Chapter Twenty

17 0 0
                                    


"Welcome back Jethro!" Bati sa akin ng mga kaibigan ni daddy sa party niya.

"Salamat po sa mainit na pagbati." Sagot ko.

Medyo dismayado pa si daddy kasi bakit daw sa akin pa mas bumabati ang mga tao eh sya naman daw ang may kaarawan at hindi ako. Napangiti nalang ako.

Nagsimula na yung program para sa birthday ni daddy. Nagsipalakpakan sila nang umakyat na si daddy sa stage para sa kanyang opening speech.

"Good evening everyone! I never been so happy to my past birthdays not until he came back. Welcome back son!" Saad ni daddy. Tumayo naman ako at saka nag bow sa mga bisita doon bilang pag respeto sa kanila at pasasalamat na din sa mainit na pagtanggap.

"Mukhang mas masaya pa kayo sa pagbabalik ng anak ko kesa sa pagdiwang ng mismong kaarawan ko." Pagbibiro ni daddy. Napatawa naman kami doon.

Patuloy lang sa pagsasalita si daddy. I was amazed how he grew up. He handled his business cleverly. Hindi gaya ng dati na puro nalang maduduming paraan para lang umangat sya.

Tinawag naman niya ako para sa aking speech. Hindi ko na hinabaan pa at baka maging emosyonal pa ang mga tao sa sasabihin ko lalo na kapag napunta ito sa hiwalayan nila ni mommy which is isa sa mga rason ko kung bakit gustong-gusto kong umuwi dito sa amin.

Ini serve na yung mga pagkain. Natakam ako bigla nang makita ang mga ibinigay sa amin na mga pagkain. Lahat iyon ay mga paborito ko. Tinignan ko si daddy saka ngumiti. Alam niya talaga na magugustuhan ko ang mga pagkain.

Sinunod naman ang mga desserts. Di na muna ako kumuha kasi masyado pa akong busog. Minabuti kong magtungo sa restroom muna para makapaghugas.

Di pa ako tuluyang nakakapasok ng banyo nang may narinig akong usapan. Di ko sinasadyang marinig iyon pero biglang kumulo ang dugo ko sa mga sinabi ng taong iyon.

"Yes master. Andito po si Jethro. Kasama po ang daddy niya sa harapan."

Nagtaka ako kung sino ang kausap niya. "Pinapunta ko na po sa bahay ng mga Marcielo para i check kung andun si madam Monique." Nag igting ang bagang ko nung marinig ko ang pangalawang pangalan ni Atacia. Alam ko na kung sino ang kausap niya.

Agad ko syang nilapitan at saka sinakal gamit ang braso ko. Kinuha ko yung cellphone niya at tama nga ako. Si Laurel ang kausap niya. Pinatay ko yung tawag at saka ibinato sa pader ang cellphone na gamit niya.

"Anong kailangan mo kay Atacia? Bakit mo sya hinahanap?" Galit na tanong ko.

"Acckk! I-Inutusan lang p-po ako. Ahh! B-Bitawan nyo n-na po ako." Nahihirapan nyang salita. Sinusubukan niyang alisin ang braso kong nasa leeg nya pero di niya magawa.

Sinuntok ko sya ng malakas. Pumutok naman yung kanang labi niya.

"Bakit mo hinahanap si Atacia ha?! Bakit?!" Sigaw ko.

Di sya sumagot. Mas lalo akong nagalit. Itinayo ko sya saka sinuntok ulit at sinikmuraan ako. Dumura sya ng dugo.

"Bakit nyo sya hinahanap?! Sagot! Putangina ka!" Singhal ko.

"I-Inutusan ako ni master Laurel n-na kunin si madam M-Monique at ang anak n-nila. At p-para turuan k-ka din ng l-leksyon. Ahh!" Sagot niya.

Sinuntok ko sya ulit at saka kinaladkad palabas doon. Dinala ko sya sa gawi nila ni daddy. Nagulat naman si daddy pagdating ko.

"What happened Jethro?" Galit na tanong ni daddy.

"Narinig ko syang kausap si Laurel. Di mo ata nabusisi masyado ang mga taong andito daddy. Nagpanggap syang waiter dito para makapasok. Nagpadala na din ng tao si Laurel sa bahay." Giit ko.

Hindi Tayo Pwede (Paramour Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon