Chapter 9

403 44 0
                                    

Weird

"Sabay kana sa'min Vince!" pagyaya ko kay Vince na sumabay na sa'min magbreakfast.

"No thanks," tipid niyang sagot at naglakad papunta sa team namin.

"Dali na. Eto naman!" agad kong sabi. Pasigaw na nga eh kasi medyo malayo na siya. Nilingon naman niya ako tapos sinamaan ng tingin. Humakbang siya muli papalapit sa'kin.

"Hindi ka ba nakakaintindi? I don't give false hope, so please stop," malamig niyang sinabi iyon. Tama nga naman siya baka kapag sumabay pa siya sa'min ay mabigyang pag asa ang nararamdaman ni Laila.

"Okay then," tanging naisagot ko at tumalikod na din.

"Ang sungit naman nun!" pairap kong sabi tsaka umupo na para kumain.

"Thanks sa food Amara!" kinuhanan niya kasi kami ng food ni Laila. Ganyan siya lagi kapag nauna siya dito sa Food Chamber. Ang sweet no?

Papunta na kami sa field ngayon. Kasama ko ang team. Doon ang training namin ngayong araw.

Medyo napaaga kami kasi wala pa ang kambal. Kaya nagsiupo nalang muna kami sa mga grass. Bale paikot, magkakaharap kaming lahat.

"Ano truth or dare?" tanong ni Aqua, pinagbubunot na ang mga damo sa paanan niya.

"Sige ba!" sagot naman namin at bahagyang natawa.

Ayon na nga, naghanap si Gideon ng isang bottle. Siya na rin ang nagpaikot dito na agad namang tumuro sa kanya. Tawang tawa kaming lahat.

"Ang daya naman, ako agad!" reklamo niya pa.

"Oh truth or dare?" tanong namin, sabay sabay pa. Asar na asar naman siya.

"Dare," walang ganang sagot niya.

"Hilahin mo ang buhok ni Vince. Dapat sumigaw siya sa sakit," nasabi ko nalang na sinang ayunan naman ng lahat.

"What the hell Alaris?" buti nalang hindi ko siya katabi kasi baka nasapak na ako niyan.

"Sorry bro napag utusan lang," saad ni Gideon at walang pasabing hinila ang buhok ni Vince.

"Ahh shit!" sigaw naman ni Vince. Ang sakit nun sa bandang taenga pa 'yung hinila. Tapos paitaas pa.

Tinawanan nalang namin.

Inikot muli ni Gideon ang bote. Aqua's turn hahaha.

"Truth or Dare?"

"Truth," confident niyang sagot.

"Sinong ayaw mo sa team?" agad na tanong ni Audrey.

"A-Ano? Wala shempre!" pagtanggi ni Aqua. Ang cute niya.

"Ede sino yung hindi mo nalang close?" pag iiba nila ng tanong.

"Si Alexa," tumingin pa muna siya kay Alexa at nagpeace sign. "Eh kasi, medyo mataray siya nakakatakot minsan," nahihiya niyang tugon. "But I don't hate her, okay?" pahabol niya pa. Tinukso ng ilan si Alexa pero sa huli ay natawa lang din kaming lahat.

Inikot na muli 'yung bote at kamalas malasang ako ang taya.

"That's karma," sabat ni Vince. Inirapan ko nalang siya.

"Truth or dare?" tanong naman nila. Shempre hindi ako mag di-dare. Delikado buhay ko pag nagkataon.

"Hmm truth," sagot ko naman.

DEVIANT ACADEMY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon