Chapter 8

397 44 3
                                    

Crush

"Oh my ghad Laila! Who's that guy huh? I wanna thank him for making you happy," saad ko. Masayang masaya talaga ako.

"Kahit ako, 'di ko akalaing magiging masaya pa pala ako. I mean, masaya naman ako na meron akong mga kaibigan tulad niyo. Pero iba pala talaga kapag puso na ang ngumiti. Masyadong masarap sa pakiramdam kaya hindi ko na talaga napigilan," sabi pa niya. Kitang kita ko ang pagpipigil niya ng ngiti.

"Nako, dapat lang na huwag mong pigilan. Nakakatuwa kayang makita kang ganyan," sabat ko naman. "So, sino nga 'yun?" muli kong tanong.

"Secret na muna, baka asarin niyo ako at kumalat agad. Ayokong makarating sa kanya," tugon ni Laila. Nahihiya.

"May alam ka no?" baling ko kay Amara. Well she's the girl of love.

"Oo, alam ko na inlove si Laila. Pero wala naman akong kakayahang manghula pagdating sa kanya. Lalo na at hindi ko nababasa ang kanyang mga mata," sagot niya. Well, I don't know that much about her craft.

"Well, sana ay magtuloy tuloy na 'yan Laila. I'm really happy for you," nasabi ko nalang. Ewan ko, sobrang lawak ng ngiti ko.

"Halata nga. Tss," pabalang niyang sagot. Natawa nalang ako.

"Malalaman din namin yan soon," sabi ko nalang sa kanya. Diba nga, walang sekreto ang hindi nabubunyag.

Ilang linggo ang lumipas. Halos paulit ulit lang ang nangyayari. Kakain, training, kakain, training ulit. Halos hindi ko na rin nakakasama sina Laila at Amara. Namimiss ko na sila.

Kakatapos lang namin mag dinner. Kasama ko ang team. Papunta na kami sa kanya kanya naming mga kwarto.

Halos dalawang buwan nalang at competition na. Ewan, parang gusto ko na ngang umatras. Pakiramdam ko hindi ko kakayaning manalo doon. Paano nalang kapag namatay ako sa game? Nakakatakot. But of course. I am Aither Alaris. I can do this. We, can do this.

Nagsipasok na ang mga kasama ko sa kanilang mga kwarto, nasa bandang dulo kasi yung akin. Pero biglang may tumikhim sa likuran ko kaya naman napalingon ako bigla.

"Oh Gideon? Bakit narito ka pa?" tanong ko kay captain. Ihahatid pa yata ako sa room ko. Ang sweet naman.

"Uh," napakamot siya sa kanyang batok. Aba nahihiya?

"Naks! 'Di mo ako kailangang ihatid uy!" pang aasar ko sa kanya. Pero pinagkunutan lang niya ako ng noo.

"It's not that. I just want to ask you if," hindi niya itinuloy. Tinaasan ko siya ng kilay.

"If what?" tanong ko.

"Never mind. Have a good night!" sabi niya nalang at agad akong tinalikuran.

"Sandali!" sigaw ko at bahagyang lumapit sa kanya.

"Ano 'yung itatanong mo? Alam mo bang may curiousity rin ang tulad ko?" saad ko, sarcastic.

"As if I care to your so called, curiousity," mas sarcastic niyang sabi at kita ko pang nagsmirk siya. Sinamaan ko nalang siya ng tingin.

"Suplado! Ewan ko sa'yo," sigaw ko at tinalikuran na siya. Padabog akong naglakad patungong kwarto. Nilingon ko pa siya bago ko buksan ang pinto, pero wala na siya.

"Grr nakakainis. Ano kayang sasabihin niya?" inis kong sambit at tuluyan nang pumasok sa aking silid.


Kinabukasan, naglalakad ako sa hallway nang may marinig ako na nag uusap.

Hindi ko naman sana papansinin pero narinig ko ang boses ni Laila kaya lumapit ako. Sa isang kwarto iyon. Idinikit ko ang taenga ko sa pinto para mas marinig kung ano man ang dapat kong marinig.

"What now Laila?" boses iyon ng isang lalaki. Parang familiar na ewan. Tamad niya iyong sinabi.

"I d-didn't mean to h-have this feelings for you. But I just can't help it. I've fallen—" rinig ko ang paghikbi ni Laila.

Wait, is she talking to his crush? Oh gosh!

"Stop and please move on! I don't wanna hear such stupid words from you." Ouch ang sakit naman ng sinabi niya. Masasapak ko talaga 'to kapag nagkataon. Pagsabihan ba naman ng gano'n 'yung kaibigan ko?

"But—" magsasalita pa sana si Laila pero sumabat na 'yung lalaki.

"I told you already. I love someone else Laila. Be free." Iyon lang at narinig ko na ang yapak papalapit sa pinto kaya agad kong dinala ang sarili sa medyo malayo sa kanila. Tapos magpapanggap akong dadaan pa lang. Shempre gusto kong makita 'yung guy.

Eto na, liliko na ako at makikita ko na sila.

Nakita ko kung paano hinabol ni Laila 'yung lalaki. Hinawakan niya ito sa braso kaya napilitang humarap sa gawi ni Laila. Kung nasaan din ako. Nagtama ang paningin namin. Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ako makapaniwala.

"A-Alaris," nasambit nalang ni Laila when she saw me.

"Laila," sambit ko din sa ngalan niya. Tsaka bumaling sa kanyang kasama. "Good morning!" nakangiti kong bati.

Gusto kong magmura. Gusto kong magreact pero hindi ko na ginawa. I gonna keep my cool.

I managed to smile. Na parang hindi ko narinig 'yung mga masasakit na salita na sinabi niya sa kaibigan ko. Ngumiti ako at ipinakitang suportado ko si Laila.

Tumakbo ako papalapit sa kaibigan ko at niyakap ko siya.

"He's your crush?" bulong ko kay Laila at ramdam ko naman ang pagtango niya. Humiwalay na ako sa pagkakayakap sa kanya at niyaya silang pumunta sa Chamber.

Naalala ko nalang bigla kung paano niyang ininom ang isang baso ng juice ni Laila, the first time we encountered. Naalala ko rin na sana magkasama sila sa simula ng game kung hindi lang umatras si Laila. Kaya pala lately parang iba siyang makitungo sa lalaking ito. Gusto niya pala.

Pero the fact na inamin niya na may gusto siyang iba ay parang ako 'yung nasasaktan eh. I mean, nasasaktan ako para sa kaibigan ko.

Yes, Vince Masiko the invisible man is Laila's crush.




AN: Eto yung dahilan kung bakit may mga torpe. Kung bakit mas gugustuhin nalang ng iba ng itago ang nararamdaman nila. Dahil natatakot sila sa isang bagay na tinatawag nating "rejection".

Tama ako diba?

DEVIANT ACADEMY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon