Chapter 3

607 56 1
                                    

Team

"Hey Alaris! Maupo ka nga," tawag sa'kin ni Amara habang kinakalabit ang aking uniporme.

'Di ko namalayang napatayo pala ako. Kibit balikat akong umupo. Bakit ba kasi masyado akong affected? No, it's not like that I'm just uh shocked.

Nilingon kong muli ang stage sa harapan, agad na tumama ang mata ko sa mga mata ni Vince. Masama ang kanyang tingin o sadyang binibigyan ko lang ng kahulugan. Napaiwas ako, pero through my peripheral vision nakita ko siyang papalapit sa gawi namin.

Bakante ang katabi kong upuan kaya paniguradong dito siya uupo.

"Amara, palit tayo ng upuan. Please!" pakiusap ko kay Amara na nasa tabi ko lang.

Pero sa halip na makipagpalit ng upuan sa'kin, tinignan niya lang ako, tsaka nginitian ng nakakaloko.

"Ayokong maging hadlang sa dalawang taong nag iibigan." Bulong pa niya na hindi ko naman tuluyang napakinggan dahil naupo na sa tabi ko si Vince.

Pilit kong hindi pinansin ang presensya ni Vince sa aking tabi pero sadyang 'kay hirap. Nakatingin ako kay Headmaster Faramund na nagsasalita pero hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya marahil ay nasa tabi ko ang aking buong atensyon. Bawat kilos niya ay nakikita ko, at bawat paghinga niya ay nabibilang ko. Nababaliw na yata ako.

"I will be calling the names of students that will be joining the Rival Competition."

Nabaling ang atensyon ko sa sinabing iyon ni Headmaster.

"The team must have a leader, defenses, primes and a shield," patuloy pa niya.

"Aeson Gideon, your team leader." Pumunta sa harapan si Gideon, sa tindig niya pa lang ay bagay na sa kanyang maging leader. He can destroy and repair things. He can destroy the enemies and repair his damaged team.

"Laila Amara and Vince Masiko, your defenses." Kumunot ang noo ko, isasali talaga nila si Laila and the newbie? Well bahala sila. Pumunta sila sa stage, kitang kita kay Laila na labag ito sa loob niya. Pero mukhang wala siyang magagawa.

"Aqua Azar and Aither Alaris, your primes." Agad akong napatayo, nagulat at labis na nagtataka. Tinawag ba talaga ang pangalan ko? Umupo ulit ako, nilingon ko si Amara. Tinanguan niya lang ako. Shit! Nilingon ko ang crowd, nakatingin sila sa'kin. Napapahiya akong tumayo ulit at naglakad patungong stage.

"And Alexa Dealla, your shield." Siya ang anak ng Assistant Principal namin. Tinungo niya ang stage nang nakangiti.

"Everyone, the Deviant Team." Pagkatapos sabihin iyon ni Headmaster ay nagpalakpakan ang lahat.

Nagpatuloy ang discussion habang kami'y nakatayo pa rin. Ipinakilala isa isa ang aming mga craft at kung anong magiging ganap niyon sa competition.

Simula bukas ay tanging training nalang ang gagawin namin.

Sumapit ang gabi. Nakahiga na ako ngayon sa malambot kong kama dito sa Academy. Pakiramdam ko ay nananaginip lang ako. Hindi parin ako makapaniwalang kasali ako sa Death War na iyon. I've been watching it for years pero kailanma'y 'di sumagi sa isip ko na sasalang din ako sa ganoon.

Iba't iba ang context ng game every year. Sa bundok, kagubatan, kapatagan, underground, at kung ano ano pang lugar. But it's just an artificial context.

Napabuntong hininga nalang ako.

Kailangan naming patayin ang mga kalaban para manalo.

Pinagmasdan ko ang wall clock ng aking kwarto. Alas dos y media na ng madaling araw. Sinubukan kong matulog pero pakiramdam ko'y nakapikit lang ako. Ang diwa ko ay gising na gising parin.

Kinabukasan, nagising ako sa magkakasunod na katok mula sa aking pintuan. Inaantok pa ako. Tinignan ko ang orasan, alas dose na.

"Pasok." Nakapikit parin ako habang sinasabi iyon. 'Di kasi matigil ang pagkatok.

Rinig ko ang pagbukas ng pintuan.

"Ayusin mo na ang sarili mo. Hinihintay ka ng team." aniya sa malumanay na boses. Sinilip ko kung sino ito, kaya agad akong napabangon. Si Vince.

"Heto, kumain ka. Pagkatapos ay dumiretsyo ka nalang sa Training Room," dagdag niya pa, sabay lapag ng tray na may lamang pagkain.

"S-Salamat." Tanging nasabi ko. Agad siyang tumalikod at iniwan na ako.

Agad akong naligo at nag ayos. I wear a pants, and t-shirt. Kinain ko na rin ang dinalang pagkain ni Vince para sa'kin.

Pinasadahan kong muli ang sarili sa salamin. Nangingitim ang ilalim ng mga mata ko. Halata na walang tulog. Nilagyan ko nalang ng concealer iyon. Damn!

Tinungo ko agad ang training room. First day ngayon at late ako. Amazing.

Pagkabukas ko ng pintuan, isang arrow ang bumulusok patungo sa akin. I immediately control it. Tumigil ito ilang pulgada ang layo sa aking dibdib. Kinuha ko iyon at tinignan kung sinong may gawa. Gusto ko sanang magalit pero lahat sila ay mukhang namangha sa aking ginawa. Pumalakpak pa si Gideon, ang aming team leader.

"Good Afternoon. I'm sorry for being late." tanging nasabi ko at ipinagsawalang bahala ang muntikan kong pagkamatay.

Nilingon ko si Principal Stella, nakangiti siya sa akin. I wonder kung siya ba ang magiging mentor namin. Our principal is having a craft of fire.

"I can already see that this team will be the winner."

She said it as if she can predict things. Pshh.

"Hey there! Kompleto na ba kayo?" tanong ni Sir Finn kasunod niya ang kakambal na si Miss Serendipity.

Sabay sabay kaming sumagot ng 'Yes'. Tsaka nagkatinginan.

This is unbelievable. I am Aither Alaris, and I am part of the team.

DEVIANT ACADEMY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon