Kabanata 19:

9 4 5
                                    

"Nakita kita sa munisipyo kanina, at alam kong dito ka patutungo matapos iyon upang magdasal..." Panimula nito, sumaad siyang muli. "Nicolas patawarin mo sana ang aking ama sa kaniyang ginawa hindi niya naman kasi alam ang lahat" Wika pa nito, ngumiti naman ang binata saka ito tumugon.

"Ayos lamang, Elena. Alam ko naman ang pinagdadaanan ng iyong ama kaya niya nasabi ang bagay na iyon, at dahil nga doon ay wala akong mapasukang trabaho... dahil doon ay hindi na ako makapaghanap buhay ng maayos" Nakangiti nga ito ngunit pansin sa kaniyang mga mata ang bahid ng kalungkutan.

"Nicolas, kilala kita... Alam ko rin ang pinagdadaanan mo, ipinapakita mong ayos ka lamang kahit hindi, alam kong nahihirapan ka na... ang sipsip na Handario ang may kasalanan, Nicolas. Alam kong siya dahil siya ang pinagkatiwalaan ng ama sa molino" Wika niya, lumapit siya sa binata saka niya ito niyakap.

"Nicolas... hindi mo man sabihin, hindi mo man sabihin ay alam kong mahirap talaga ang iyong pinagdadaanan. At kapag nakikita kitang nahihirapan, parang gumuguho ang aking mundo... dahil isa ka sa mga nagbibigay kulay doon" Saglit pa naluha na rin ang binata saka ito yumakap pabalik.

"Elena... oo! Nahihirapan ako ngunit aking kinakaya! Nahihirapan na rin si Pepito... hindi niya dapat maranasan ang ganitong paghihirap dahil batang musmos lamang siya" Saad nito, sandali pa ay umihip ang malakas na hangin, dito na sila bumitaw sa pagkakayakap at pinunasan ang kani-kaniyang mga luha.

"Nicolas, hinihintay na ako ni Handario... sabi ko ay sandali lamang ako kaya kailangan ko nang umalis... paalam na muna sa ngayon" Wika ni Elena saka siya tumalikod at tumakbo palayo kay Nicolas. Kalaunan nga ay umalis na rin ang binata sa simbahan at dumiretso na siya pauwi.

Sa kaniyang pag-uwi ay nasalubong niya si Handario na kagagaling lamang sa bahay ng Pamilya Cortez dahil nga hinatid nito pauwi si Elena. Masamang tumingin ang ginoo sa binata, lumapit siya rito.

"Nicolas!" Panimula ni Handario. "Ilang buwan ka nang hindi nakababayad sa renta! Nauubos na ang aking pasensya sa iyo!" Wika pa nito, hindi naman nakatugon ang binata dahil alam niya na ang sasabihin nito.

"Ano? Hindi ka man lamang ba iimik? Kailan mo ako mababayaran?" Saad nito, hindi pa nga rin nakaimik ang binata, huminga ito ng malalim saka na ito tumugon. "Magbabayad po ako, Ginoong Handario. Pakiusap, huwag lamang po ngayon" Mahina niyang saad.

"Kuno kailan? Hindi ka na maaaring magtagal dahil sandamakmak na ang utang mo! Mas mahaba pa ang listahan ng utang mo kaysa sa pasensiya ko!" Tugon ng ginoo, napaatras naman ang binata.

"Sige po... sa lalong madaling panahon. Lahat po ng aking makakaya sa pagsapit ng Noche Buena" Tugon naman ni Nicolas, huminga naman ng malalim ang ginoo at saka siya tumugong muli.

"Sige, ngunit kapag wala pa rin ay hindi na! Nagsasawa na ako sa iyong mga pakiusap!" Tugon nito saka lumakad patungo sa kabilang direksiyon, yumuko naman ang binata saka tuluyan na ngang lumakad pauwi sa dampa.

Nakaabang sa kaniyang pag-uwi ang kapatid niyang si Pepito na ngayon ay may bitbit na isang sisidlan. Nang makita niya ang sisidlan ay napangiti siya.

"Nakabalik na ako, Pepito" Wika niya sa kapatid, tumango naman si Pepito saka ngumiti, inilahad nito ang sisidlan sa kaniyang kuya. "Ah, nagpapasalamat talaga ako kay Elena... nahihiya na nga ako ngunit talagang ayaw niya pang magtigil sa kabibigay nito sa atin, mga tinapay ito, Pepito" Tugon nito sa kapatid.

Tumango naman ulit si Pepito, binuksan nila ang sisidlan at nakitang may laman nga itong tinapay, biskuwit, at mga matatamis. "Pepito, sa iyo na ang mga matatamis, hindi ako mahilig... ngunit partehan mo ako sa tinapay" Saad niya.

Sandali pa ay tinignan niya ang banga kung saan nakalagay ang kaniyang ipon at natuklasang kaunti na lamang ang laman nito, hindi na ito aabot sa Noche Buena. Huminga siya ng malalim saka tumingin sa kapatid na kasalukuyang kinakain ang mga matatamis... masaya ito habang ngumunguya.

Nicolas Carolino: The Boy Who Drew My Portrait Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon