Incomplete
Anim kaming lahat sa team. Isa isa kong pinagmasdan ang aking mga kasama. Mananalo kaya kami?
Naupo muna kami sa sahig para daw sa forum.
Nakaproject sa harapan namin ang isang mapa. Kumunot ang noo ko sa nakita.
"This is the Deviant Academy," turo ni Miss Serendipity sa location ng aming school. "Eto naman ang Devious Academy, eto ang nakalaban ng school natin sa loob ng 50 years, since nagsimula ang Competition." Iyon ang paaralan sa South.
Sabay sabay naming pinagmasdan ang isang paaralan sa bandang kanluran. Ngayon lang namin napagtanto na tatlo pala ang Academy dito sa Deviant World. Nilingon namin si Miss. Tsaka niya iyon itinuro.
"This is the Phenomenal Academy. Matagal na iyan dyan pero hindi sila sumasali sa Rival Competition. At ngayong taon, napagkasunduang sasali rin sila," nakangiting saad ni Miss Serendipity.
"Each school must have six members per team. The team with the highest points will be saved, will be the winner. Bago magsimula ang laro ay lalagyan kayo ng isang tattoo sa braso niyo. It's like a watch pero nakadikit sa inyong balat. Iyon ang magsisilbing monitor ng points at lives niyo," dagdag ni Sir Finn.
"Hindi natin alam kung ano ang magiging context ngayon. Sa simula ng game, mahahati kayo sa apat. Magkasama ang dalawang primes, gano'n din sa dalawang defenses. Mag isa naman ang Team Leader at mag isa rin ang shield." Patuloy ni Miss Serendipity.
"Kailangan niyong mahanap ang isa't isa sa loob ng game bago mahuli ang lahat. Dahil hindi niyo malalaman kung sino sa mga kasama niyo ang ligtas hangga't hindi kayo magkakasama," ani Sir Finn.
Lahat kami ay nakatutok sa sinasabi ng kambal. Above all they're the 48th winner of the Rival Competition. Team leader noon si Sir Finn at Defense naman si Miss Serendipity. They're having a craft of music. Musikang nakamamatay.
"Kailangan niyong mag ingat sa kalaban kung ayaw niyong mamatay. Pag aralan niyo ang kanilang galaw at higit sa lahat, alamin niyo ang taglay nilang craft bago kayo sumugod," seryosong saad ni Sir Finn. Hindi ko alam kung kinakabahan ba siya para sa amin o ano.
"At last, isang linggo ang itatagal ng game. May isang linggo kayo para ubusin ang kalaban. Isang linggo para mag ipon ng puntos. Kapag hawak niyo ang pinakamataas na puntos sa katapusan, may tig iisang bula ang babalot sa inyo. Iyon ang bula na maglalabas sa inyo ng buhay. Kung sakaling kayo ang manalo." May lungkot sa boses ni Miss sa huli niyang sinabi.
"Dahil mawawasak ang lugar at kahit na anong craft pa ang meron ka, hindi ka makakaligtas kapag natalo ka, kayo." Pagtatapos ni Sir Finn sa sinabi ni Miss.
"Now, everyone introduce yourself to the team. And show some craft." Utos ni Sir.
Pumunta sa gitna ang captain namin.
"I am Aeson Gideon, your team leader." Tinignan niya si Sir Finn. At nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Nagkanda bali bali si Sir at ilang segundo lang ay bumalik rin sa dati. Shit.
"I can destroy, but I can repair," saad niya hindi yata ako nakahinga doon. Tinignan ko si Sir at nakangiti pa siya. Weird. Parang ako 'yung nasaktan.
Sumunod si Alexa.
"I am Alexa Dealla, your shield." Pagkatapos ay gumawa siya ng sariling shield. "Try to destroy my shield captain." Hamon niya kay Gideon na pinaunlakan naman nito.
"Well, I can't destroy it." Napailing iling nalang si Gideon. Bahagya rin kaming natawa.
"The only thing that can destroy my shield is that, when we lose the game. I can't protect you all if that's the case. Kaya kong patagalin ang shield sa loob ng dalawang oras, pero pagkatapos nun ay maghihintay ako ng limang oras para makagawa muli niyon. My shield has limits." buntong hiningang aniya. Pagkatapos ay naglabas siya ng isang crystal ball sa kanyang palad. Tapos ay ngumiti siya. "But I have this, unlimited." Itinapon niya iyon sa isang parte ng training room at nawasak ito.
"Tss," sabat ni Gideon at agad namang ibinalik sa dati ang nasira. Nice.
Agad na tumayo si Vince.
"I am Vince Masiko, your defense." pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad siyang naglaho. Nakita nalang namin ang isang dagger na nakalutang sa harapan namin at isinaksak niya iyon sa kanyang sarili habang invisible siya. Shit! Tatablan ba siya nun? Itinaas niya ulit ang dagger at nakangiting nagpakita sa amin. Mayroon siyang saksak na inagapan naman agad ni captain.
"Hindi ako tatablan ng kahit anong craft basta't invisible ako. Pero kapag patalim na ang hinagis niyo sa'kin at natamaan ako ay masusugatan talaga ako. I can't go through solid things. Bubuksan at bubuksan ko ang pinto para makapasok." he explained. And there, naalala ko 'yung gabing nagtungo siya sa kitchen. Kaya pala.
Akala ko sa aming lahat, siya ang talagang hindi masasaktan.
Agad akong nagtaas ng kamay, may itatanong lang shempre. Tinaasan ako ng kilay ni Miss.
"Maari po bang gumamit ng patalim habang nasa game?" tanong ko, nagtataka. Sa mga napanood ko kasi nung nakaraan parang hindi naman sila gumagamit ng patalim, kasi saan naman sila kukuha nun?
"Sa context ng game ay may mga patalim. Kunin niyo kapag nakita niyo. May mga bombs din na maaaring mag explode through physical pressure. Hindi lang kalaban and delikado, maging ang lugar," pagpapaliwanag ni Miss Serendipity. Napatango nalang kami. May gano'n pala? Siguro konti lang at mga nakatago?
Sunod na tumayo ay si Laila, as usual seryoso ang mukha.
"I am Laila Morana, your defense." Walang gana niya iyong sinabi. Well she treated her craft as a curse. May hawak siya ngayong bulaklak. Inalis niya ang kanyang eye shield. Tinitigan niya ang bulaklak at naging abo ito sa kanyang palad. Nakakatakot. Kaya niyang gawin iyon kahit sa tao. Ibinalik niya ang kanyang eye shield bago kami nilingon.
"This is why I'm scared." hindi ko inaasahang sasabihin niya iyon.
"I can kill everyone. Even my companion. Maybe I can really help pero paano kung mas una ko kayong mapatay? Isang tingin ko lang sa inyo ay mamamatay kayo." Walang emosyon niya iyong sinabi.
"Ngayon captain, maibabalik mo ba ang buhay ng bulaklak?" hamon nito kay Gideon.
"I can't. Because it's not just destroyed, it's really gone," agarang sagot ni Captain.
Kita ko sa kanilang mukha ang pagkadismaya. "I am not joining the competition and that's final." saad ni Laila at tuluyang lumabas nang training room.
We really need a substitute because now we're incomplete.
AN: The team leader is Gideon, which is also called as Captain. Just wanna share. Enjoy reading! (◕ᴗ◕✿)
BINABASA MO ANG
DEVIANT ACADEMY (COMPLETED)
FantasyA magical world, totally a different place, with gifted creatures. Having special skills and abilities, called craft. But it's not all about magic, it's also about love and sacrifices. "Is life worth risking for love?" She's Aither Alaris, a girl wh...