Special Chapter
Gideon's Point of View
I was twelve years old when I entered the Academy. Labag iyon sa loob ko, sadyang ayokong mag-aral. Pero wala akong magagawa dahil pinilit ako ng mga magulang ko.
Unang araw ko sa Deviant Academy ay ilag ako sa mga nilalang. Ni ayokong napapansin o kahit kausapin. Madalas ay nagkukulong lang ako sa kwarto at hindi pumapasok sa mga klase ko.
Isang araw nagawi ako sa hardin, kunot noong pinagmasdan ko ang isang babaeng nakaupo sa swing.
Pinagmamasdan niya ang mga nakalutang na tuyong dahon. Nakaporma iyon sa isang babae. Pagkatapos ay tumayo siya at pumitas ng bulaklak tsaka inilagay sa bandang taenga ng babaeng iyon.
Lumapit ako sa kinaroroonan niya para mas makita ang ginagawa niya. Nagtago nga lang ako upang hindi niya makita.
"Mama, gustong gusto na kitang makita, at mayakap," sabi pa niya at niyakap ang mga dahon na ipinorma niya, subalit nahulog lamang iyon at nagkalat sa lupa. Pagkatapos ay nagsimula siyang umiyak. Gusto ko man siyang lapitan ay hindi ko magawa.
Doon ay naramdaman ko rin ang sakit na nararamdaman niya. Hindi ko lubos mawari kung bakit.
Gusto ko siyang yakapin at patahanin. Gusto kong malaman niya na hindi siya nag iisa. Matagal, pero nagpagdesisyunan ko rin ang lapitan siya. Ngunit bago ko magawa iyon ay may dalawang babaeng lumapit sa kanya. Niyakap siya at tinanong kung bakit siya umiiyak.
Hindi na ako nakinig pa, tumalikod nalang ako at naglakad palayo.
Pagkatapos ng araw na iyon, parang nagbago ang lahat.
Pumapasok na ako. Madalas ay nauuna pa ako sa food chamber tuwing kakain. Nagiging active na ako sa lahat ng activities sa Academy.
That girl, she inspires me a lot. She made me feel alive again, when I was about to fall for death.
I thought my life is worthless since I enter the Academy. I thought I will never be happy again.
Pero hindi lang ako naging masaya. Natutunan ko rin ang magmahal. Natutunan ko ring gustuhin ang lahat ng ginagawa ko.
I did everything better. I mean, not just better but my best. I did everything at my best.
I want to be with her, the girl behind this. All of this.
Bago pa ako tumungtong sa senior year ay may usap usapan na kung sino ang isasali sa Rival Competition sa batch namin.
I heard my name.
"I think, Aither Alaris will be part of it too," dinig ko habang naglalakad ako sa hallway.
Napahinto ako at hinarap ang tatlong magkakaibigan.
"I heard what you said. May I ask if who's that girl?" curious kong tanong.
"She's my classmate in controlling. She's the best sa'ming tatlo. Idol ko nga 'yun eh," sagot niya, bakas ang pagmamalaki sa boses.
Is she the girl that I admire? Aither Alaris?
Nakakatuwa halos tatlong taon kong sinusubaybayan ang babaeng iyon pero hindi ko man lang nalaman ang pangalan niya. Paano kasi, nasa malayo lang ako palagi, tinatanaw siya.
Kung masasali siya sa competition, I will be there too. I will protect her.
Well, from the very start ito naman talaga ang plano ng mga magulang ko. That I have to be the best para masali ako sa competition at matupad ang hiling nila para sa'kin. Hiling na hindi ko naman gusto. Ni hindi nila naisip na maaari rin naman akong matalo roon at mamatay. They don't care at all.
But this time, hindi sila ang dahilan, not my parents but I will join the competition for that girl. I will win the competition for us.
Panag-igihan ko ang training hanggang sa ipinatawag ako ng Headmaster.
They want me to become the Team Leader that will represent the Academy for the upcoming competition.
I'm so happy that time.
Ang totoo niyan wala namang kasiguraduhan na sasali rin 'yung babaeng gusto kong makasama. Kung sakaling hindi, tatanggapin ko nalang ang kapalarang matagal ng iginuhit ng magulang ko para sa'kin.
And yes, kasama siya sa team, si Aither Alaris. Makakasama ko siya.
'Yung dating pangarap ko lang na makalapit sa kanya, na makausap siya, na mahawakan siya. Nagawa ko lahat.
Maging ang pag amin ng nararamdaman ko ay nagawa ko. Sinubukan niya akong gustuhin, alam ko 'yun. Sinubukan niya akong tignan na ako lang. Sinubukan niya pero hindi talaga.
Hindi siya para sa'kin. Hindi kami para sa isa't isa.
Kahit masakit tinanggap ko at hindi ako nagalit. Naging masaya pa rin ako kahit magkaibigan lang kami. Naging masaya ako sa pinagsamahan namin.
At ayun, nanalo nga kami. Nakakalungkot lang at kulang na kami. Lahat ay hindi inaasahan iyon. Lahat ay hindi inaasahan ang pagkamatay ni Alexa.
Parte siya ng team ko. At kailanma'y hindi kami magiging Deviant Team kung wala siya.
Dumating na ang araw na sabay sabay kaming hihiling.
Labag sa kalooban ko pero ginawa ko. I hate my parents for this but still I want them to be proud of me. I want them to be happy in exchange of my freedom.
Hiniling ko na maging isang Hari, na maging kabiyak ng Reyna.
"Aeson Gideon, the bravest Team Leader. Hindi mo na kailangang hilingin iyan. Ang totoo ay matagal na kitang hinihintay," tugon ng Inang Reyna nang mabasa ang isinulat kong hiling. Hindi ko maintindihan.
"The Team Leader of the 51st Rival Competition winner will be the King, my King. At ikaw 'yun," paliwanag niya.
Hindi ko nagamit ang tatlong hiling. Hindi ko akalaing nakatakda na pala talaga 'to.
At iyon nga ang dahilan kung bakit naging Hari ako ng biglaan. Lahat ay alam kong nagulat maliban sa may mga alam na ganito ang mangyayari.
Natutunan ko ring pahalagahan at mahalin ang aking Reyna. Kahit medyo hindi madali, pero nagawa ko. Naging masaya kami sa isa't isa.
Well, I'm also happy for Aither Alaris and Vince Masiko. Buong puso ko silang ikinasal. And I'm glad that I'm part in helping them achieved their happily ever after.
BINABASA MO ANG
DEVIANT ACADEMY (COMPLETED)
FantasyA magical world, totally a different place, with gifted creatures. Having special skills and abilities, called craft. But it's not all about magic, it's also about love and sacrifices. "Is life worth risking for love?" She's Aither Alaris, a girl wh...