Chapter 14

302 31 2
                                    

Fight

Kinabukasan ay inihatid na ako ni Papa sa Academy. Magkikita ulit kami bago ang game dahil manonood naman siya sa'kin.

Araw nalang ang binibilang namin bago ang competition. Halos nagpapahinga nalang din kami.

Pero tuwing alas tres ng madaling araw ay pumupunta pa rin ako sa training room. I'm not pressured, pero gusto ko kasi. Gusto kong manalo. Hindi sapat na marunong lang ako. Kailangan, magaling na magaling. Hindi rin sapat na malakas lang ako. Kailangan, matatag din.

Napahinto ako sa ginagawang pagsuntok sa punching bag dahil sa sobrang emosyonal ko. Kaya naman natamaan ako't natumba. Nakakainis.

Tatayo na sana ako pero isang kamay ang tumambad sa'kin. Tiningala ko siya at nakita ko ang kulay abo niyang mga mata.

"V-Vince?" I said like, hindi ako makapaniwalang nasa harap ko siya. But hindi niya ako sinagot, iginalaw lang niya muli ang kamay na nakalahad sa'kin. Kaya naman kinuha ko nalang iyon at tinulungan niya akong tumayo.

"Uh, thank you!" tugon ko.

"At this time, everyday, you're always here. Why?" deretsyo niyang tanong.

What? Ibig sabihin, lagi siyang pumupunta dito? Paano naman kaya niya nalaman?

"Gusto ko lang, bawal ba?" pagtataray ko.

"Okay," tanging sagot niya at naglaho bigla. Medyo bastos din eh no? Napairap nalang ako.

Bandang ala-singko ay bumalik na ako sa kwarto. Umupo muna ako sa aking kama at nagpahinga saglit.

Nilingon ko ang kalendaryo sa aking mesa.

"Oh freak! Ngayon na pala ang huling araw namin dito sa Academy," I said out of nowhere.

Bukas na kami aalis. Magsisimula na ang competition the other day.

Breakfast sa food chamber. Tahimik ang lahat. Even Laila and Amara. Sobrang tamlay nila.

Gusto ko sanang magtanong pero alam ko na rin naman ang sagot. Nag aalala lang sila para sa'min. 'Yung tingin naman ng iba ay, para bang hindi na kami makakabalik pa. 'Yung iba naman ay tipid na ngumingiti, sending their goodlucks.

"Hey! Ano ba kayo? Cheer up!" ani Gideon, our leader.

Kasama ko ngayon ang team. Nandito kami sa field ng Academy. Nagpapalipas ng oras.

"Basta sa competition, kahit anong mangyari, walang susuko ha?" sabi na naman ni Gideon. Buti pa siya, parang game na game. Ewan, nahahawa kasi ako sa matamlay na atmosphere. Hay nako.

Kinabukasan, late na akong nagising. 7 o'clock in the morning ang call time namin.

Pinagmasdan ko ang kabuuan ng aking silid.

"Babalik ako dito," naiwika ko tsaka kumilos na ako't naghanda.

Hawak ko na ngayon ang doorknob ng pintuan dito sa kwarto ko. Nilingon ko pa muli ito at huminga ako ng malalim. "Babalik ako."

Nagulat naman ako nang tuluyan kong buksan ay tumambad sa'kin ang mga kaibigan ko.

"Alaris," sambit ni Amara.

"Laila, Amara. G-Good morning!" Pinilit kong pasiglahin ang aking boses at mukha namang nagtagumpay ako.

"Opening pa lang naman ng game ngayon. Bukas ay aalis din kami kasama ang mga administrators natin at mga mentors na rin," tugon ni Amara. I'm glad to know na manonood din sila.

DEVIANT ACADEMY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon