Pagbaba namin ni Laurel, nakita namin na masayang naglalaro si Yishea kasama ang babysitter nya at si Sophie."Mommy! Tito!" Masaya niyang saad nang makita niya kaming pababa na.
Sinalubong ko naman sya at hinalikan sa pisngi. Si Laurel naman ay kinarga nya ito.
"How was your day princess?" Tanong ni Laurel sa kanya.
"Boring. All I did was play and play and play."
"Sana pumasok ka nalang sa kwarto kanina. Maglalaro sana tayong tatlo ng mommy mo---Ahh! Ang sakit Monique." Kinurot ko sya sa tagiliran niya.
Yishea giggled. "I must not tito. I know mom and you needs privacy. I heard mom shouted last night. Why is that tito?" Tanong niya. Narinig ko pang tumawa si Laurel.
"Well that is something private princess." Sagot niya pa sa bata.
Mabilis naman akong umalis dahil nararamdaman kong umakyat yung dugo ko sa pisngi ko. Bwesit nakakahiya!
"Mommy?" Rinig kong pagtawag ng aking anak mula sa likuran.
Hinarap ko sya saka nginitian. "Yes baby?" Tanong ko sa kanya saka lumuhod para mapantayan ko yung tangkad nya.
"Mommy, is daddy marrying someone else?" Nagtaka naman ako agad sa sinabi niya. Pinakita nya sa akin yung invitation letter na ipinadala lang sa amin. I sighed.
"Baby there are things that we can't control. Your daddy wants someone else. Better than mommy." Sabi ko sa kanya.
"Is he mad at us? Why is he marrying someone else? Can't he just marry you?" Napangiti ako ng mapait.
Palagi ding pumapasok sa isip ko ang tanong na iyon. Can't he just marry me instead? I am all free. But still he chose someone else.
Niyakap ko nalang ang anak ko kasabay ng pag-iyak ko. Di ko mapigilang umiyak. Yishea resembles of Agony. Di lang halata kasi nga babae sya. Ang nakuha niya lang sa akin ay yung ilong at buhok niya. Pero yung iba, namana nya na kay Agony. Wala rin akong kompyansa dati sa aking sarili na sabihin sa kanya na anak niya si Yishea.
Yishea hugged me tight. I knew she's crying already. She really want to meet his dad. Ako lang ang may ayaw.
Nataranta ako ng wala sa oras nang maramdaman kong nahihirapan na sa paghinga si Yishea.
"Yishea baby? Laurel! Laurel!"
Kinarga ko si Yishea palabas ng kusina at saka hinanap si Laurel. Buti nalang at nahanap ko sya kaagad.
Kinuha niya sa akin si Yishea saka isinakay sa kotse. Walang tigil sa pag-agos ang mga luha ko. Yung puso ko naman parang lalabas na sa dibdib ko dahil sa sobrang lakas ng tibok.
"Anong nangyari sa kanya?" Natatarantang saad ni Laurel habang nagmamaneho. Nasa likod naman kami ni Yishea. She is still breathing heavily.
"Just drive fast Laurel!" Sita ko sa kanya.
Yakap-yakap ko lang si Yishea habang umiiyak. I can't lose her as well.
Pagdating namin sa ospital, agad syang isinakay sa stretcher at isinugod sa ER. Naiwan kami ni Laurel sa labas.
"Anong nangyari sa kanya Monique?" Tanong sa akin ni Laurel.
"S-She asked about Agony earlier. A-Asking kung bakit magpapakasal sa iba ang daddy niya. A-After nun, nahirapan na syang huminga. I don't know why. I thought ok na sya. I thought naagapan na yung kondisyon niya dati." Naiiyak kong sabi.
Nilapitan naman ako ni Laurel saka pinakalma. Presko pa din sa alaala ko nung sinabi sa akin ng doctor ang kondisyon ng anak ko nung nasa California kami.
BINABASA MO ANG
Hindi Tayo Pwede (Paramour Series #1)
Ficción GeneralWould you still love a married woman even if it is illegal? A Teacher-Student relationship that would make your hearts and minds upside down. (Paramour Series #1) Highest Ranking: -Number 1 in Paramour -Number 1 in Sin