Love Affair
By: Tink
Tink: This chapter is dedicated to Ligaya , oo ikaw, huwag ka ng magtaka, oh nagkamot pa, ui ngingiti na yan!, namimiss na ako
Salamat sa pag basa sa lahat ng akda ko mula kay Portia.
Chapter 8
Napakibit balikat si Megan Aldie ng mapagbuksan si Mayeth. Isa sa mga kaibigan niya sa Palawan, she smirked sabay lingon sa anak na si Vince.
Nakalabi ito na salubong ang mga kilay, nakahalukipkip din ito sabay tulak kay Mayeth.
" Hey!" natatawang saad ng kaibigan.
Pilit nitong iniiwasan si Vince. Galit na galit at parang gustong magwala.
Sino nga ba ang hindi magagalit?he was expecting to see his father dahil iyon ang pingdasal niya kanina. Umasa siyang ibibigay ng Diyos ang kanyang kahilingan. Bata, hindi lahat ng pinagdarasal natutupad, kailangan matuto ding maghintay.
Napapailing na niluwagan ni Aldie ang pintuan upang makapasok si Mayeth, nagtungo siya sa likod ng pintuan upang kunin ang payong, makulimlim ang paligid at parang nagbabadya ang ulan. Ang araw ay unti unting tinakpan ng makapal na ulap. While it started to drizzle.
Hindi niya inaasahan ang pumalahaw ang kanyang anak. Vince is crying na parang pinipiga nga
ang kanyang puso, hindi niya masabi kung sino ang ama ni Vince, si Joseph ba o si Lander.
Napailing siya.
She watched the video, na siyang nagpainit sa sitwasyon nilang mag ama, lalo lamang itong lumayo at
itinakwil siya. Hindi niya akalaing magagawa ni Lander iyon at hindi niya alam ang dahilan kung bakit pilit siyang pinapahamak ng lalaki.
Pero ano?anong ginawa ng kanyang asawa?pinapaalis siya dahil doon? Sa kabilang banda kasalanan ni Joseph iyon he left her. Nasa state siya ng withdrawal and faint, hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa paligid. The rumors and the scandal spread. At kung ilang beses niyang tinakpan ang mukha malayo lamang sa mga media.
Ang mga pasang natamo niya at ang kahihiyang dulot nun ay nabura, pero ang lamat sa kanyang puso'y hirap ng tanggalin.
Sinabi ni Joseph na mahal na mahal siya nito ngunit hindi sapat iyon, pinagdudahan siya. Believing on the videos, oo nga naman sinong matinong asawa ang hindi maniniwala doon? At sino ang hindi mapuputulan ng ego?kung siya naeskandalo alo naman siguro si Joseph.
Pero hindi niya inaasahang muli pang makikita ito.
She sighed.
Humarap siya sa anak na humihikbi, while Mayeth and her lola Martha sits on the sofa , makikita sa mga mata ng mga ito ang awa.
Umupo siya sa harap ng anak upang pumantay ang kanyang mukha sa mukha nito.
Pinunas niya ang mga luhang dumadaloy sa mukha nito, mga luhang naghahangad na makita ang ama, mga luhang may dasal.
" I feel bad.." Humihikbing saad ni Vince, halos hindi na niya makita ang mga mata nito.
She sighed.
And sighed.
Ngunit mas sa kanya, nalulungkot siya, kung si Vince hindi kilala ang ama siya nama'y confused kung sino ang ama ni Vince.
Sino ang kamukha nito. At kung kanino ang feature na nakuha ni Vince, kung siya ang tatanungin that night she wasn't feel sore, wala siyang maramdamang kakaiba, pero pinili niyang tumahimik na lang at lumayo kaysa magpaliwanag sa taong hindi naman siya kayang panindigan.

BINABASA MO ANG
Love Affair by: Tink
RomansaLove Affair By : Tink Teaser Si Megan. Bunsong anak ng mga Del Mindo, isang kilalang pamilya sa larangan ng pulitika. Sa kabila ng kayamanan nagawa siyang talikuran at itakwil ng mga magulang dahil sa pangyayaring kahit sinonog tao ay pandidirihan s...