chapter 3

10.7K 190 1
                                    

Love Affair

By: Tink

Chapter 3

Hindi siya mapakali, parang gusto na niyang umalis sa opisinang iyon.

Parang gusto niyang isampal ang lahat ng mga papel sa mukha ni Joseph.

" Gusto kong malaman mo na tanggal ka na sa trabaho " diretsang saad ni Joseph.

Pinagmasdan siya nito, parang binibilang ang kanyang mga bilbil.

Tumayo ito at lumapit sa kanya. He touched her nape, napataas ang kanyang balikat. At naramdaman niya ang isang kamay nito sa kanyang bewang.

" Live with me, babayaran kita kahit magkano, anyway walang masama kung magkaroon tayo ng affair, were couples." inilapit nito ang mga labi sa kanyang batok.

Blowing an air that made her gasp.

" Huh!" humarap siya dito.

Umiiling siyang umatras.Her brows raised.

" Bakit kailangan pa nating magkaroon ng affair?asawa mo ako hindi ba?, oh well if that's what you want, mayaman ka nga pala"

Umupo siya sa upuang kaharap ng mesa.

Kalmado siyang nakatingin kay Joseph na kabaligtaran naman ang reaksiyon.

Namumula ito at kuyom ang mga palad. Ang mga mata nito'y nang aarok.

Tinaasan niya ito ng kilay, while watching him pace towards her.

Sinipat niya ang orasan, its almost four at kailangan na niyang sunduin si Vince.

" I want your decision now" huminga ng malalim si Joseph, pinaluwagan nito ang necktie at bumalik sa upuan.

Tumango tango siya. Affair? Why not, ito na ang pinakahihintay niyang pagkakataon. Napangiti siya.

" Okay. How much?" mabilis niyang saad.

Ipinatong niya ang mga kamay sa mesa, tapping her finger on the edge, she stared at him, nadarama niya ang sakit.

Ang kahihiyang sinapit.

Ang nawalang pamilya at nasayang na pagmamahal.

" Three million for a year" sumandal si Joseph ang kanyang mga mata'y nakatitig sa kanya.

Simula ng makaharap niya ito malalim at parang may gustong sabihin si Joseph.

Pero ngayong ganito ang gustong mangyari ng lalaki para siyang bayarang babae. Na pwedeng bilhin at ibahay.

" Ang liit naman" ngumiti siya.

Touching the table repeatedly using her index finger.

" Let's say..Five million?konti lang iyon sayo"

Nakangiti na ulit siya, habang tinitignan ang pagtahip ng dibdib ni Joseph at pagkuyom ng mga palad.

Maya maya'y sinuntok nito ang mesa. Joseph's face is in turmoil.

Nagulat siya ng mariing hawakan nito ang kanyang brasong nakapatong sa mesa, ang mga mata nito'y parang tigre anytime will kill his prey.

" Ganyan ka na ba kagarapal ngayon?limang milyon?youre not even worth a cent!" itinulak siya nito.

Hinaplos niya ang kanyang braso, the pain goes away pero ang sakit ng sinabi nito'y nag eecho sa kanya.

" Ha!" ngumisi siya. Tinitigan niya ito sa mata and she didn't back off, linabanan niya ang mga titig nito. Parang nangungutya ng hitsura nito.

Love Affair by: TinkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon