Chapter 24

140 3 0
                                    

Daughter

Maya maya ay dumating na rin si Papa. Nagpaalam muna kami kina Headmaster at Principal tsaka umalis.

Nasa labas na kami ngayon. Bigla namang napatingin si Papa kay Vince.

"Good day, Sir!" bati ni Vince kay Papa, nahihiya.

"Ah Papa, si Vince po. Isa siya sa kasama ko sa laro," pagpapakilala ko sa kanya. Tss.

"Yeah and?" tanong ni pa ni Papa. And what?

"Sasama po siya sa'tin," sagot ko, hindi sigurado kung tama ang isinagot.

"No, I mean are you in a relationship?" deretsyo niyang tanong. Napamaang ako.

"Hindi po," agad kong sagot.

"I'm her suitor Sir," sagot naman ni Vince. Oh no, I'm dead!

Napatingin ako kay papa matapos niya akong dinunggol.

"Hindi mo pa sinasagot anak? Sagutin mo na," tukso pa niya. Ano?

"Papa?" singhal ko. Don't tell me boto siya sa lalaking ito? Agad? What the hell?

Ang inaasahan ko magagalit siya kay Vince. Kasi for sure naman napanood niya ang mga ganap namin sa game. Grr.

"Ah Vince, stop calling me Sir. Tito nalang, pwede rin Papa kung gusto mo," tugon pa niya. Inaasar yata ako eh.

Maling mali na sinama kita!

"S-Sige po tito," nakangiti namang sagot ni Vince kay Papa.

I'm kinda pissed!

"Tara na?" pagyaya ko, sarcastic.

Huminto kami sa isang lawa sa tapat ng mataas na waterfalls.

"Magpakilala kayo," utos ni papa.

Magpakilala? Sa lawa? Seriously?

Ayoko sana pero mukhang hindi naman kami pinagtitripan ni papa. Kaya sige.

"Ako po si Aither Alaris," pagpapakilala ko.

"Ako po si Vince Masiko," tugon din ni Vince.

At talaga namang nagulat ako dahil gumalaw ang tubig sa lawa. Nagpaikot ikot ito hanggang sa maging isang portal.

Ito na! Ang portal papunta sa mundo ng mga tao!

Hawak kamay kaming tumalon doon at nakarating nga kami sa kabila.

Kakahuyan.

Parang nasa game ulit ako. Damn!

"We're here," sabi ni Papa. So ito na 'yung mundo ng mga tao? I see no difference.

"Okay, let's go!" tugon ko.

Naglakad kami ng mga ten minutes at bumungad sa'min ang, I don't know kung anong tawag nila dito.

It's a long and wide pathways. It's a road but it's gray. Hindi lupa kagaya sa Deviant World. At hindi sariwa ang hangin, it's polluted and I don't like it.

Masyado ring maingay. Lalo na 'yung mga sasakyan nila. 'Yung sasakyan sa deviant world, tahimik.

At higit sa lahat maraming tao.

Maya maya pa ay winagayway ni Papa ang kamay niya sa daan. Para pigilan yata 'yung paparating na sasakyan.

"Sumakay na kayo," utos niya at binuksan ang pintuan nito.

DEVIANT ACADEMY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon