Chapter 11

350 37 0
                                    

Over

Last Saturday of the month. Ito 'yung araw na naglilinis kami ng Academy. As in overall cleaning talaga.

Naatasan akong maglinis sa library. Kasama ko si Sophronia. Classmate ko siya sa controlling. Siya 'yung maglilinis ng mga alikabok at ako naman ang mag aarrange ng mga libro pagkatapos.

Sobrang lawak nitong library. Sobrang dami rin ng mga libro. Pero ni isa ay wala pa akong nababasa dito. Sorry, tamad eh.

Nagsimula nang maglinis si Sophronia.

"Lumabas ka kaya muna? Kasi for sure maliligo ka sa alikabok dahil sa gagawin ko," tugon niya na agad ko namang sinunod.

"Bumalik ka nalang after five minutes," dagdag niya pa.

Pinagmasdan ko nalang ang aking paligid. Lahat ay abala. May nagpupunas ng mataas na ceiling habang lumilipad. May nagbubuhat ng mga mesa at parang hangin iyong nagwawalis sa sobrang bilis.

Niisip ko minsan na, paano kaya kapag may isang taong naligaw sa mundong ito? Si mama kaya? Ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag nakita niyang ganito ang lugar na kinabibilangan ng kanyang asawa at anak?

"Aither Alaris, I'm done!" nagulat naman ako kasi nasa harapan ko na si Sophronia. Sa likuran niya ay ang tatlong sako ng basura at mga alikabok. Parang may humihila sa mga ito pero wala naman. Yeah, that's the craft of controller.

"Sige mag aayos na ako ng mga libro doon," sabi ko at bumalik na sa library. Sobrang linis na. Pero magulo lang 'yung mga libro. May iilan pang nasa sahig. Umupo ako sa upuan na nasa gitna at sinimulan ang aking ginagawa.

Sabay sabay kong pinalutang ang mga nasa sampung libro na nasa pinakaitaas. Ito na ang huli kong aayusin.

Pero bigla akong tumigil at bumagsak lahat ng librong nakalutang sa ere.

I've lost my focus.

It's because... I felt something, it's like someone's kissing my lips. But I can't see anyone.

And there he appeared, in my front. Nanatiling magkadikit ang labi namin.

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi agad ako nakakilos dahil sa gulat. Pero nang bumalik sa huwisyo ang sistema ko ay itinulak ko siya.

"Damn it! Why the hell did you do that?" singhal ko kay Vince. Sinamaan ko siya ng tingin. Gumaganti ba siya sa mga pang aasar ko? Grabeng ganti naman 'yun.

"I just want to. Sige ipagpatuloy mo na 'yung ginagawa mo," sagot niya at naglaho na bigla.

"Ang sarap mo palang halikan," pahabol pa niya at muling nagpakita para lang kindatan ako.

"Shit ka! Umalis ka na nga!" sigaw ko nalang.

Hindi! Napapikit ako sa sobrang frustration. Tinapos ko na ang aking ginagawa. Pagkatapos ay pumunta ako sa garden ng academy.

Napaupo ako sa isang swing.

Hinalikan ako ni Vince. Argh hindi dapat nangyari iyon. At isa pa, anong dahilan niya para halikan ako?

Hindi naman maaaring gusto niya ako. Oo nga't sinabi na niya 'yun. Pero, hindi eh. Hindi talaga.

Napayuko nalang ako at inihilamos ang kamay ko sa mukha ko. Gusto ko siyang sapakin dahil sa ginawa niya. Nakakainis!

"Ey Alaris." Napaupo ako ng ayos nang marinig ko ang boses ng kaibigan ko.

"A-Amara, hello! Bakit ka nandito?" tanong ko, pinipigilang mautal.

"Kamusta ka?" hindi niya sinagot ang tanong ko.

"I'm—" not fine. "Fine. Yeah I'm fine. Ikaw ba?"

"No, you're not. Naguguluhan ka ba?" tanong na naman niya. Damn. Imposibleng walang alam 'tong kaibigan ko. She can read my emotions.

"What do you mean?" tanong ko. Pilit pinapakalma ang tibok ng puso ko. Feeling ko maririnig na niya.

"Anong pakiramdam?" nakatingala siya sa mga ulap nung tinanong niya 'yun. Tingin ko'y hinuhuli lang niya ako. Pero ayoko namang sabihin agad.

"I don't know what you're talking about Amara." nagpanggap ako na naguguluhan.

"You can't keep a secret on me. I was there," sabi niya na nagpatigil sa'kin. She was there? Sa library?

"Oh my ghad. You mean? N-Nakita mo?" gulat kong tanong na agad niyang tinanguan. And without a reason, nangilid ang mga luha ko. Nagulat si Amara sa pag iyak ko kaya agad niya akong dinaluhan.

"Sshh okay lang 'yun uy," pagpapatahan niya sakin. Niyakap niya ako.

"No! Amara hinalikan niya ako. Hinalikan ako ni Vince na siyang gusto ng kaibigan natin," humagulgol pa ako lalo nung sinabi ko 'yun.

"Tama ba 'yung narinig ko Alaris?" napatigil ako dahil sa boses na 'yun. Kinabahan ako ng sobra. Nilingon ko siya.

"H-Hinalikan ka ni Vince?" tanong niya.

"L-Laila, let me explain," utal kong sabi. Shit I wanna hug my bestfriend right now.

"Alam mong gusto ko siya diba? Tapos kaibigan kita eh," malumanay niyang sabi.

"Hindi 'yun tulad ng iniisip mo. Maging ako ay hindi ko alam kung bakit niya ako hinalikan. I was just there, sitting, arranging the books Laila. Tapos bigla niya nalang akong hinalikan while he's invisible," paliwanag ko. Sana naman ay huwag niyang isipin na may kasalanan ako.

"So, ikaw pala 'yung tinutukoy niya na mahal 'kuno' niya? Kaya hindi niya masuklian itong nararamdaman ko ay dahil sayo," nakita kong namasa ang mga mata ni Laila. No, my bestfriend is crying because of me. 

"Bakit ikaw pa Alaris? Ikaw pa na kaibigan ko," sa boses niya ay halatang disappointed siya sa'kin.

"Iiwasan ko na siya. Hindi ko na siya papansinin kung iyon ang nararapat," agad kong tugon.

"Huwag na. Dati ba sa conference hall, narinig mo ang sabi ni Amara nung sinabihan mo siyang magpalit kayo ng upuan?" tanong niya na nagpakunot sa noo ko. Inalala ko 'yun. Pero oo, may sinabi si Amara pero hindi ko na nabigyang pansin.

"Sabi niya, ayaw niyang maging hadlang sa dalawang taong nag iibigan. Kayo ni Vince 'yun. Kaya Alaris, aminin mo nalang na may nararamdaman ka rin para sa kanya," napamaang ako matapos niyang sabihin iyon. May nararamdaman ba ako para kay Vince? Damn! Bakit hindi ko alam kung anong isasagot?

"See? Hindi mo masabing wala kasi meron talaga! Sa ngayon, kalimutan mo nalang na magkaibigan tayo," sabi ni Laila at tinalikuran na kami ni Amara.

"Laila!" tawag ko pa pero hindi na talaga siya lumingon pa.

"Tahan na Alaris." Nilingon ko si Amara.

"Amara, help us. Diba ikaw 'yung nagbibigay ng peace dito sa Academy? Baka pwedeng kuhanin mo 'yung galit ni Laila sa'kin. Amara, please!" Pakiusap ko.

"Iba si Laila, Alaris. Hindi nakokontrol ang isip at damdamin niya. Give her time to move on. At tutulungan ko siya," aniya. Natahimik ako.

Sa tingin niyo ba, magugustuhan ko pa si Vince gayong sinira niya ang pagkakaibigan namin ni Laila?

It hurts knowing that our friendship is now over.



AN: Hi! Kung may mga katanungan kayo o kung may gusto kayong sabihin regarding my story, feel free to comment your thoughts, I'll be very happy to read it, and I also want to interact with you. Hehe. Love lots!

DEVIANT ACADEMY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon