chapter 7

9.4K 183 0
                                    

Lavender Book of Stories

Love Affair

By: Tink

Tink: Ang kapitulong ito ay para po kay Ate Krystal Dayao na walang ginawa kundi okrayin ako, laitin ako at pagsabihan. Thank you mentor madami po akong natutunan kahit dinideny mong maganda talaga ang story ko. Love you girl!

Never dwell on the past, it'll only ruin your present.

So look me in the eye,

and tell me what you see

A girl so broke inside

Who's been through misery

(Lies by Kendra)

Chapter 7

KASALUKUYAN (opo nasa kasalukuyan na po tayo huwag na pong malito ha)

" JOSEPH!!” tumitiling tawag ni Ginang Marice sa anak na si Joseph.

Napaangat si Joseph mula sa kinauupuan, kasalukuyang naroon siya sa study room at tinititigan ang larawan ni Megan Aldie, ang kanyang mahal na asawa. Kanina pa siya nakauwe at papadilim na din ang kanyang kinaroroonan.

Walang nagbago sa damdamin niya kay Aldie, mahal na mahal pa din niya ito.

Napakamot siya ng ulo ng makita ang kanyang ina at mabilis siyang hinawakan sa kamay.

Sumama ang kanyang mommy sa kanila ni Camille sa Palawan, kahit masama ang loob ng inang si Marice Montreal dahil sa nalaman, hindi naman nito nagawang magalit sa kanya.

Hindi nito matanggap ang ginawa ng kanilang ama, having an affair to his bestfriend Charice, ito narin ang kinakatakot niya ang malaman ng kanyang ina ang totoo, anim na taon din nilang tinago iyon.

His Dad, nakukunsumi ito sa mga demands ni Charice, at lubos na nagsisisi sa mga nagawa. Hindi din ganon kadaling magpatawad ng kanyang ina.

Mula ng umalis ng bahay si Megan Aldie hindi na niya ito muling nakita, nagtungo siyang mag isa sa Texas living alone, nag aral at ngayon sinadya niyang magtungo sa lugar na ito upang bawiin ang asawa.

" Bata ka!Aminin mo nga sakin!'' humihingal na hinihila siya ng ginang.

" Mom. Stop it hindi na ako bata, may nagsabi sa aking baka ma MI ako, macomatose o mamatay dahan dahan po, nakita ko na siya kaya huwag niyo akong atakihin"

Napangiti siya ng maalala ang kanyang mga ginawa upang malaman lamang kung nasaan si Megan Aldie, at halos ibenta na niya lahat ng regalo ng ama mabili lamang ang Hotel Mariana kung saan nagtatrabaho si Megan Aldie, at halos tungkurin na siya ng lola ni Aldie.

Inalalayan niya sa pag upo ang ina. Humihingal ito at pilit na tinutungga ang distilled water na kinuha sa mesa.

" Mom slowly you might aspirate, deep breath"

Hinagod niya ang likod ng kanyang ina, sa edad na singkwentay maliksi pa din kumilos, kamukhang kamukha nito ang kanyang kapatid na si Camille samantalang siya'y ang kanyang ama.

" Joseph may anak ka ba sa labas? Naging unfaithful ka ba tulad ng ama mo? May dapat ba kaming malaman?" sunod sunod na tanong ni Mrs. Montreal.

Halos mapunit na ang longsleeved niya sa pagkakahawak ng ginang.

" Mom ano bang pinagsasabi niyo? Naghiwalay man kami ni Aldie mahal ko siya, I've never cheated on her kahit hiwalay kami, wala akong anak sa loob paano ako magkakaroon ng anak sa labas?." naiiritang umupo siya sa swivel chair at hinawakan na naman ang picture frame ni Aldie.

Love Affair by: TinkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon