Chapter Twenty Two

8 0 0
                                    


Muli akong nagising dahil sa lamig ng tubig na ibinuhos sa akin. Inilibot ko ang paningin ko, nasa abandunadong hospital pa din ako.

Nakita ko sina mommy and daddy mula sa di kalayuan. Magkatalikod silang nakaupo.

"Gumising kana Jethro. Ayaw ni master na tinutulugan sya habang kinakausap ka." Saad nung tauhan ni Laurel.

Wala sina Sander at Manuel. Siguro kasama sila ng baliw na lalaking yun. Lumapit sa akin ang isa pang tauhan ni Laurel na may dalang tray ng pagkain. Sinusubuan nya ako pero di ko binubuka yung bibig ko. Mahirap na, baka may lason pa yan.

"Kumain ka gago!" Sigaw neto.

Tinignan ko sya. "Ikaw ang kumain. Mukhang mas kailangan mo pa yan dahil ang payat mo." Panunukso ko sa kanya.

"Aba! Masyado kang mapagmalaki sa sarili ko gago!" Napaubo ulit ako ng dugo dahil sa paghampas niya ng kahoy sa tiyan ko.

Dinura ko yung dugo sa mismong mukha nung kasama niya. Napangisi ako. Hahampasin sana nila ako ulit nang may pumigil sa kanilang dalawa.

"Kabilin-bilinan ni Laurel na wag sasaktan ang mga bihag! Tarantado kayo!"

Isang malakas na suntok ang ibinigay ni Sander sa dalawang lalaki kanina.

"P-Pasensya na po b-boss Sander."

"M-Masyado po kasi syang m-madumi magsalita. T-tinuruan lang po n-namin sya ng l-leksyon."

Napangiwi pa sila dahil sa sakit. "Kung kayo ang turuan ko ng leksyon? Umalis na nga kayo! Mga gago!" Sigaw ni Sander doon sa dalawang lalaki. Mabilis naman tumakbo yung dalawa.

"Sander." Pagtawag ko sa kanya.

"Bakit?" Sagot niya sa akin.

Di ko alam kung ano ang unang tanong na itatanong ko sa kanya. Masyadong marami ang bumabagabag sa isipan ko ngayon.

"B-Bakit nyo to nagawa s-sa amin?" Nauutal kong saad.

Di niya ako sinagot bagkus lumayo lang sya sa akin. Napapikit ako sa galit at sakit. Naaawa ako kay daddy at mommy. Pareho pa din silang walang malay.

Biglang sumagi sa isip ko si Atacia. Ano kaya ang sinabi sa kanya ni Laurel? Uuwi kaya sya para iligtas ako? Baka hindi.

Halos ilang araw na kaming andito pero wala pa din ni isang tao ang sumagip o tumulong man lang sa amin.

Kinakabahan na ako ng todo kasi tatlong araw na din kaming di kumakain. Though binibigyan nila kami pero di naman ito kinakain kasi baka may halong lason yun at iyon pa ang ikamatay namin.

Tinitignan ko lang sila mommy at daddy na may binubulong sa isa't isa. Di nila masyadong nilalakasan kasi may bantay na malapit lang sa kanila. Hindi na rin ako nagtanong pa dahil baka nag-iisip sila ng plano para makatakas kami dito.

Biglang pumasok sa silid sina Sander at Manuel. Matalim ko silang tinitigan. Di parin nawawala sa isip ko ang pag traydor nila sa amin. Kung di dahil sa kanila, wala sana kami rito. Kung alam ko lang talaga na babaliktad sila sa amin, siguro matagal ko na silang pinatay.

"Lumabas muna kayo lahat, may pag-uusapan lang kami." Sigaw ni Sander sa mga bantay.

"Siguraduhin mong usap lang. Kapag sila nakatakas, lagot kayo kay master Laurel." Wika nung isang bantay na may hawak na armas sa harapan.

"Gusto mo patumbahin kita ng una? Baka nakakalimutan nyong mas pinagkakatiwalaan kami ni Laurel kesa sa inyo. Mas kahina-hinala pa kayong lahat kesa sa amin." Saad naman ni Manuel.

Di ko inakala na ganito katapang sumagot si Manuel. Sobrang hinhin niya kasi dati sa bahay. Like tatawa lang sya kapag pinagalitan mo at parang wala lang sa kanya yung singhal.

Hindi Tayo Pwede (Paramour Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon