~ we meet people not by accident. They cross our path for a reason. ( very well said you know yourself salamat sa dalawang linggo)
CHAPTER 11
Napasandal si Joseph sa manibela, habang nakatingin sa likod ni Aldie, umiiyak ito, yumuyugyog ang mga balikat, napakabigat ng mundong pinapasan nilang dalawa.
Bakit napakahirap talikuran ang nakaraan?
Bakit sa tuwing nakikita niya si Aldie naalala niya ang mga ginawang kahalayan ni Lander. Hindi ba ganun katatag ang pagmamahal niya para hindi
₪FLASHBACK₪
__________________________________
Sinabi ni Aldie na huwag niyang iwan ito ngunit tinawagan siya ni Charice at inaapoy sa lagnat si Christian, ang kapatid niya sa ama. Gustuhin man niyang huwag iwan si Aldie kailangan siya ni Christian,
pinainom niya si Aldie ng sedatives upang kumalma at makapagpahinga. At halos hindi na niya magising ang asawa.
" I love you Aldie.." hinaplos niya muna ang mukha nito bago tumayo.
Pinagmasdan ang asawa, napakaganda nito kahit simple lamang, walang kolorete, walang anumang alahas.
She sighed kahit papaano'y gumaan na ang dalahin nito, naging active na muli ngunit halos araw araw pa din itong nag aabang sa bukana ng kanilang bahay. Hindi pa din siya mapatawad ng ama.
Chubby na din ito, hindi tulad ng dati, Her cheeks, her thighs and her belly, mapagkakamalan itong buntis, ngunit napakaganda parin pagmasdan. He turned on the aircondition at iniwang bukas ang ilaw.
His phone is blinking again.
Hindi siya mapakali, parang ayaw niyang iwan ang asawa, parang mas gusto niyang matulog katabi ito, parang gusto niyang yakapin ito sa magdamag.
Ngunit sa kabilang banda naawa siya sa kapatid, mahina talaga ang resistensiya niyon, kinuha niya ang leather wallet at isinuot ang jacket.
Hinalikan niya muli si Aldie at ngsimula ng humakbang palabas, he checked his watch, pasado alas onse na ng gabi.
Binilisan niya ang kilos at nagtungo sa condo ni Charice, to his surprise wala doon ang bata, only Charice.
Nakasuot ito ng itim na nighties, at hinila siya papasok.
" What are you doing?" parang nandidiri siyang pinagpag ang suot na jacket.
Nakangiting lumapit sa kanya si Charice, kinuha nito ang mga kamay niya at hinalikan ang mga iyo.
Hirap siyang huminga, isa sa mga kaibigan niya si Charice at hindi niya mapigilan ang sariling humanga dito, matalino, mayaman, sexy at nakakatakam talaga.
Kaya nahulog ang loob ng kanyang ama dito.
Tinulak siya ni Charice sa sofa at mabilis na umupo sa kanyang kandungan, trying to control him.
Ngunit si Aldie ang nakita niya. He loves Aldie na hindi kayang pantayan ninuman. Malakas niyang itinulak si Charice at dali daling lumabas ng unit, mabilis ang
pagtahip ng kanyang dibdib, hindi dahil sa panunukso ni
Charice kundi dahil kay Aldie.
Pinasibad niya ang sasakyan at nagmaneho na parang walang mga sasakyang nadadaanan.
Malakas pa din ang pagwawala ng puso niya hanggang sa marating ang bahay, nakasara pa rin ang gate, but the door is open na kanina'y maingat niyang isinara.

BINABASA MO ANG
Love Affair by: Tink
RomanceLove Affair By : Tink Teaser Si Megan. Bunsong anak ng mga Del Mindo, isang kilalang pamilya sa larangan ng pulitika. Sa kabila ng kayamanan nagawa siyang talikuran at itakwil ng mga magulang dahil sa pangyayaring kahit sinonog tao ay pandidirihan s...