• Love Affair
By : Tink
The greastest victory of a wicked human is a perfect vengeance ( Tink )
Tinks note: sorry po kung hindi po maintindihan ng iba, may nakalagay pong flashback / kasalukuyan tuloy tuloy lang po iyon. Like c3 wala pa po akong nilalagay na kasalukuyan / present hanggang sa c4 ibig sabihin po nasa nakaraan / flashback pa din po tayo. Salamat po
Chapter 5
Fatigue at kawalan ng gana ang kasalukuyang nararamdaman ni Megan Aldie, ayaw na niyang magmulat ng mga mata, at hindi siya sigurado kung naroroon pa sa kanyang sinapupunan ang kanyang baby. She can hear low murmurs and she can't identify those low voices.
Nanginginig niyang dinama ang kanyang tiyan. Magkahalong kaba at galit ang kanyang nadama. She clenched her fist.
She was beaten.
Malalaking patak ng mga luha ang nag uunahang dumaloy sa kanyang makinis na pisngi. She did struggle yet she loss. Wala siyang dapat sisihin kundi ang kanyang sarili at ang kapalaran. Then if God will throw her to hell, siya na mismo ang kusang magtutungo doon dahil malaki ang naging bahagi niya sa pagkawala ng kanyang baby.
She can't imagine her baby just started to move was gone.
Impis ang kanyang tiyan at hindi na niya madama ang pintig ng puso ng anak sa kanyang sinapupunan.
Huminga siya ng malalim bago nagbukas ng mga mata.
She blinked in haste, nasisigurado niyang ang mukha ni Joseph ang nakatunghay sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman ni Joseph sa di sinasadyang abortion.
Naramdaman niya ang mainit na palad nito sa kanyang pisngi at hinaplos nito ng banayad.
" Im sorry Aldie"
Hindi niya alam kung luha ang sumisilip sa mga mata ni Joseph basta ang alam niya'y malungkot ito. Malalim ang paghinga nito habang
nakatitig sa kanyang mga mata.
Pagak siyang napatawa. Her eyes still shedding tears. Hindi nga bat lahat ng nangyayari kagustuhan ng may kapal? Siguro kagustuhan nitong mawala ang bata, para gawing angel niya, para maghiwalay na sila ni Joseph. At para mawalan na din siya ng pag asang mabuhay.
Pinunas ni Joseph ang kanyang mga luha gamit ang mga nanginginig nitong mga daliri.
" Im sorry Aldie don't cry please. Im here."
Tumabi sa kanya si Joseph, at kahit naiilang siya nadama niya ang yakap ng asawa, for almost five months andami ng nangyari sa kanila, madaming naging pagsubok, at isa lang ang alam niya, they were not meant for each other, mahirap ang inaagaw ang isang tao, karma is just a pace away.
Oo, perfectly planned, she seduced him like other brat can do, napagtagumpayan niya ang lahat, pinakasalan siya at tinanggap pero hindi pinakisamahan bilang isang asawa. Para siyang poste na nilalagpasan.
Itinulak niya si Joseph, ayaw niyang magkaroon pa ng anumang ugnayan sa kanila lalo na ngayong wala ng baby na hinihintay. Mahalaga sa isang pamilya ang isang anak.
" Hija please start over again, kagustuhan ng Diyos ang nangyari" mula sa likuran ni Joseph si Mrs. Montreal.
Halatang nag aalala din ito at sinserong ginagap ang kanyang kamay.
" Please Aldie" si Joseph. Na noo'y umupo ulit sa tabi niya. Stroking his hands on her long shiny black hair.
Tumingin siya sa bintana kung saan ang mapapansin ang madilim na kalangitan, ahe gazed at the wallclock hanging on the wall, its four in the afternoon, she can hear thunder and see lightnings from afar, the heavy rain started to damp the ground.

BINABASA MO ANG
Love Affair by: Tink
RomanceLove Affair By : Tink Teaser Si Megan. Bunsong anak ng mga Del Mindo, isang kilalang pamilya sa larangan ng pulitika. Sa kabila ng kayamanan nagawa siyang talikuran at itakwil ng mga magulang dahil sa pangyayaring kahit sinonog tao ay pandidirihan s...