Dear Lord,
Ang saya ng unang araw ko dito sa kumbento, I mean magising ka ba naman kasama ang mga nag gwagwapuhang mga seminarista, hahai salamat talaga sa blessings Lord! Nakakaiiyak grabe, tears of joy! Pero joke lang po, yung totoo hindi ko inexpect na ito na, ito ang bunga ng kalokohan namin ng kambal ko, siya ang mas bagay na nandito eh, siya ang dapat maraming baguhin sa sarili niya, pero nararapat lang din ito sa akin Lord, marami narin kasi akong pagkakamaling nagawa sa iyo. Hindi naman kasi kami perfect at kung meron mang perfect ikaw yun eh, salamat ha kasi even if I'm imperfect, I am forgiven and blessed by you.
Yung totoo, miss na miss ko na ang kapatid ko, pero alam ko may purpose din itong pagpapanggap ko, pasensiya kana Lord kung puro kalandian ang iniisip ko, joke lang po talaga iyon ha! Trip ko lang po iyon, para masaya lang. Sana huwag niyo akong parusahan, at ilayo niyo sa kapahamakan ang mga mahal ko sa buhay. Miss ko narin ang matalik kong kaibigan na si Aiyah, siguro masaya narin siya kasi nakuha niya ang course sa kolehiyo na pinaka asam asam niya at iyon ang music.
Lord alam kong magiging makabuluhan ang pananatili ko dito at balang araw maiintindihan ko rin ang mga bagay bagay na nakapaligid sa akin, mga karanasang aking tatahakin, alam kong marami akong marerealize dito, ah hindi lang dito, pati narin sa mga taong makakasalamuha ko. Sana marami akong maging kaibigan, maging kakilala dito sa kumbento, ah hindi lang dito pati narin sa labas. Lord maraming salamat sa lahat ng biyayang iyong ipinagkaloob. I love you Lord.
Amik
Natapos ko naring maisulat yung saloobin ko sa unang pahina ng tatlong daan animnaput limang kabanata ng buhay ko. Ang aga aga ko pa para magising, alas tres palang pero heto para akong isang hawla, dilat na dilat parin ang mata ko. Hindi ako makatulog eh, dala narin siguro ng excitement. I am fond of writing kasi, bata palang ako naging kaibigan ko na ang mga words. Mahilig ako sa pag cocompose ng kanta,mahilig ako sa pagsusulat ng mga sanaysay, isa akong makatang mas gugustuhin pang e-express ang sarili kaysa sa e-impress ang iilan. Minsan nga ang mga tulang ginagawa ko, ginagawa ko ring kanta, nilalapatan ng musika at hayun inaapload ko sa soundcloud account ko at ung iba sa Youtube channel ko.
Tulog na tulog na iyong ibang kasamahan ko. Grabe, pinagitnaan talaga ako ng mga macho gwapito haha! Si Chaning sa kanan ko at si Grammittis sa kaliwa Gosh! Malulunod na ata ako sa saya, grabeng blessings ito Lord. Hahai ang gwapo! Para narin akong nasa langit nito. Napagod din kasi kami kahapon sa tour namin sa kumbento, malaki kasi eh at pinakita samin kung saan yung mga classroom namin, as usual sa loob parin ng kumbento. Ang lakas makahilik ni Marratia, si Grammit naman balot na balot sa kumot, wala namang lamok eh. Ang dami rami pang pagkain, tataba ata ako sa blessings ni Lord dito. Mababait pa yung mga kusinera namin at mga staff ng kumbento, edi wow! hehe
Naging kagaanan ko ng loob si Grammit, Chaning, si Marratia at ang iba hindi ko pa lubusang kilala kasi naman medyo may hiya factor pa din ako. Nga pala, nakilala narin namin ang mga paring magiging adviser namin sa kumbento. May naging close ako kaagad at iyon ay si Father See. Sayang ang kapogian ni Father, pero tinawag siya ni Lord eh kaya wala na tayong magagawa, at saka napaka fulfilling kaya kapag naging pari ka. Pagsisilbihan mo si Lord habang buhay.
Sabi sakin ni Father See, nung una palang niya akong nakita, akala niya babae ako, hayun sapul, ang dami nang nakakahalata pero patuloy lang ang pagpapanggap kong ito. Ikwenento rin ni Father ang buhay niya noong siya ay nagsisimula palang. Nakakalungkot ang kwento niya. Inabandona kasi siya, iniwan siya ng kanyang mga magulang at nang may Madre ang nakapansin sa kanya na nakahandusay sa daan, agad siya nitong tinulungan. Pinangako niya sa sarili na balang araw tutulungan niya ang mga batang nasa lansangan, mga nagdarahop sa buhay. Parang nakakarelate ako sa kanya, pero kabaliktaran nga lang kami, nasa akin na ang lahat pero parang hindi ako masaya, parang may kulang. Mapalad parin ako kasi mahal na mahal ako ni Mom at Dad kahit na business minded silang dalawa., kahit na wala silang oras para sa amin, kahit na madalang lang kaming nag-uusap. Alam ko na may hatred ng kaunti ang kapatid ko sa kina Mom and Dad, kasi naman siya yung palaging pinapagalitan, ipinagtatanggol ako ni kambal kapag pinapagilatan ako nina Mom and Dad.
BINABASA MO ANG
The Twin's Trap
Spiritual"Hindi lahat ng GWAPO este MAGANDA nag AARTISTA, ang iba SEMINARISTA." Dalawang kambal na magkapatid ang naiipit sa isang sitwasyong hindi nila akalaing magagawa nila. Mabuking kaya sila sa kalokohang pinasok o mapanindigan nila ang pagpapanggap nil...