Isang malakas na halakhak ang narinig namin mula sa labas ng aming silid. Napatingin ako sa gawi nina mommy at daddy. Nakatingin din pala sila sa akin. Bigla akong kinabahan. May mga sigawan pa kaming naririnig pero di namin alam kung sinu-sino sila. Batid kong nasa labas si Laurel.Pagkabukas ng pintuan, iniluwa neto si Laurel kasama ang mga tauhan niya at si Atacia. Lalapitan na sana ako ni Atacia nang hablutin ni Laurel ang buhok niya. Napadaing sya sa sakit. Biglang nabuhay yung galit ko. Pinipigilan ko ang sarili ko na sumugod. Ayoko lang mapahamak si Atacia. Tinignan ako ni Sander. Sinenyasan nya ako kumalma pati na din si Manuel.
Nagtiim bagang ako. Hintay lang saglit Atacia. Hintay lang Jethro.
"Isn't it amazing Monique? Yung dalawang lalaking minsan mong minahal ay andito sa mismong harapan mo. Walang magawa." Mapanukso niyang sabi.
Nagpumiglas pa si Atacia mula sa pagkakahawak niya pero masyadong mahigpit ang kapit ni Laurel sa kanya.
"Let them go Laurel! Please I am begging you." Wika ni Atacia.
Parang dinurog ang puso ko nang magmakaawa sya sa dating asawa niya para lang pakawalan kami. Sobrang galit ang nararamdaman ko dahil ni konti, wala akong magawa para sa kanya. Lagi nalang akong pabigat sa kanya.
"Tch tch tch! Not that easy baby. Tignan mo muna ang konting surpresa ko para sa iyo." Saad nya.
May biglang lumapit sa akin na tauhan niya at saka kinuryente ako sa leeg. Tawa lang nang tawa si Laurel pero mas nangibabaw ang sigaw ni Atacia.
"Laurel please! Let them go!" Sigaw niya.
Itinigil nung tauhan nya ang pag kuryente sa akin saka nagtungo sa gawi nina mommy at daddy. Di ko hinahayaang makatulog ako dahil sa kuryente kanina na nagpapahina sa akin. Medyo nanlalabo na din ang mga paningin ko.
Nakita kong nilapitan nung tauhan ni Laurel si daddy at saka kinuryente din. Sumisigaw si mommy pero agad naman syang sinampal nung isa pang tauhan ni Laurel.
"Laurel please!" Sigaw ulit ni Atacia.
Isang malutong na sampal ang ibinigay sa kanya ni Laurel kaya napaupo sya sa sahig. Gusto ko nang sumugod pero muli akong sinenyasan ni Sander na huwag muna.
Sa puntong ito, wala na akong ibang hinahangad kundi ang dumating na ang tulong na sinasabi ni Sander kanina. Aaminin ko sa sarili ko na wala na akong sapat na lakas para lumaban. Masyado nang pinahina ng kuryente kanina ang sistema ko.
"Ano bang meron sa kanilang dalawa na wala ako huh?! Ahhhh!" Rinig kong sigaw ni Laurel at nagpaulan na naman ng maraming bala.
Napatakip si Atacia sa kanyang tenga. Umiiyak pa din syang nagmamakaawa kay Laurel na pakawalan na kami. Lumuhod na sya sa harapan neto.
Sobrang sakit makita na ang babaeng mahal mo ay nagmamakaawa na sa harapan ng taong walang kwenta. She's on her knees. Fuck! Gusto kong kunin sya at ikulong nalang sa bisig ko. Hinala sya ni Laurel patayo gamit ang buhok niya. Napapikit sya sa sakit.
"Tignan mo Monique. Tignan mo sila ng maigi. Naghihirap sila ngayon dahil sayo! Kung di mo sana ako iniwan, hindi ito mangyayari sa kanila!" Giit niya.
Wala pading tigil sa pag-iyak si Atacia. Hinahawakan niya ang kamay ni Laurel. Batid ko na nahihirapan na sya ng sobra. Namumula pa ang pisngi niya dahil sa malakas na sampal ni Laurel kanina.
Marahas nyang binitawan si Atacia at saka lumapit sa pwesto ng daddy ko. Hinawakan naman si Atacia ng dalawang tauhan ni Laurel para pigilan sya sa paglapit sa gawi ko. Nakita ko kung paano nagmakaawa si mommy sa kanya pero di sya nakinig. Parang wala syang naririnig na pagmamakaawa galing sa taong minsan niyang naging kaibigan.

BINABASA MO ANG
Hindi Tayo Pwede (Paramour Series #1)
Genel KurguWould you still love a married woman even if it is illegal? A Teacher-Student relationship that would make your hearts and minds upside down. (Paramour Series #1) Highest Ranking: -Number 1 in Paramour -Number 1 in Sin