"Hoy Amik! Halika nga muna dito" hinawakan ko ang aking kapatid sa magkabilang braso. Kailangan kong pigilan ang mga magulang ko sa plano nilang papasukin ako ng kumbento.
"Ano ba kuya! nasasaktan ako ha, kung maka hawak ka sa braso ko, parang papatayin mo ata ako eh!" sambit ng aking nakababatang kapatid na si Amik.
Kambal na magkapatid kami ni Amik, ako si Anik, ako ang panganay at siya naman ang bunso. Matagal nang ninanais ng aking mga magulang na papasukin ako ng seminaryo dahil sa pilyo akong bata at tingin nila ay hindi na raw ako magbabago. Ayaw na ayaw ko yun, kaya pagpapanggapin ko ang aking kapatid na ako, makatakas lang sa sinasabi nilang delubyo.
"Baliw kaba? Shunga! hindi ko gagawin yan!" utal ng aking nakababatang kapatid. Sinabihan ko siya sa mission impossible ko pero mukhang ayaw niya naman. Were identical twins, minsan napagkakamalan siyang ako, at minsan napagkakamalan akong siya. Kaso nga lang lalake ako at siya babae.
She's boyish, ayaw niya ng mga girly things. Mas gugustuhin niya pang naka tuxedo kaysa naka gown. At ako naman,pilyo mang naturingan, I like to explore the world, gusto kong maging isang scientist at makatuklas ng maraming bagay, I want to be like Gregor Mendel, Carolus Von Linnaeus, Alexander Fleming at hindi maging isang seminarista, it's not my calling anyway! Sorry Lord, pero kailangan ko munang magpakalayo layo sa mga magulang ko at ito, ito lang ang naiisip kong paraan.
"Alam mo namang ayaw na ayaw ko ngang pumasok hindi ba?" pag aalinlangan kong tugon sa kaya ."Pero teka, may sasabihin ako sayo" tinignan ko ng mata sa mata ang aking kapatid. Nakaupo nga pala kami sa may batuhan ng sapa, favorite hiding place namin eh.
"Ano?" sambit niya.
"Bahala ka, hindi kana makaka chance sa crush mo, narinig ko pa namang papasok si Chaning sa kumbento, sige bye, aalis na ako!" tugon ko sa kapatid ko habang ako nag aaktong aalis na.
Aalis na sana ako ng bigla niya akong pinigilan "Si Chaning? Ang ultimate unrequited love ko? Papasok ng kumbento?" tanong ng kapatid ko. Kitang kita ko ang sigla ng kanyang mga mata. Gulat na gulat siya sa sinabi ko.
"Oo, papasok siya, at wala kanang pag-asa sa kanya, haha! Kawawa ka naman sissy!" utal ko sa kanya habang pinapakunsensiya at tumatawa.
"Hindi pwede to, kailangan ko siyang pigilan! Kung ang sabi ng iilan, kung kami talaga para sa isa't isa edi kami, pero kung hindi, edi pipilitin ko!" napatawa lang ako ng malakas sa pinagsasabi ng kapatid ko. Gustong gusto niya kasing makilala ng lubusan si Chaning.
"Haha, nakakatwa ka talaga twinnie, after graduation papasukin na ako, at ikaw...." tugon ko sa kapatid ko habang tinititigan ko ulit siya ng mata sa mata.
"Anong ako?" tugon ni Amik, nilapitan ko siya at hinawakan sa magkabilang balikat. Hinahamon ko siya.
"Take it or leave it? Magpapanggap kang ako o hahayaan mo nalang si Chaning na mapag-isa sa kumbento?" tanong ko kay Amik.
Nag aalinlangan siya sa sinabi ko. Parang gusto niya na ewan, haha! Nice din itong strategy ko, e block mail ba naman ang sariling kapatid ? haha!
"O sige na nga, I'll take it! Pero sa isang kundisyon!" imik niya.
"Huh? Ano naman yon?" tanong ko, may pa kundisyon kundisyon pa talaga tong nalalaman ang kapatid ko
"MAKE ME A MAN!" she said desperately.
"Ok, as you wish sissy!" I said joyfully.
BINABASA MO ANG
The Twin's Trap
Spiritual"Hindi lahat ng GWAPO este MAGANDA nag AARTISTA, ang iba SEMINARISTA." Dalawang kambal na magkapatid ang naiipit sa isang sitwasyong hindi nila akalaing magagawa nila. Mabuking kaya sila sa kalokohang pinasok o mapanindigan nila ang pagpapanggap nil...