chapter 10

9.1K 156 2
                                    


CHAPTER 10

Lumuluhang lumapit si Aldie sa anak, at halos maghalo na ang mantika sa tubig, nakahiga si Vince sa semento ngunit tumatawa ito, walang anumang bakas ng pagkakabangga kung nabangga nga siya.

Kinakabahan niyang hinawakan ang iba't ibang parte ng katawan ng anak.

Hindi ito nagrereklamo o umaaray, nakangiti itong bumangon.

" Baby.." lumuluha niyang saad, kung maari lang ayaw niyang may mangyari kay Vince, ayaw niyang nagkakasakit ito o kahit naarawan.

Dama niya ang yakap ng anak, ang haplos nito sa kanyang likod.

Kinakabahang hinalikan niya ito sa noo.

Tumingin siya sa paligid, ang mga sasakyan ay pilit na sumisiksik sa likod ng BMW na hinabol ng anak, ang kotseng muntik ng bumundol sa anak ay nakaparada din.

Nahihiya siya, dahilan iyon ng konting trapiko.

" Ma, gusto kong sumakay sa kotse na yan” itinuro nito ang nakahimpil na sasakyan, ang sakay naman niyon ay hindi pa bumababa.

" Kailangan mo bang habulin?hindi mo na ba mahihintay ang paglaki mo tyanak ka!mapapahamak ka sa ginawa mo, di ka na tatangkad, di ka na mgiging astranaut, di mo na ako mabibilhan ng Porsche!" malalakas pa din ang tibok ng puso niya.

Hinila ng anak ang laylayan ng kanyang blouse, ang kaba na kanina'y nadarama ay napalitan ng pagkainis at galit.

Inis dahil hindi niya kayang ibigay ang hinihiling ng anak, galit sa sarili dahil wala siyang achievement, walang maibuga kumbaga, nasa low class na hindi man lang makabili ng bagong gamit ng anak.

Hinatak niya si Vince, isang matandang lalaki ang lulan ng kotseng muntik ng makabangga si Vince kumaway ito ng makitang okay ang anak. Tumuloy na din ito.

Still the BMW car is there, hindi ito umaalis.

Tahimik na nakatitig si Vince doon, maaring nangangarap.

Kapagdaka'y bumaba ang lulan ng sasakyan.

Natisod naman siya at nakipaghalikan sa semento ng mapagsino iyon, holy cow!

Lumingon siya sa paligid bago tumayo, wala sa loob na napapagpag siya sa damit.

HomiGod talaga, bakit ngayong kasama pa niya si Vince.

HomiGod ulit.

Mabilis na tumalilis si Joseph sa sasakyan at nilapitan sila, halos lumuwa na ang mga mata ni Vince.

" Mama lumalapit na siya, hindi ako makahinga, Ma OMG!siya ang Papa ko, siya ang bigay ni Lord!" humigpit ang hawak ni Vince, pilit na nagsasalita kahit nagkakanda bulol na.

Nilingon niya ito, ang mga mata ng anak ay nasa paparating na si Joseph, nakangiti naman ito at nakatingin din kay Vince.

Agad itong umupo upang magpantay ang mga mukha nila.

Parehong nagtitigan at kinikilala ang isa't isa sa pamamagitan ng mata. Dinama ni Joseph ang mukha ni Vince, hinaplos ang buhok, ang mga mata, ang ilong at mga bibig.

Npasinghap siya.

Joseph smiled, hinalikan nito ang noo ni Vince, niyakap hanggang sa bumitaw na si Vince mula sa pagkakahawak sa kanya.

Tuwa ang nararamdaman ni Joseph, kitang kita iyon sa mga mata nito.

" Im...choking stranger...please release me.." parang robot na saad ng bata. Nakangiti namang binitiwan ito ni Joseph.

Love Affair by: TinkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon