"Ah, wala may pinagdadaanang unos ang isang magandang dilag dito, ako na bahala bro." Sagot ko.
"Hokage! Isa ka talagang alamat Anik!" pasigaw na utal ni Trillomanes.
"Mga baliw, magpapari nga ako diba?" Sagot ko sa kanila.
"Patahanin mo yan bro baka broken hearted" sambat ni Psilotum.
Haha, nakakatawa talaga mga kasamahan ko. Kahit ano ano nalang ang pinag iiisip. Gusto ko lang naman mapagaan ang loob niya kasi babae rin naman ako.
"Huhuhuhu", humihikbi na naman ang babae. Inabot ko naman sa kanya ang panyo ko na kulay asul.
"Heto Miss, panyo para punasan ang mga luha mo...", sabi ko.
Nga pala, hindi ko nasabi na tinatakpan niya ang mukha niya habang lumuluha. At pag abot ko ng panyo, iwinakli na niya ang kanyang kamay, naaaninag ko ang kanyang maamong mukha, mapupulang labi at malalaking eyebags bunga ng pag-iyak, pagkatapos bigla siyang umimik.
Bigla siyang natulala sa kagwapuhan este kagandahan ko. Kasi tutok na tutok siya sa akin at pinunasan niya ang kanyang mga luha.
"Pasensiya kana ha?"
"Hindi okay lang yun Miss, lahat naman tayo umiiyak eh..." sagot ko sa kanya.
"Hindi na niya ako Mahal, Hindi na niya ako mahal!" bulalas niya.
Tama nga si Psilotum, broken hearted nga ang babae.
"Kaya ka pala umiiyak kasi sinaktan ka ng jowa mo, well Miss huwag mong pag aksayahan ng oras ang mga taong walang ginawa kundi ang saktan ka..." utal ko.
Tumingin ulit siya sa akin habang ako ay nag aakmang uupo sa kahoy na upuan ng simbahan.
"Ano nga pala ang pangalan mo Father?" tanong niya.
"Haha, nakakatawa naman, huwag mo akong tawaging Father, seminarian palang kasi ako... Nakakahiya naman kapag Father, medyo akward..." sagot ko sa kanya.
"I'm Amik by the way..." dagdag ko.
"Kasi napansin ko tinatawag ka ng mga kasamahan mo na Father, ako nga pala si Christella" sagot niya.
Ang gandang pangalan.
"Alam mo, masakit talaga kapag sinaktan ka ng taong mahal mo, ano ba kasi ginawa niya sa iyo..." tanong ko.
Bigla namang sumambat si Chaning sa usapan, "Ui bro, kunin mo number niya mamaya para text text kayo..." Biro niya, hahaha loko talaga.
At bigla siyang napayuko.
"Kasi yung first love ko, humingi siya ng second chance para magkabalikan kami not knowing na matagal na palang may namamagitan sa kanila ng kababata niya so I decided to let him go at kanina lang nabalitaan ko na ikakasal na siya, alam kong mahirap pero kailangang tanggapin." Pagtatapat niya.
Wow ang sakit naman pala.
"Alam mo, kaya siguro ipinakilala ng Panginoon sayo ang lalakeng yun kasi may mas better na darating sa buhay mo, I mean the best... Huwag mo siyang iyakan, okay lang naman umiyak pero kapag sobra na aba hindi na tama yun, tawanan mo lang iyan, alam kong mahirap but you have to move on and move forward..." payo ko sa kanya.
"Pero sobrang sakit kasi eh, naging suicidal na nga ako sa kanya..."
What? Grabe talaga nagagawa ng pag-ibig.
Ang sarap naman pektusan ang lalaking mga ganyan. Yung hilig manakit ng babae. At pati narin sa mga babae. Hindi laruan ang feelings. Pano kung nasaktan niyo yung sobrang depressed na tao tapos mas sinaktan niyo pa ng todo? Grabe talaga.
"Miss, kahit kailan, hindi solusyon ang pagpapakamatay, Hindi will ng Panginoon yun..."
"Alam ko pero hindi lang naman ako nagkakaproblema sa love life eh, pati narin sa family at friends, pati na sa school." sagot ko.
Naku mahirap nga naman yan, yung nasa sayo na ang lahat ng karapatan para sumuko.
"Alam mo Christella, lahat ng nangyayari sa buhay natin ay may dahilan, hindi mo man maintindihan pero may purpose ang Panginoon kung bakit kailangan mo pagdaanan ang lahat ng iyan, keep the faith lang palagi okay." sabay dampot ko ng keychain na nasa bulsa ko na may tatak na Phil. 4:13 "I can do all things through Christ who strengthens me."
Kinuha ko ang kamay niya at binuka ang palad niya at ibinigay ko sa kanya ang keychain para naman maibsan ang sakit na nararamdaman niya.
Nararamdaman ko parin kasi ang lungkot at pighati sa mga mata niya.
"Kapag malungkot ka, tignan mo lang yang verse na yan, alam ko hindi niyan maiibsan ang sakit na nararamdaman mo pero galing kasi yan sa Bible at reminder ng Panginoon sa atin na He will gave us strength no matter what we encounter in life."
Napatahimik siya at biglang napangiti. Masaya akong makita ang pungay ng kanyang mga mata mula sa pagiging malungkot.
"Salamat ha, siguro kaya ako nandito sa simbahan kasi alam ng Panginoon na may tao siya na gagamitin para iparealize sa akin ang lahat lahat... At ikaw yun Amik, pwede ba kitang maging kaibigan?" tanong ni Christella.
"Oo naman, no problem... Basta kung meron kang pinagdadaanan, nandito lang ako para sa iyo, I can be your friend." Sabay ngiti ko sa kanya.
At biglang may sumabat sa usapan namin, ang aming formator.
"Amik, sino siya? Girlfriend mo?" tanong ng Senior formator.
"Naku po, nagkakamali po kayo, kaibigan ko lang siya at kakakilala lang namin dito..." tugon ko.
"Ah, akala ko pa naman... Basta know your limits okay?" utal niya.
"Yes po...."
Matapos magkita nila Anik at Christella sa simbahan at nagkaigihan, umuwi narin ito at nagpaalam sa bagong natuklasang kaibigan.
(Sa bahay nina Christella)
Isn't it weird?
Parang matagal ko nang kakilala si Amik, hindi ko nga lang alam kung saan ko siya nakita o nakasalamuha.
Napansin ko rin na para siyang babae kung kumilos. Ang gwapo niya, siguro maraming masasayangan sa kaniya kapag nag pari na talaga siya. Maraming mabrobroken hearted na babae haha!
Pero infairness sa kanya, binigyan niya ako ng pag-asa sa mga sinabi niya.
Nakakalungkot man na magpapakasal na ang first love ko sa kababata niya, pero I need to let it all go. Nakakaawa na kasi ako eh, sawa na akong mag self loathing, sawa na ako na maging balisa. I really want to change myself for the better.
While scanning my FB timeline, hindi ko rin maiwasan na titigan ang prenuptial picture na kinover photo ng First love ko na si Lemuel, he will be getting married 3 days from now to Maria. Marami itong likes at comments at hindi ko mapigilang mapaluha hindi dahil bitter ako, ito ay dahil tanggap ko na ang lahat. "If happy is her, I'm happy for Him."
Ganyan talaga ang buhay, we need to accept the things that we cannot change.
I also decided to block them nalang para hindi ko na makita pa ang mga litrato nila sa timeline ko, mas pahihirapan ko lang ang sarili ko kung makikita ko pa ang mga iyon. I also decided to delete my Facebook for the better, the more I am hyped into it, the more I get depressed, like what I've told you, I'm not bitter, I'm just doing it for myself, to literally let it all go. The pain, the agony.
I am going to make time for myself, sobrang huggard ko na kasi mula sa pagiging broken hearted. I need to redeem myself.
Meanwhile, may isang litrato rin ako na hawak hawak sa mga kamay ko. It's a picture of me and a girl who saved my life.
And the question is, "Where is she now?"
BINABASA MO ANG
The Twin's Trap
Spiritual"Hindi lahat ng GWAPO este MAGANDA nag AARTISTA, ang iba SEMINARISTA." Dalawang kambal na magkapatid ang naiipit sa isang sitwasyong hindi nila akalaing magagawa nila. Mabuking kaya sila sa kalokohang pinasok o mapanindigan nila ang pagpapanggap nil...