Maingay na tawanan ang sumalubong sa akin nang makarating ako sa bahay namin. Nakita ko si dad na masayang nakikipagtawanan sa mga bisita at tauhan nya."Jethro anak!" Pagtawag nya pa sa akin. "Come here anak. Ipapakilala kita sa mga tito mo."
Tinitigan ko sila saglit at saka umalis. Lahat sila pamilyar na sa akin kasi minsan ko na silang nakita na kasa-kasama si dad sa mga lakad nya. Dumiretso nalang ako sa kwarto ko at nagkulong.
"Boss Jethro? Pinapababa po kayo ng ama nyo." Rinig kong sabi ni Sander mula sa labas ng kwarto ko.
"Leave me alone." Responde ko.
Tinitigan ko ang litratong nasa lamp table ko. Ang saya pa ni mommy dito, magkasama kami sa isang amusement park. It was my 9th birth anniversary that time. Kaming dalawa lang ang magkasama sa araw na iyon kasi may inasikaso si dad. Alam ko naman kung ano.
"Jethro!" Sigaw ni dad. "I told you to come downstairs! Wag mo kong pinapahiya sa mga bisita ko!" Dagdag nya.
Marunong pala syang mahiya? Di ako nainform tungkol dun. Nahihiya pa sya sa lagay nyang yan.
"I told you, leave me alone old man!"
"Don't let me wreck this door for you to come out son!"
Di ko pa rin sya pinapakinggan. I hate this side of him. He is giving me hard time.
"Jethro!"
"Sir? Hinahanap na po kayo ng mga bisita nyo."
"Palabasin mo sya Sander or else!"
"Yes sir."
Kinuha ko yung headset na nasa table ko at ini-connect sa phone ko. Nilakasan ko yung volume para di ko marinig ang mga nakakasukang pagtawag nila sa akin.
Pasado na ala una ng madaling araw nang matapos sila. Binuksan ko naman ang pintuan ng kwarto ko at napansing masyado nang tahimik ang mansyon.
Bumaba ako at tumungo sa kusina. Puro pork lang yung ulam. Nakakasawa. Uminom nalang ako ng tubig saka kinuha yung susi. Sa labas nalang ako kakain.
Di ko na inabala pa si Manuel na gisingin. May pasok din sya bukas. Pareho lang naman kaming nag-aaral. Magkaiba nga lang ng paaralan.
Pinagbuksan naman ako nung guard ng subdivision namin. Buti nalang at hinayaan nya ako.
Nagpunta ako sa pinakamalapit na 7/11 at bumili ng cup noddles.
"Ito lang po ba miss Atacia?"
"Hmm. Wait lang. Kukuha lang ako ng cup noddles. Medyo nagutom kasi ako kakasulat ng lesson plan hihi."
"Sige ayos lang po miss Atacia."
Sa kasamaang palad, nasayang yung cup noddles na dala ko. Natapon ito.
"Ahh!" Rinig kong daing nung babaeng nabangga ko.
"Ayos kalang ba? Hayst! Di kasi tumitingin ih!"
"Wow! Akala mo naman ako yung---Jethro?" Saad nya.
"Ikaw?"
"Anong ginagawa mo dito? Madaling araw na ah? Wala ka bang curfew? Minor ka paman din." Sunod sunod nyang sabi sa akin.
"Tsk. Wala sa bokabularyo ko ang salitang curfew tsaka ano naman sayo kung andito ako? Sayo ba tong store?"
Pinunasan ko naman ang sarili kong nabuhusan din ng kaunti nung mainit na sabaw ng cup noddles.
Pansin ko namang may paso sya sa braso nya. Maingat nya itong pinunasan ng tissue.
"Ahh!" Daing nya.
BINABASA MO ANG
Hindi Tayo Pwede (Paramour Series #1)
Ficción GeneralWould you still love a married woman even if it is illegal? A Teacher-Student relationship that would make your hearts and minds upside down. (Paramour Series #1) Highest Ranking: -Number 1 in Paramour -Number 1 in Sin