"Hindi pa ito ang pre collegian years niyo, may one year pa kayo dito as a novice and you will be wearing your clerical attires if we have trips na required na suotin yun. By the way I'm your formator, just call me Kuya Hymenophyllum, understand?"
Nagsimula rin sa wakas ang unang araw namin sa kumbento. Hindi ko talaga inexpect ang mga mangyayari.
Habang busy ang aming formator sa gitna ng klase, nakipagkilala ako sa katabi kong seminarista. "Ui ano pangalan mo?"Nginitian niya ako "I'm Marratia and you are?" hininaan lang niya yung boses niya, ganun din ang ginawa ko "I'm Anik" sabay pakikipag kamay.
Ang gara naman ng pangalan ng formator namin. He is cute, matangkad, macho pero mukhang suplado, gusto ko siyang maging kaibigan Nga pala, bibigyan kami ng one year as a novice dito sa kumbento, susuruin pa kasi kung karapat dapat kaming maka tuntong ng pre collegian years at may chance pa na lumabas yung iba. Hindi ko alam kung makakatagal ako, baka kasi dito ako mabubuko, pero huwag naman sana.
Kung tatanungin niyo ako sa comfort ko dito sa kumbento, para akong isang boarder. Ang gagwapo ng mga boardmates ko, nakakaiyak! Huhu parang umuulan nga ng lalake eh. It's raining men, hallelujah, its raining men! Amen! Haha .
Tama nga ang sinabi nila, hindi lahat ng gwapo nag aartista, ang iba seminarista haha! At isa na ako sa pinaka maganda este pinaka gwapong papasok ng kumbento, ang feeling ko noh?
"Ui ikaw? Bakit ang lalim ng iniisip mo? Namimiss mo na siguro ang girlfriend mo noh? Lumabas kana kasi!" sambat ng formator namin at nagtawanan ang lahat ng kaklase ko.
Haha! Para lang din akong tanga, nakatunganga lang kasi ako habang nilalaro ang ballpen ko. Akala siguro ni Kuya Hymeno hindi ako nakikinig sa mga pinagsasasabi niya kanina pa. Ano bayan, napagdiskitahan tuloy ako.
Makisabay na nga sa trip nila...
"Oo miss na miss ko na siya, hiniwalayan ko siya dahil lang dito, pero kailangan ko munang hanapin ang sarili ko kasama si Lord, kung kami edi kami, kung hindi edi hindi, diba kuya?" sagot ko kay Kuya with intonation pa yun ha na feeling nawalan kahit hindi naman haha! . Napatawa lang si Kuya sa sagot ko, wala eh, wala akong maisip na matinong sagot, aw matino naman yun hindi ba?
Nagtawanan ulit ang mga kapwa ko seminarista, "wahaha!"
Yung totoo hindi ako pwedeng magka girlfriend dahil lalake ang gusto ko okay. Pero hindi ko alam, baka baug ako, baka mag asawa ako, o baka itinadhana talaga ni Lord sakin ang single blessedness, hindi ko alam, basta explore explore lang muna ako ngayon sa buhay. God has bigger plans for me, ayoko siyang pangunahan.
"Eiit!" sambat nung katabi ko
"Pag-ibig pa more!" sambat nung isa...
Napatanong tuloy ang formator namin...
"Dahil nagkaroon ako ng amnesia nung interview niyo, sino sino ba sa inyo ang may mga syota dito? Bawal ang sinungaling ha.." haha! What a question, siguro marami ditong nagka experyens na ng ganun, kasi ako wala pa, hindi ako makarelate.
Bawal daw singungaling kaya hayun hindi ko itinaas ang kamay ko. Hindi ko pa masyadong kilala ang mga kasamahan ko kasi naman first day palang namin ito, hindi rin ako nagkaroon ng time na kilalanin ang iba pa kasi naman tinamaan ako ng hiya, at ayokong sabihan nila akong FC, FEELING CLOSE, baka mamaya may makabuko sa akin na babae ako, huwag naman sana.
Nang nagmasid masid ako sa mga kaklase ko, nakita kong itinaas ni Grammitis ang kamay niya, charot ang barako may syota na pala? , ang silent niya kasi eh, akala ko wala, haha! So wala na akong kapag-a pagasa nito? mwehehe biro lang. Si Chaning naman ay nasa likuran nakaupo, ano bato pilit kaming ipinaglalayo ng tadhana, hahai, oo nga noh? Baka ma temptate lang ako, haha! Ang baliw ko talaga mag-isip. Nginitian niya lang ako nang makita niyang tinitignan ko siya, nakakakilig! Gosh! OMG!
BINABASA MO ANG
The Twin's Trap
Spiritual"Hindi lahat ng GWAPO este MAGANDA nag AARTISTA, ang iba SEMINARISTA." Dalawang kambal na magkapatid ang naiipit sa isang sitwasyong hindi nila akalaing magagawa nila. Mabuking kaya sila sa kalokohang pinasok o mapanindigan nila ang pagpapanggap nil...