Chapter 18

245 29 2
                                    

Enemy

AITHER'S POV

"Miss, wake up," nagising ako dahil sa hindi pamilyar na boses na iyon. Agad nanlaki ang mga mata ko nang makita ko siya. Napaatras ako ng bahagya, pero nung aatras pa ulit ako ay hindi na ako makagalaw.

Pareho kami ng craft?

"Who are you?" I ask. Ang tanga ko para itanong 'yun, damn! Kalaban siya malamang. Nakaitim at mukhang leader pa yata ng Devious 'to.



"Ako? Ako ang papatay sayo," malumanay niyang sabi at inabot sa'kin ang isang dagger. At parang tangang kinuha ko iyon.

Hindi ko siya sinubukang kontrolin. Ayokong malaman niya ang taglay kong craft. Kaya nilabanan ko nalang ang unti unting paglapit ng patalim sa aking dibdib. Bakit gano'n? Ang lakas niya masyado. Ramdam ko na ang dulo nito sa aking dibdib. Ang hapdi!


Napatingin ako sa isang punong kahoy na nasa likuran niya. Tahimik kong binunot iyon gamit ang craft ko, pero damn it! Lumikha iyon ng ingay. Agad niyang nilingon iyon.

Nabitawan ko ang hawak kong patalim, dahil nawala rin ang atensyon niya sa'kin.

"You did that?" baling niya sa'kin na ituro pa ang puno na ngayon ay bumagsak na sa lupa.

"No?" patanong kong sagot. Kailangan kong magsinungaling.

"Mukhang, hindi lang ako ang kalaban mo dito ngayon," pananakot ko sa kanya. Sana effective diba?

Sinamaan niya ako ng tingin at walang ano ano'y humagis ako.

"Ahh!" humampas 'yung likuran ko sa puno.

'Ang sakit sakit na ng katawan ko, ano ba naman ito!' reklamo ko sa aking isip.

Pinagmasdan ko ulit yung lalaki. Pinapakiramdaman niya ang paligid.

Napanggap ako na sobrang sakit ng pagkakatama ko sa puno, kahit hindi naman.

Doon siya humakbang papalapit sa'kin. Sana pala, tumahimik nalang ako.

Dahan dahan siyang naglakad, nakangisi pa. Para bang nagtagumpay na siya. Tss mukhang tanga.

Muli kong kinontrol 'yung puno, habang nasa akin ang paningin niya.

Tsaka ko hinampas sa kanya iyon ng buong lakas. At talagang natumba siya at nawalan ng malay. Maging ako ay tinamaan pa ng puno. Aysh.

Nilapitan ko siya, at kinontrol ko ang punong kahoy na nakadagan sa kanya. Tsaka ko pinulot 'yung patalim na inabot niya sa'kin kanina at itinarak iyon sa dibdib niya.

"Wala ka pala sa'kin eh," pagyayabang ko sa kanya. Wala na siyang buhay.

Nagkamali ka na ginising mo pa ako. Pero thank you na rin.

May pa ako, ako ang papatay sa'yo ka pang nalalaman. Ayan tuloy.

Teka, sina Gideon at Alexa pala! Malamang sa malamang ay inilayo ako nito sa kanila. Ibig sabihin wala na kaming shield. Napahaba yata ang tulog namin. At sana naman hindi sila ginalaw nito. Sana, sana buhay pa sila. Argh.

Tumakbo ako sa kung saan. Umaasang pabalik ito sa pinagmulan ko kanina kung saan nagpapahinga kaming tatlo.


"Alaris!" sigaw ng isang babaeng sugatan. Teka? Oh my gosh!

"A-Audrey?" sambit ko at agad siyang nilapitan. Nakaupo siya sa dumuhan at halos hindi ko na makilala. Niyakap ko siya ng very light.

"Si Vince?" agad kong tanong nang mapagtanto kong mag isa lang siya.

DEVIANT ACADEMY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon