Chapter 17

239 28 0
                                    

Alaris


"Aither.. Aither gising!" narinig ko ang boses ni Gideon at naramdaman ko ang pagyugyog niya sa'kin.

Unti unti kong iminulat ang aking mga mata.

Madilim.

Napabangon ako at muntik na akong mahulog. Lintik ang kaba ko kaya napakapit ako sa sanga ng puno.

Sanga ng puno?

Oh! Akala ko nananaginip lang ako. Nasa game na pala talaga ako.



Hinanap ng paningin ko si Gideon. Sasamaan ko sana siya ng tingin at sisinghalan pero nilingon na niya ako at binalaan. Nilagay niya ang hintuturo sa kanyang bibig, sinasabing manahimik ako.



Napatingin ako sa ibaba.



Kalaban.



Nakapula siya at nag iisa. Lalaki. Natutulog siya sa ilalim ng punong kinalalagyan namin ni Gideon. Damn!



Malamig ang simoy ng hangin. Nasisiguro kong madaling araw palang. Tanging sinag ng buwan ang nagsisilbing liwanag sa'min.



"Uhm!" nagulat ako nung bigla siyang nag unat. At mas nagulat ako nang tiningala niya kami. "Ang tagal niyo namang magising, pinaghintay niyo ako," sabi pa niya. He's creepy.

"Ano? Handa na ba kayong mamatay?" tanong pa niya.



Mamatay your face. Humakbang siya papalayo sa'min. Nagkatinginan kami ni Gideon at sabay na bumaba.

'Anong craft ang meron ka? At bakit ka nag iisa. Ikaw ba ang team leader?' tanong ko sa isip habang matalim siyang pinagmamasdan.



At ayun bigla siyang naging dalawa, naging apat, naging walo at dumadami pa. Shit!



The craft of replication.





Agad itong sumugod sa'min at nilabanan naman namin ang mga iyon. Sa tuwing mapapabagsak namin ito ay agad itong naglalaho.



Pero patuloy ito sa pagdami. Natitiyak kong pinapagod niya kami. Pero ha! Not us.

Lahat ng nakatayo ay humandusay sa lupa at isa isang naglaho. Kagagawan iyon ni Gideon.

Hanggang sa huli siyang matira na namimilipit sa sakit.

Mayabang ka kasi.



"Ahh!" mahina kong daing. Ramdam ko ang daplis ng kutsilyo sa bandang likuran ko. Mahapdi.

Napalingon ako at nakita ko kung paanong tinamaan ng bolang kristal ang kareplika nung lalaki.

"Aither!" sigaw ni Gideon at itinapon sa'kin ang isang patalim na agad ko namang sinalo.

At ayun. Tinapos ko 'yung lalaki. Ipinunas ko pa sa damit niya 'yung patalim at ibinalik iyon kay Gideon.



"Alexa!" sigaw ko at nilapitan siya. Kung hindi siya dumating, nasaksak na naman ako. Sa kanya nanggaling 'yung crystal ball na tumama sa lalaking sasaksak sana sa'kin.

"Yah, it's me," walang emosyong sagot niya. Tss. Niyakap ko naman siya na tinugunan din naman niya.



"A-Aray! M-Mahapdi yung likod ko," reklamo ko dahil natamaan 'yun ng kamay ni Alexa. Inagapan din naman agad ni Gideon iyon.



DEVIANT ACADEMY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon