"A-Agony?" Pagtawag sa akin ni mommy. Gising na sya."Mom! I was fucking worried! Ayos kalang?" Tanong ko.
Tumango naman sya. Dahan-dahan syang bumangon at umupo. Napabuntong hininga sya saka tinititgan ako. Ibinigay ko sa kanya yung isang basong tubig.
"I am ok son. Medyo masakit palang yung sugat but all in all, ok lang." Wika niya saka ngumiti.
Sumunod pala sya kaagad sa akin. Di ko man lang namalayan. Fuck! Sino ang kasama ni Sophie sa bahay namin dun sa California?
"Mom, how about Sophie?"
"She's fine. She's in good hands right now."
Pagkasabi palang nya nun, alam ko na kung sino ang kasama ng baby ko dun. Alam din siguro ni miss Atacia yung tungkol sa plano ng ex-husband nya. Kaya siguro di na rin sya sumunod.
Lumabas muna ako sa kwarto ni mommy. Nakita ko si dad na nakaupo doon sa hardin. He's with Sander. Siguro nag-uusap sila sa susunod na gagawin.
"Dad." Utas ko.
Nakuha ko naman agad ang atensyon nila. Napabuntong hininga si dad saka pinaalis si Sander.
"So what's your plan dad?" Tanong ko sa kanya.
"I don't know son." Tanging sagot niya.
Kinuha ko yung basong pinaggamitan ni Sander saka nilagyan ng alak. Inikot-ikot ko iyon ng mahina bago sumimsim.
"I was wondering kung bakit kayo napaikot ni Laurel sa mga kamay niya." Sambit ko.
Di ko talaga maisip kung bakit nagkaganun ang birthday party ni daddy. Masyado atang nakokontrol ni Laurel ang daddy ko. Though wala na sila but still tinulungan pa din ni mommy si dad that night.
"I had to do it son. Nakasalalay ang buhay nating lahat doon. Alam ko ang mangyayari sa gabing iyon. Di na nga sana kita papauwiin kaso may biglang pinakita sa akin si Laurel. He hired someone para bantayan kayo doon sa California. Alam niya lahat Jethro."
Biglang sumagi sa isip ko ang sinabi ni Atacia sa akin nung gabing nag-usap kami. Laurel is capable of anything. He can do everything. But there is one thing na makakapaglambot ng puso niya, ang anak nila ni Atacia.
"If he hired somebody, then alam niyang sina Atacia nalang ang naiwan doon?"
Nakita kong tumango si daddy. Fuck that asshole! Di na ako magtataka kung isang araw nasa Pinas na sina Atacia.
Umakyat ako sa kwarto. Ini open ko kaagad ang laptop ko at nag online. Buti nalang at online sya. Agad ko naman syang tinawagan. Ilang ring palang ay sinagot niya na.
"Agony. Ayos kalang ba?" Bungad nya sa akin.
"Nasaan ka?" Tanging tanong ko lang. Gusto kong makasiguro kung safe ba sila.
"Yes. I am fine. We are fine." Sagot niya.
Medyo nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Nag-usap pa kami saglit. Nalaman ko din na alam niya ang balak ng dati niyang asawa kaya lagi syang nagagawi sa bahay namin. Ako lang ata ang talagang walang alam sa plano nila. Masyado kasi akong nagpadala sa galit ko. Kaya din pala gustong-gusto akong makausap dati ni Atacia.
Nakita ko si Sander na mag-isa sa living room. Umalis sina mommy and daddy. May importante daw silang lakad. I wonder if talagang ok naba silang dalawa. I mean they got separated years ago and the way they act now ay parang sila pa din.
"Sander." Banggit ko sa pangalan niya.
Nag bow naman sya sa akin as a sign of respect. "Magandang gabi po boss Jethro. Ano pong maitutulong ko sa inyo?" Pormal na saad nya.

BINABASA MO ANG
Hindi Tayo Pwede (Paramour Series #1)
General FictionWould you still love a married woman even if it is illegal? A Teacher-Student relationship that would make your hearts and minds upside down. (Paramour Series #1) Highest Ranking: -Number 1 in Paramour -Number 1 in Sin