako patayo tsaka niyakap pagkatapos ay hinarap niya ako. Nakatitig siya sa mga mata ko.

"Nung una kitang makita, kahit pa may girlfriend ako nun ay hindi ko maitatangging nakuha mo ang atensyon ko. Napakatapang mo, at ni katiting ay hindi ko nakita na natakot ka sa'kin. Kaya agad din akong humanga sayo." huminto siya para ngumiti sakin.

"Sa sandaling pananatili ko sa Academy, parang nakalimutan ko rin kung saan nga ba ako nagmula. Hinayaan ko rin ang sarili ko na mahulog sayo," tumawa siya, siraulo!

"Kahit wala kang ginagawa, 'yung tipong kapag nakita lang kita ay ang saya ko na at kapag ngumiti kana, nako, pati puso ko natutuwa!"

Nananatili akong tahimik, ninanamnam ang bawat salitang binibitawan niya. Napakasarap niyon sa pakiramdam, kinikilig ako.

"Well, bakit ba ang dami ko pang sinasabi? Gusto ko lang naman sabihin at ipaalam sayo kung gaano kita kamahal. Alam mo ba kung gaano kita kamahal babe?" tanong pa niya, umiling ako.

"Mahal na mahal kita, at ikaw ang gusto kong makasama sa buong buhay ko," tugon niya. Ewan gusto kong maluha sa sobrang tuwa. Ano ba namang pinaggagawa ng lalaking ito?

Maya maya'y lumuhod siya sa aking harapan. At may kinuha na kung ano sa kanyang bulsa.

Hinawakan niya iyon na parang iaabot sa'kin.

Isang gintong singsing.

"Oh my ghad!" nasabi ko nalang. Alam ko na masyadong overacting pero naluha talaga ako. Ganito pa ang pakiramdam kapag may magpopropose sayo. Parang kinikiliti ang puso ko.

Ngumiti siya sa'kin bago nagsalita.

"Will you marry me? Will you be my wife?" tanong pa niya na sunod sunod kong tinanguan.

"Yes, yes I will marry you and I will be your wife," sagot ko at isinuot niya sa'kin ang singsing.



I'm getting married!



"I love you, Vince!" tugon ko. Pero pakiramdam ko ay puso ko ang nagsasabi nun sa kanya.

"I love you more my future wife," sagot niya at ginawaran ako ng halik sa labi.







Inaalalayan ako ngayon ni papa palabas ng sasakyan. Sobrang hirap dahil sobrang laki at haba ng damit ko.

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil tuluyan akong nakakababa.

Humawak ako sa braso ni papa.

Nasa labas kami ngayon ng sentro.

Isinuot ko na ang aking napakandang ngiti at tsaka humakbang. Kusang nagbukas ang malaking pintuan at dinig ko kaagad ang tinutugtog na musika.

I am now walking down the aisle with my father.



One step closer

I have died everyday

Waiting for you

Darling don't be afraid

I have loved you

For a thousand years

I love you for

A thousand more





Pakiramdam ko ay napakabagal ko maglakad. Halos lahat ng mga malalapit sa'min ay narito. Maging ang pamilya ni Vince at iilang mag aaral sa Phenomenal Academy.



Nang makarating na kami sa harapan ay inabot ni papa ang kamay ko kay Vince. May binulong pa siya rito. Tss.



Agad na nagsimula ang seremonya.

Ang nakakatuwa pa doon ay si Gideon ang magkakasal sa'min. Tss.

"Say your vows and wear your wedding rings," tugon ni Gideon. I mean ni Haring Gideon.



"I, Vince Masiko take you Aither Alaris to be my wife. I promise to hold your hand and cherish you always. I promise that I will always be your number one supporter and your partner in crime. I promise to create and support a family with you in a house filled with happiness, and love. I vow not just to hrow old woth you but to grow together. I love you!" At isinuot niya sa'kin ang hawak niyang singsing.

Umaapaw ang saya ko at bago ako tumugon ay maingat kong pinunasan ang mukha ko. Ang panget panget ko na. Mukha akong bata na inapi ng kalaro. But these tears means joy, a lot of joy.

Hindi ko akalaing iiyak ako ng ganito sa araw ng kasal ko.

"I, Aither Alaris take you Vince Masiko to be my husband. When you walked into my life, love walked in too. I vow to love you as you love me, through all the hardships, darkness and pain. Through all the joy and achievements we gain. I will always stay by your side. And I vow to be as much of a rock for you, as you have been for me. I love you too!" At isinuot ko rin sa kanya ang hawak kong singsing.



"By the power vested in me, I now pronounce you as husband and wife. You may kiss your bride," tugon ng Hari.

Itinaas naman ni Vince ang belo na nakatakip sa aking mukha tsaka hinapit ako at bahagyang inihiga. Doon ay yumuko siya upang halikan ako.

Narinig ko ang sunod sunod na palakpakan ng lahat.



I am Aither Alaris and now I am Vince Masiko's wife.







AN: This is the last chapter. The next one is epilogue.

DEVIANT ACADEMY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon