Love Affair
By: Tink
FINALE
Chapter 16
Hindi makagalaw si Aldie habang nakatingin sa papalapit na mga kapatid, hindi naman makapagsalita si Joseph na karga si Vince na nakamasid lamang sa kanila. Hindi din niya alintana ang sinag ng araw na sumisilaw sa kanyang mga mata, twilight na sa mga oras na iyon at gaya ng nararamdaman niya malapit ng gapiin ng dilim ang liwanag.
Alden was her husbands bestfriend pero bakit kilangan itago sa kanila ang katotohanan?
Napapikit siya kung pwede lang maglaho sa oras na iyon, kung pwede lang takasan ang parteng iyon ng kanyang buhay.
World is full of surprises, ang mga bagay na akala natin nabaon na sa limot ay kusang umuusbong katulad ng mga mushroom, edible man ito o hindi.
Nanginginig siyang napaatras.
She can see Alden and Addie, may pag aalinlangan ang mga itong lapitan siya.
" No-dont!” hindi pa siya handa, kung dati pinakaasam niyang makita ang mga ito ngayon parang sana lang hindi na bumalik pa ang mga ito.
" Aldie please" nagsusumamong saad ni Alden.
Naramdaman niya ang paglapit ng asawa at ni Vince sa kanya, holding her hands.
Walang sinasabi ang mga
ito.
She glanced at Joseph ngunit ang mga mata nito'y diretsong nakatingin kay Alden.
" Umalis na tayo" saad niya.
Pero hindi natinag ang asawa nanatili itong nakatayo hawak ang kanyang kanang kamay.
" Vince ang Uncle Alden at Aunt Addie mo, give them a kiss, kapatid ng mama mo, I bet you want to meet your lolo?” ani Joseph sa anak.
Vince smiled habang ibinaba ni Joseph ang anak.
Mabilis namang lumapit si Vince at humalik sa mga ito, pagkagulat at pagkamangha ang nakita nila kay Vince, at doon siya proud sa anak, no matter the situation is naadopt nito.
" I said umalis na tayo" mariing saad niya, habang nakipagtitigan kay Joseph.
Nakangiti itong humarap sa kanya. At dahil dun gumagaan ang loob niya.
Kahihiyan, pagtatakwil at kawalan ng pagmamahal ang naramdaman niya kasama na dito ang paglayo niya kay Joseph.
Nabuhay siya sa kanyang sariling pagsisikap hindi nga bat' malaking pasasalamat na iyon? Pero bakit ganun kahirap kalimutan ang lahat?
Naramdaman niya ang paghalik ng asawa sa kanyang ulo, it brings freedom, huminga siya ng malalim at pinakinggan ang tibok ng puso ni Joseph.
" Whatever your decision is, susuportahan kita hon, Im sorry dahil isa ako sa mga dahilan ng pighati mo,pero nandito na kami, Aldie..pakinggan mo ang sinasabi ng puso mo, kung ano ang nararamdaman mo ngayong kasama mo ako ganun din o doble pa ang mararamdaman mo kapag kasama mo na ulit sila"
Nakapikit na sinamyo ni Joseph ang kanyang mukha habang ang mga kamay ay nakahawak sa kanyang katawan.
" Pero Joseph..."nag aalinlangang saad niya.
Tumango si Joseph, ibinaba nito ang mga labi sa kanyang punong tenga.
" Pakinggan mo ang puso mo, Aldie.."
Hindi siya makahinga ng isang pigura mula sa pintuan ang kanyang nakita.
Her heart raised with anger.

BINABASA MO ANG
Love Affair by: Tink
RomanceLove Affair By : Tink Teaser Si Megan. Bunsong anak ng mga Del Mindo, isang kilalang pamilya sa larangan ng pulitika. Sa kabila ng kayamanan nagawa siyang talikuran at itakwil ng mga magulang dahil sa pangyayaring kahit sinonog tao ay pandidirihan s...