Chapter Eight

21 0 0
                                    


"Sino ba kasi ang nakaaway mo? Yan tuloy! Di mo man lang inisip na malapit na ang contest. Bawal kang masugatan o masaktan man lang sa mukha, Jethro!" Galit na saad ni Charm sa akin.

Kinuha nya yung first aid kit dito sa clinic saka nilagyan ng gamot yung bilog na bulak.

"Tss! Fuck it Charm! Slowly! Damn it hurts!" Sigaw ko.

"Bagay yan sayo! Ang init din kasi ng ulo mo. Di ka marunong magtimpi!"

Malakas nyang idinikit ang bulak sa labi ko dahilan para mailayo ko yung kamay nya ng malakas.

"Aray sabi! Dahan dahan nga lang!" Sigaw ko.

"Agony!"

Napahiga ako sa kama saka binalot ang sarili ko ng kumot nang marinig ko si miss Atacia na sinasaway ako.

"Ako na Charm. Bumalik kana sa room, may pasok kapa."

"Sige po miss Atacia."

Narinig kong inisarado ni Charm ang pintuan ng clinic. Kami nalang ni miss Atacia ang naiwan.

"Agony. Get up. Gamutin natin yang sugat mo."

Di ko sya kinibo. Wala ako sa mood para kausapin ang sinoman. Kahit sya pa. Wala akong pakialam.

"Ayoko." Pagmamatigas ko.

"C'mon young man. Sandali lang naman ito. After that, you can rest." Saad nya.

Pilit niyang inaalis yung kumot na pinambalot ko sa sarili ko.

"Sige na Agony. Gamutin na---"

Di ko na natiis ang kakulitan nya. Bumangon ako at saka sinigawan sya. "Ayoko sabi! Umalis ka nga! Di kita kailangan!" Galit kong saad sa kanya.

Nagulat sya sa pagsigaw ko sa kanya. Nakita kong tutulo na ang luha nya. Fuck! She is so soft. Ang bilis niyang umiyak. Ang bilis niyang magbago ng emosyon.

Walang pasabing lumabas ng clinic si miss Atacia. Iniwan nya sa gilid ang first aid kit. Nakita ko ang bulak na hinanda nya sana para gamutin ako kaso sinigawan ko lang sya. Siguro mas mabuti na din iyon para di pa lumalim itong nararamdaman ko. Tutal, talagang bawal naman kaming dalawa. Estudyante nya ako, guro ko sya. Isang napakalaking bawal.

"One, two, three. One, two, three. One, two---Jethro ano ba! Kanina kapa wala sa sarili. Ayos kalang ba?" Suway sa akin nung trainer namin.

"Y-Yes. I am fine."

"Ok. Balik sa pwesto. One, two, three. One, two, three!"

Tatlong araw nang di pumapasok si miss Atacia. Tatlong araw ko na din syang hindi nakikita. Sa tatlong araw na iyon, feeling ko may kulang sa akin.

From Mom: How was your day son? Sinabi nga pala ng dad mo sa akin na gusto mo ng party? Do you want me to hire an event organizer?

Text sa akin ni mom nung isang araw. Habang papalapit ang birthday ko, kinakabahan ako. Naalala ko kasing sinabi ko pala kay dad na imbitahan si Laurel. I never thought na mangyayari iyon sa amin. Ngayon, anong mukha ang ihaharap ko sa kanya? Mukha akong gagong bata na walang kaalam-alam na nanghamon sa kanya.

Nagtipa ako ng reply kay mommy.

To Mom: No need to hire someone mom. Dad did it already. I'll just wait for your presense. Be beautiful on that day, mom.

Matapos nun ay natulog nalang ako ng maaga.

Si sir Alvaro ang pumalit pansamantala kay miss Atacia. Sya yung naging adviser namin. Nag file daw ng isang buwang leave si miss Atacia. May importanteng bagay daw syang kailangan asikasuhin, saad sa amin ni sir Alvaro.

Hindi Tayo Pwede (Paramour Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon