chapter 12

8.6K 150 0
                                    


Chapter 12

( LANDER)

Umiiling na minasdan ni Lander sina Joseph at Aldie mag aalas dos na ng hapon noon, the wind started to get cold at malakas na ang pagpalo nito sa dagat, ang kanina'y makulimlim na kalangitan ay lalo pang dumilim, nagbabadya ang ulan at habang siya'y maintindihan ang sarili, pinagmamasdan niya ang mga ito lumalakas ang kabog ng kanyang puso, nahihirapan siyang huminga, parang may kung anong pakiramdam ang gustong kumawala mula sa kanyang kaibuturan.

May damdamin ba siya kay Aldie?. Dinama niya ang kanyang dibdib. He can feel the lubdubb which is usual, pero parang nagsskip beats ang kanyang puso at parang nakalunok siya ng isang kilong nescafè. Isa siyang ruthless, at isang anti social, wala siyang dapat gawin kundi sirain ang buhay ni Aldie.

Narito siya sa Palawan upang gawing impiyerno ang buhay ni Aldie, he needs to get even, nasira ang pangalan ng kanyang ama, at nakulong siya ng matagal dahil tinago ng mga del Mindo ang katotohanan, katotohanang buhay pa ang panganay na si Alden, at sa gagong Joseph na yan, he thought he can hide the videos, nah, kinukuha palang niya nauupload na sa ibang gadgets niya.

Oo, hinding hindi niya titigilan ang mga ito, lalo na't may batang sa tingin niya'y kanya.

Wala siyang matandaan ng mga oras na iyon, he just wanted to make a scene, dahil lango sa cocaine hindi niya alam kung nagalaw ba niya si Aldie o hindi.

Napasabunot siya sa ulo, at paulit ulit na kinakagat ang mga labi.

Bago siya makilala ni Aldie, alam na niya na bigo ito, sinamantala niya ang kahinaan at kainosentehan ni Aldie, he taught her how to use drugs in paraphernalias, naging magkaibigan sila, at sa maikling salita, oo na he fell inlove with her.

Natakot siya ng sabihin ni Aldie na ayaw na nito, parang hindi niya kayang wala ito, nakakaadik at nakakabighani ang presensiya nito kahit may asawa na.

Ngunit hindi siya naging maligaya dahil siya ang ugat ng lahat, maging ang pamilya niya'y tinalikuran din siya.

Akala niya makakatulong sa ama ang paninira kay Aldie, but Aldie told the media that they have an affair.

Lalong sumiklab ang galit niya.

Matagal at halos isang buwan din niyang nahanap si Aldie, but seeing how vulnerable she is, parang ayaw na niya itong lapitan.

Pero ang bata..

Kung sa kanya ang bata dapat lang na kilalanin siya nito.

Hindi niya akalaing ang tulad ni Aldie ay payapa at kuntentong nakatira malayo sa siyudad.

Hindi niya akalaing ang isang Aldie ay nakayanang

harapin ang mga pagsubok.

Hindi tulad niya.

He always found himself hanging, yung nasa dilim at hindi alam kung paano magsisimula.

He raised himself at pinaharurot ang kanyang sasakyan palayo sa dalawang nag uusap, he needs to see the boy. Aldie's son.

Pinarada niya ang sasakyan sa harap ng gate ng eskwelahan, from afar he can see a boy sitted on a bench, nakangiti itong nagmamasid sa mga batang naglalaro, naka scout uniform ito na kulay brown, nakasumbrero ng itim na may nakaembroider na punong kahoy.

Hawak hawak nito ang isang lunch bag, at yakap ng isang kamay ang isang malaking sketch pad.

Lalo namang kumabog ang kanyang dibdib ng magpasya siyang lapitan ito, uwian na nila at pwedeng pwede ng pumasok sa loob ng paaralan.

Love Affair by: TinkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon