Kabanata 17:

18 7 5
                                    

Masuging tumatakbo ang sangkanayunan patungo sa nasusunog na molino ng Pamilya Cortez, nabibigla ang ilan at ang ilan naman ay nanghihinayang. Nanlalaking matang pinagmasdan ni Don Mariano kung paano matupok at lamunin ng apoy ang kaniyang pag-aari habang nakahawak sa braso nito ang asawa niyang si Eleanor.

Ang molino ay nasusunog sa itaas na bahagi, ang molinillo nito ay nilalamon na rin ng apoy habang umiikot pa rin. Humahampas sa hangin ang molinillo kaya naman mabilis ring lumago ang apoy dito. Ikinabahala ito ng lahat dahil baka may ibang gusaling madamay sa sunog dahil maraming mga dampa at mga bodega ang nakapalibot dito.

Lumingon siya sa mga tao at napasigaw siya. "Kayo ba ay naghihintay pa ng Noche Buena at Media Noche?! Dalian ninyo at ilabas ang mga pangbomba ng tubig! Dalian ninyo!" Paulit-ulit niyang saad, kaagad itong sinunod ng mga tao at kinuha nga ng mga ito ang mga pangbomba ng tubig, ang malalaki nitong tubo ay inilublob sa katabing irigasyon saka mabilisang itinaas-baba nito ang tangkay ng pangbomba na animo ay kumukuha sila ng tubig sa poso.

Patuloy lamang sa pagbomba ang ilan, kabilang na dito sila Nicolas at Pepito na nagbubuhat ng mga timbang may lamang tubig. Samantalang ang ilan naman naman ay itinututok ang mga tubo kung saan may apoy upang ito ay maapula. Ngunit ang kanilang ginagawang pag-apula sa apoy ay hindi pa rin sapat. Nagdesisyon ang ilan na pasukin ang loob ng molino kahit ito ay nasusunog pa, dala ang mga mga piko at gabyon ay sinubukan nilang buksan ang pintuan nito, ngunit sa kanilang pagbukas ay kaagad na bumulwak ang naghuhumindig na apoy dahilan kung bakit napaatras ang mga nagtatangkang pumasok.

Parang impiyerno ang naging hitsura ng lahat, nilamon ng apoy ang malaking molino, ni isang simpleng kahoy na matino ay walang natira sa itaas nito, ang ibaba naman nito na gawa sa konkreto ay natupok rin at ang iba ay nagiba. Ang mga molinillo ay siya ring natupok at pira-pirasong bumagsak sa lupa.

Ang lahat ng ito ay nakita ni Elena mula sa bintana ng kaniyang silid sa kanilang mansiyon, nanlulumo ito at tumutulo na ang luha sa mga mata. Hindi niya matanto kung ano ang nangyari at bakit nagkasunog, iniisip rin niya kung ano ang kahihinatnan ng kanilang pamilya matapos ito dahil ang lahat ng ani nilang palay ay nakaimbak sa loob ng molino.

Madamay rin sa sunog sa molino ang ilang katabing dampa at ang mga bodega kung saan nakaimbak ang mga inaning palay ng mga magsasaka noong nagdaang buwan ng Oktubre. Sa huli ay hindi nila naapula ang apoy, kaya nauwi rin iyon sa isang malaking panghihinayang.

"Wala na ang aking ani, wala na" Nanlulumong wika ng isang magsasaka, tinugunan naman siya ng iba. "Hindi lamang ikaw ang nawalan ng ani... magkakasama ang ating mga inaning palay, kaya kami rin ay nawalan" Tugon ng mga ito.

Tuluyan nang gumuho ang molinong minsang naging bahagi ng pamumuhay ng sangkatauhan sa baryo ng Himenes, nanlulumo man ay hindi ipinakita ni Don Mariano na gusto na nitong daanin sa pagtangis ang nararamdaman, hindi niya ipinakitang labis ang epekto nito sa kaniya dahil maaapektuhan nito ang tingin sa kaniya ng mga tao. Baka siya ay tawagin ng mga itong Mahinang loob.

Ang ilang mga tumulong sa pag-apula ng apoy ay lubhang nasugatan at ang ilan naman ay hindi naman malala ang natamo. Lumipas ang magdamag, pagkaraan nito ay namataan pa ring umuusok ang ilang parte ng nasunog na gusali. Gumuho na ito at talagang wala na itong pakinabang.

Ang mga tao ay kaniya-kaniyang pulot ng mga uling sa mga nasunog na kahoy. Tulala pa rin sa isang tabi si Don Mariano na kasalukuyang nanlulumo ngunit hindi niya ito ipinakikita sa lahat.

"Dios Mio! Bakit nangyari ang bagay na ito?!" Utas niya sabay tapak sa isang natupok na dos por dos. "Hindi ba maayos ang alaga ng molino? Bakit nangyari ang isang bagay na ganito?" Nanlulumong tanong rin ng kaniyang asawa, tumugon naman ang isa pang ginoo.

Nicolas Carolino: The Boy Who Drew My Portrait Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon