Flashback....
"Salamat at iniligtas mo ang buhay ko, ano nga pala ang pangalan mo?" tanong ng lalakeng malapit nang masagasaan ng isang pampasaherong bus.
"Kung magpapakamatay ka rin lang naman, sana hinayaan na kita, pero pasalamat ka sa akin at mabait ako, sa susunod tumingin ka sa tinatawiran mo, hindi yung padalos dalos kalang!" sagot nung babae.
"Ang sungit mo naman, ano nga pala ang pangalan mo?" tanong ng lalake sa babaeng nagligtas ng kanyang buhay.
"Ako si N... Just call me N..." sagot nung babae na aaktong aalis na.
"A----sandali lang Miss, a---a----aako ko nga pala si Amalek..." pagpapakilala ng lalake habang hinahabol ang babae.
"Ok" sabi ng babae.
"Uhm Miss, pwede ko ba hingin ang number mo?" tanung ng lalake.
"Number 1"
"Haha, what I mean is cellphone number mo..."
"Sorry but I am not fond of texting..."
"Grabi ka naman Miss, halaka may kung anong insekto sa buhok mo yuck!"
"Nasaan huhu! Alis... ugh.... alis kayo sa buhok ko mga insekto kayo.... Teka parang wala naman ah, niloloko mo lang ata ako eh, wag mo akong binibiro magaling akong mag boxing, gusto mo matikman ang kamao ko?" banta ng babae....
"Hehehehe, ikaw naman hindi ka naman mabiro, biro lang naman, masyado ka namang seryoso sa buhay mo..."
"Ok..."
"Ang tipid mo talagang magsalita"
Tinignan ng babae ang lalake at hinarap ito.
"Ano ba kasi ang kailangan mo sa akin ha?" tanong ng babae
"Ako, gusto ku lang namang makipagkaibigan sa iyo, pwede ba yun? Ang sungit sungit talaga hahai..."
"Ok"
"So magkaibigan na tayo?"
"Oo nga sabi, bakit hindi ka makaintindi?"
"Sorry miss sungit, bakit nga pala N lang ang pangalan mo?"
"Hanggang saan mo ba ako balak sundan?"
"Nakikita mo ba to" dagdag ng babae, sabay turo sa isang bahay na kulay asul. "Dito ako nagboboard, ngayong alam mo na kung saan ako nakatira, pwede bang huwag mo na akong sundan."
"Hehe, okay, sige as you wish." ngiting sabi ng lalake habang pumapalayo na at nagpapaalam kay N.
End of flashback...
"Panahon na siguro para malaman nila ang totoo..." utal ng isang magandang babae na naninigarilyo.
"Huwag muna ngayon, kapag nagkataon wala na tayong alas sa kanila, mabuti naman at nakausap ko yung isa, alam mo sobrang takot na takot siya sa akin, kapag nagkita kayo, ano kaya ang magiging reaksiyon niya?" tanong ni Cyathea sa babaeng naninigarilyo.
"Tama ka nga, mabuti nalang at na track natin kung saan ang punta niya, what a plan, akala siguro nila walang nakakakaalam, pero heto tayo, stalking them, threating them, I know this has to stop someday, hayaan mo muna ako sa plano ko..." sagot ng babaeng naninigarilyo.
"Alam mo nang makita ko yung isa, parang hindi siya pinalaki ng matino ng mga magulang niya, akalain mo sinagot sagot pa ako, wala siyang manners, hayaan mo when I got to know him more, I want to poison him with realities, at kapag nangyari iyon, tiyak ikagugulantang nila iyon, pero sabi mo nga hindi ba, hahayaan nalang kita sa magiging plano mo..." utal ni Cyathea.
BINABASA MO ANG
The Twin's Trap
Spiritual"Hindi lahat ng GWAPO este MAGANDA nag AARTISTA, ang iba SEMINARISTA." Dalawang kambal na magkapatid ang naiipit sa isang sitwasyong hindi nila akalaing magagawa nila. Mabuking kaya sila sa kalokohang pinasok o mapanindigan nila ang pagpapanggap nil...