chapter 1

25.6K 338 4
                                    

Love Affair

By: Tink

Tink: Sana po magustuhan niyo po.

This time ang Megan natin ay matapang.

The way we should be, humble ngunit hindi hinahayaang tapakan tayo ng mga taong nakapalibot sa atin.

Enjoy!

Chapter 1

The world is full of fake people, full of lies and full of agony.

Binubuo ito ng kalungkutan at kadiliman.

Tulad ng puso, gaano man kalinis ang hangarin nito mamamantsahan ng kasinungalingan at pagtataksil.

Ang pagmamahal ay isa lamang karupukan at kababawan.

Ito ang naitanim sa puso ni Megan Aldie Del Mindo.

And her story starts here.

" Maasahan ko po ang boto niyo sa eleksyong ito"

Her father Theodore Del Mindi ended his priveledge speech in public.

Oo tatakbo na naman sa pagkasenador ang ama.

At narito siya upang suporthan ang the best father in the world.

Nasa isang malaking bulwagan sila ng bayang San Martin, isa ito sa pinakamaraming populasyon sa buong bansa.

At bilang anak, naroon siya kasama ang kanyang kuya at ate.

Siya si Megan, bunsong anak ni Senador del Mindo, nasa huling taon ng Business Administration at pinaka baby ng pamilya.

Sa edad na bente uno pinagkatiwalaan na siya ng ama ng maliit na negosyo, iyon ay isang primera klaseng flower shop.

Habang pababa sa hagdan kasama ang kanyang ama'y hinubad niya ang tshirt na kulay green na may tatak ng mukha ng ama, naiinitan siya mabuti na lang din at may nakapaloob na blouse.

" Papa siguradong mananalo ka na naman" inabutan niya ng tubig ang ama.

Nasa mid fifties na ito at malakas pa rin, isa itong dating lawyer at isang negosyante. Isa lamang branch ng Divina's flowershop ang nasa kanya, at ang lahat ng iyon ay mapupunta kanya sa tamang oras.

" Ang sipsip talaga ng kapatid ko" nakahalukipkip namang kinusot ng kanyang kuya Alden ang buhok niya.

Nakasuot din ito ng campaign tee para ikampanya ang ama, ang kanyang ate naman ay nasa Texas at doo'y nagpapakadalubhasa sa medisina. At pare pareho pa silang walang asawa.

Mula ng mawala ang kanilang ina lalong nagpursige ang kanyang ama sa pagpapalaki sa kanila, her brother isa na ding lawyer.

Mula sa bayang iyon ay tutungo sila sa Visaya's upang doon naman mangampanya. Her eyes are too tired maging ang kanyang katawan ay hapong hapo.

Narating nila ang hotel kung saan sila tumutuloy, mag aalas onse na ng gabi at ang kanyang diwa ay lumulutang na.

Nagpaalam siya sa ama bago pumasok sa sariling silid.

Madali niyang hinubad ang mga damit.

Para siyang kinikiliti habang patungo sa closet, the air coming from the ac is making her shiver.

Isinuot niya ang mahabang snoopy teeshirt at lampas tuhod niya iyon.

" Oh!Awww!Oh!"

Para siyang kinukuryente kaya hinila niya ang blanket at itinalukbong sa sarili habang nakaupo sa mahabang sofa kaharap ng television.

Love Affair by: TinkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon