Love Affair
By: Tink
Chapter 4
Ang pagtatanim ng galit ay sadya nga bang natural lamang? Tao ka lang? Oo nga naman tao ka lang, nasasaktan at nagdaramdam.
Ang bahay na kinalakhan ni Megan Aldie ay napakaliwanag kahit dis oras na ng gabi. Akay niya ang kanyang lola Martha patungo sa loob ng bahay upang makita ang mga labi ng panganay ng del Mindo.
Umakyat sila sa staircase passing through a very huge wood door.
Tanging ang ama at kanyang ate Addie ang naroroon.
Magkaharap ang mga ito sa malaki at eleganteng salas. Sipping tea served by their helper. Kalmante at walang anumang kakaibang nangyayari sa buong bahay.
Iba ang inaasahan niya, wala ang labi ng kanyang kuya Alden.
Noo'y lumingon sa kanila si Addie. Her ate Addie na ngayo'y malaki din ang tiyan, nasa last trimester na ito. Her eyes expressed pity.
" Aldie!" akmang tatayo ito ngunit mabilis na pinigilan ng ama, muli itong naupo.
Nag aalinlangan man lumapit sila ni Lola Martha, while the old lady is crying. Kahit malakas pa ito nawalan ito ng sigla dahil sa nabalitaang pagkawala ng naunang apo.
" Papa"
Dahan dahan siyang lumapit sa ama. Humihikbi at magkasiklop ang mga kamay na parang batang nawalan ng lollipop.
" Papa" ulit niya
Her father didn't hear her. Bagkus hinarap nito ang ina.
" Mama bakit narito kayo, pumasok na po kayo sa kuwarto bukas dadalawin natin si Alden"
Tumayo ang kanyang ama at inalaayang pumasok sa kuwartong katabi lamang ng salas.
Nagkaroon sila ng pagkakataong magyakapan ni Addie.
At kahit parehong malaki ang tiyan ay mahigpit pa din silang magkayakap.
Ilang taon din kasi niyang hindi ito nakita, at tulad ng kanyang kuya napaka protective nito.
" Ate, Iam sorry, I ..I" hindi niya matuloy ang gustong sabihin.
Ang bigat ng kanyang dibdib, tinatalo siya ng guilt, ng pagsisisi. Kung hindi sa kanya hindi mangyayari ang lahat.
" Shhhh... Bunso.." hinaplos nito ang kanyang likod, kissing her lightly on her cheeks.
" Ate, kasalanan ko, hindi ko sinasadya, ate maniwala ka gusto ko ng lumayo pero-”
Naramdaman niya ang tapik ng kanyang ate sa kanyang likod, senyales na naroon na ang kanilang ama.
Halatang stressed at puyat ang kanilang ama.
Ang mga mata nito'y galit na nakatitig sa kanya, again he sits on the chair near the big flat screen tv.
" Bakit nandito ka?Hindi ba sinabi kong lumayo ka?" diretsang saad ng kanilang ama. Atensiyon nito'y nasa panonood ng tv.
" I wanna see kuya Alden Pa, gusto ko siyang-”
" Para ano? Para kumustahin o pasalamatan? Hindi na siya babalik Aldie, hindi na natin siya makikita!" malakas na saad nito.
She can see anger, kuyom ang mga palad na lumakad patungo sa kanya.
He raised his right hand and slapped her hard. Napabiling ang kanyang mukha following her hands touching her own cheek.

BINABASA MO ANG
Love Affair by: Tink
Roman d'amourLove Affair By : Tink Teaser Si Megan. Bunsong anak ng mga Del Mindo, isang kilalang pamilya sa larangan ng pulitika. Sa kabila ng kayamanan nagawa siyang talikuran at itakwil ng mga magulang dahil sa pangyayaring kahit sinonog tao ay pandidirihan s...