Dear Lord,
Grabe, ilang linggo naring hindi nagpaparamdam ang kuya ko. Baka busy siya, o kaya naman wala talaga siyang time para sa akin, hahai nakakalungkot naman. Kumusta na kaya siya sa roundtrip niya? Baka nagka gf nayun dun, o baka nagkasakit siya? Huhu huwag naman sana Lord, protektahan niyo siya ha.
Ako? Kumusta naman ang buhay ko dito sa kumbento? As usual ganun pa din Lord, I am slowly but surely growing spiritually with you. Marami rami naring task ang iniiwan saamin ng mga adviser naming pari. As always cute parin ang formator naming si Kuya Hymenophyllum. Alam mo Lord, ganun na ba talaga ako ka gwapo? Nakakainis kasi kanina may mga babaeng kinilig sa akin, like duh! Anong meron? Hindi ako lalake ui! Babae ako, huwag na huwag nila akong pagnasahan.
Nakipagselfie pa, nahiya tuloy ako sa iba ko pang kasamahan. Eh di hamak naman na mas gwapo yung iba, bakit ako pa? Pero anyway Lord, change topic muna tayo, uhm parang gusto ko na atang mag stay dito habang buhay. Pero alam ko rin na walang sekretong hindi nabubunyag, pero huwag muna ngayon Lord ha, alam mo may narealize ako Lord, friendly pala ako hihi, akalain mo yung kapwa ko seminarista na si Blechnum naging best buddy ko na. Tubong Mindanao si Blechnum at hindi ko minsan maintindihan ang mga pinagsasabi niya. Napakatahimik niya kasing tao noon, mysterious din gaya ni Chaning kaya hayun tinanong ko siya kung ano ang problema niya. Hindi pala siya silent type eh, bulakbol din siya kaya siya pumasok ng kumbento at gusto niyang magbago. Yung totoo, na realize ko na God's love changes us. Not only if we change God loves us but simply because he first loves us. Amazing ka talaga Lord........
"Anik nag unsa ka diri?" tanong ni Mr. Arabo
Gosh sorry talaarawan slash reflection notebook, may asungot eh, next time ulit... Hindi ko na tuloy naisulat ang pangalan ko sa last... dali dali kong isinirado ang aking pinakamamahal na talaarawan at tinignan ng seryoso si bebe boy. Simula noong magkakilala kami, nagakagaanan ko ng loob si Blechnum at napagkasunduan namin na tatawagin ko siyang bebe boy. Mas matanda kasi ako sa kanya ng dalawang taon eh.
"Ako? Ha anong sinabi mo bebe boy?" tanong ko.
"Ang sabi ko kung anong ginagawa mo rito?" pag uulit niya...
"Ah ganun pala yun, nag un---u---u, ano ulit yun?" tanong ko
"Nag unsa ka diri, meaning anong ginagawa mo rito..." sagot niya...
"Ah, nag unsa ko diri, uhm wala to Blechnum, reflect reflect din sa buhay pag may time..." akala ko kung sino si Blechnum lang pala. Saan nga ba ako ngayon? Nakahiga ako sa kama ko.
"Alam mo para ka talagang babae, kanina pa kita hinahanap eh, ikaw daw yung praying partner ko, ok lang ba sayo?" tanong niya...
"HINDI..." sagot ko...
"Ang bitter mo naman, isusumbong kita kay Father Yee!" sagot niya....
"Kasi naman eh, hindi ko maintihan ang ibang sinasabi mo, magtagalog ka nalang please, nauutal ako sa lenggwahe niyo bro." sambit ko.
"Hahahaha, sorry nagud bai!"
"Oh hayan ka na naman!"
"Pumayag kana please na maging praying partner ko.... Please!"
"Ito naman hindi mabiro, yes na yes bro!"
Tumayo ako sa aking higaan at napagdesisyunan na ilagay ang talaarawan ko sa aking locker... Napansin kong tinignan ako ni Blechnum na kanina pa umuupo sa kama ni Chaning my loves, at inilock ko ito.
"May reflection notebook ka pala ha, ako rin meron pero ako lang dapat ang makabasa nun.." utal niya...
Kaya nga eh, dapat lang na e private lang dapat ang reflection notebook. Pero sa panahon ngayon, nabibilang nalang yung mga taong kagaya namin, Mga senti people haha!
BINABASA MO ANG
The Twin's Trap
Espiritual"Hindi lahat ng GWAPO este MAGANDA nag AARTISTA, ang iba SEMINARISTA." Dalawang kambal na magkapatid ang naiipit sa isang sitwasyong hindi nila akalaing magagawa nila. Mabuking kaya sila sa kalokohang pinasok o mapanindigan nila ang pagpapanggap nil...