Prologo:

233 46 92
                                    

Pilipinas, Mayo 1910.
Ang kasalukuyang panahon.

Habang tumutunog nang malakas ang batingaw ng simbahan ng Iglesia Paroqia de San Juan Bautista, ay abala rin ang mga tao sa paghahanda sa nalalapit na pista na magaganap na rin sa susunod na mga araw.

May isang kalesang huminto sa harap ng simbahan at lulan nito ang isang madre at limang bata, tatlong babae at dalawang lalaki. Masasayang bumaba ng kalesa ang mga bata samantalang mahinahong bumaba ang madre na may ngiti sa kaniyang mga labi at sinamahan nang pumasok sa simbahan ang mga batang kaniyang inaalagaan sa kanilang kumbento.

"Madre Elena! Tayo na po sa loob! Nais na po naming magdasal" Saad ng isang batang lalaki, tumugon naman ng mahinahon ang madre. "Oo mga bata, naririyan na ako, kayo ay maging mapagpasensiya" Saad nito, marahil ay nagagalak at nasasabik nang pumasok sa magandang simabahan.

"Kayo talagang mga bata kayo, sa susunod ay tuturuan ko pa kayo ng magagadang asal katulad ng pagiging mapaghintay at mapagpasensiya" Tumatawang saad ng madre saka humawak ang mga bata sa kaniyang kamay, nagagalak rin naman ito dahil sa sayang nadarama ng mga bata.

Habang patuloy sa pagtunog ang kampana ng simbahan ay nagdarasal naman ang mga bata, pati na rin ang madreng si Elena sa loob ng simbahan habang nakaluhod at nakapikit, dinadama ang presensiya ng diyos sa kanilang mga puso.

Nang matapos silang magdasal ay sandali pang umupo ang anim sa kanilang kinauupuan saka tumingin sa mala-langit sa gandang kisame ng simbahang iyon, bawat detalye ng obra ay talagang napakaganda at nakakabighani sa mata.

"Ang mga Santo at mga Anghel na nakapinta sa kisame ay sadyang napakaganda" Saad ng isang batang babae na halos ngumanga na dahil sa pagkamangha sa nakapintang larawan. Ngumiti naman ang madre saka tinapik-tapik ang ulo ng bata, nakangiti pa rin ito at halatang nasisiyahan dahil sa reaksiyon nila rito.

"Napakaganda nga ng mga obrang iyan, sadyang napakagaling ng may gawa niyan" Saad pa ng isa at sinangayunan siya ng kasama niyang nga bata, masaya rin ang madre dahil sa kaniyang naririnig mula sa mga bata.

"Madre Elena, 'di ba po ang mga obrang iyan ay gawa ni Don Juan Sanz Cruzado?" Hindi na mapigilang magtanong ng isang batang lalaki, nginitian naman ito ng madre saka siya tumugon.

"Oo, ito nga ay gawa ng Don Juan Sanz Cruzado" Tugon niya sa mga bata. "Sadyang kahanga-hanga at kapuri-puri ang kaniyang mga ginawa, ito'y walang katulad at talagang kamangha-mangha" Saad pa ng isa.

Ngumiti muli ang madre saka tumugon sa mga bata. "Alam niyo ba mga bata, may isang tao akong kilala na mas kamangha-mangha kay Don Juan Sanz Cruzado" Saad nito kaya naman nagtinginan sa kaniya ang nga bata.

"Ha? Talaga po?" Nagagalak nilang saad, ngumiti muli ang madre saka nagpatuloy. "Oo mga bata, at ang maganda pa ay... kababata at kaibigan ko siya simula pa lamang noong nag-umpisa siyang gumuhit" Napatawa at hagikgik ang mga bata dahil sa sinabi ng madre.

"Sa katunayan ay iginuhit niya ako ng larawan noong ako ay bata pa, mga labing tatlong taong gulang pa lamang siguro ako noon, kasama ko sa larawang iyon ang aming nasunog na molino, matagal ko nang itinatago ang larawang iginuhit niya dahil para sa akin ay isa itong espesyal na regalo" Nagkatinginan ang mga bata saka muling bumalik ang atensiyon sa madre noong nagpatuloy ito sa paglalahad.

"Ang larawan kong iyon ay nasa aming bahay sa kabilang bayan, kapag tayo ay pinahintulutan ng punong madre na pumunta doon ay baka maipakita ko iyon sa inyo" Saad pa niya, nagsitalon naman sa tuwa ang mga bata ngunit sila ay pinatahimik ng madre dahil nasa loob sila ng isang sagradong lugar.

Hindi nga kalaunan ay lumabas sila ng simbahan at nakita pa ang magandang arkitektura nito, masaya naman ang mga batang idinala rito ng madre dahil ikinalugod nila ang pagbisita rito.

Nagsisilipad ang mga kalapati sa labas ng simabahan, kagaya pa rin noon ang hitsura ng simbahan para kay Madre Elena Hilario Y Cortez na maraming nakatagong alaala sa simbahang ito.

Mga alaalang masaya at ang pinakamasakit, ang alaala ng kaniyang una't huling pag-ibig, nakangiti na lamang ang madre habang tinitignan ang simbahan, masaya ito dahil sa mga alaalang natamo at sa mga situwasyong natamasa noon, wala siyang pinagsisisihan, wala siyang hinihiniling na bumalik...

Puwera na lamang sa isang taong unang nagpatibok ng kaniyang puso, at ang taong nagbigay inspirasyon sa kaniya, na siya ring nagturo sa kaniya kung paano mabuhay matapos ang isang masakit na trahedya.

At ang kaniyang tinutukoy ay walang iba kung hindi ang taong gumuhit ng kaniyang larawan. Si Nicolas Carolino.

Nicolas Carolino: The Boy Who Drew My Portrait Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon