Kabanata 7:

68 30 66
                                    

Pilipinas, Oktubre 1898.
Ang panahon ng pag-aani ng mga tanim na palay.

Masayang sumakay sa bangka ang magkakaibigang sila Nicolas, Juan, Pedro, at Elena, kasama rin nila si Pepito na mahigpit na nakakapit sa braso ng kaniyang kuya dahil takot itong sumakay sa bangka.

Pag-aari ang bangka ni Ginoong Jose na siyang ama nila Juan at Pedro nagdesisyon silang magtungo sa hekta-hektaryang palayan na pag-aari ng Pamilya Cortez, ang pamilya nila Elena. Magaganda ang mga tanawin, kitang-kita ang mga bulaklak na siyang nagsisisibol, ang tubig naman sa ilog na kainang pinagbabangkaan ay kumikinang nang dahil sa sikat ng araw.

Ang mga bundok ay napapaligiran ng mga hamog na unti-unti nang humuhupa, ang mga bukirin na may tanim na iba't-ibang klaseng mga gulay ay dumadagdag pa sa kagandahan ng paligid na siyang pumupukaw sa mga mata ng magkakaibigan.

Hindi rin nila maiiwasang mapayakap sa sarili dahil sa bugso ng malamig na hangin, marahil ay kasisikat pa lamang rin ng araw. Masayang-masaya ang magkakaibigan nang makarating sila sa tanuman ng palay, napakalawak nga nito at kitang-kita ang mga taong pilit na kumakayod upang magkaroon lamang ng kikitain.

Ganito ilalarawan ang Oktubre, o ang panahon ng anihan ng mga taong nakatira sa baryo ng Himenes. Kailangang maging maagap, masipag, at matulungin ang isang tao pagdating sa anihan ng palay dahil ito ang pinakahihintay nilang parte ng taon. Kung saan kapag nakaani sila ay bibigyan sila ng tigda-dalawang sako ng palay ng Don Mariano bilang kaparte sa mga naani nito, siya namang ibinebenta ng mga tao ang isa sa dalawang sako ng palay para sa salapi, at ang isa ay kikiskisin o didikdikin upang matanggal ang balat para maging bigas na sapat na upang pakainin ang pamilya nila sa tinatayang tatlong buwan.

Ang kaparte naman ni Don Mariano Cortez ay iniimbak sa kaniyang molino at makalipas ang ilang buwan na pagbibilad sa mga palay, ay ipagbibili niya ito kung mayroong nais bumili rito upang magkaroon na rin siya ng kita. Gayon rin naman ang ginagawa ng mga iba pang magsasaka na nakatatanggap ng parte nila, inilimbag nila ito sa katabing bodega ng molino at ibibigay rin ito hanggang sa umabot sa puntong handa na rin itong ipagbili.

Inuupahan rin ng Don Mariano ang mga nagtratrabaho katulad ng mga mangagapas at tagaligpit ng dayami upang ipakain sa mga baka, kambing, at mga kabayo na pag-aari rin ng Pamilya Cortez. Ganoon sila kaimpluwensiya, kaya ganoon na lamang din ang tingin ng malagmataas na Don sa mga katulad niyang Pilipino, sa tingin niya kasi ay lubos na siyang iginagalang ng sangkatauhan ngunit may lihim pa ring galit sa kaniya ang mga ito.

Nang makababa ng bangka sila Nicolas at ang kaniyang mga kaibigan ay nagsimula na sila sa kanilang trabaho, nakaupo lamang sa isang kariton si Elena, Pepito, at si Pedro. Pinapabayaan nilang ang mga mas nakatatanda na ang gumawa ng pagagapas sa mga palay dahil bata pa sila at baka sila ay masugat lamang. At sa kaso naman ni Elena ay hindi siya maaring magtrabaho marahil ay siya ang anak ng Don Mariano Cortez.

Makalipas ang ilang oras, habang nakaupo sa kariton ang tatlo ay napansin nilang matindi talaga ang sikat ng araw, at pinagpapawisan na sila Juan at Nicolas, kaya nagdesisyon silang tawagin na ang mga ito upang makapag-pahinga kahit saglit lamang, hindi naman sila tumanggi at kaagad nagtungo ang dalawa sa kariton na nakapailalim naman sa isang puno ng mangga.

Pagka-upo na pagka-upo pa lamang ni Nicolas sa kariton ay sinalubong na kaagad siya ni Elena at pinunasan nito ng isang tayong bimpo ang noo at leeg ni Nicolas na ngayon ay basang-basa sa pawis. "Elena, matigil ka nga sa iyong ginagawa, kaya ko namang punasan ang aking sarili, bakit pinupunasan mo pa ako?" Naiiritang tanong ni Nicolas, napatawa naman sila Juan at Pedro, habang tahimik lang na ngumiti si Pepito na pinagmamasdan lamang sila.

"Si Nicolas talaga! Ang lakas-lakas mo na ngayon! Nahuli mo na sa iyong lambat ang isang napakagandang dalaginding!" Pagbibiro ni Juan na siya namang ikinatawa ni Pedro. Napatingin naman si Nicolas at Elena kay Juan saka sila sabay na napatugon. "Hindi kami ganoon!" Sigaw nilang dalawa, na mas lalo pang nagbigay ng galak sa binatang si Juan.

"Hay nako, kahit hindi niyo iwika sa akin ay napaghahalataan ko kayo!" Tumatawa nitong tugon, dito na siya hinampas ni Elena ng bimpo na kaniyang ipinamunas sa pawis ni Nicolas, naasar na kasi ito at bilang isang dalaga ay hindi kanais-nais ang gayong gawain. "Tumigil ka na Elena! Binibiro ko lamang kayo! Saka basa ng pawis ang bimpong iyong ipinamumunas!" Sigaw ni Juan, itinigil naman na rin ni Elena ang pag-hampas.

Hindi nagtagal ay natapos sila sa kanilang pamamahinga at babalik na sana sa paggawa nang biglang dumating ang Lolo Gregorio. "Nicolas! Kayo ay huwag umalis dito ha, huwag mo ring pababayaan ang iyong kapatid! Kami ay tutungo ngayon ni Jose sa pagamutan upang ipagamot ang isa naming kasama na natuklaw ng ahas!" Bulalas ni Lolo Gregorio, nanlaki naman ang mata ng mga kabataan.

"Ha? Sino po ang natuklaw?" Tanong ni Elena, hindi na nakasagot si Lolo Gregorio dahil nakaalis na ito bago pa man niya sambitin ang kaniyang itatanong. Babalik na sana sila Nicolas sa trabaho nang namataan nilang sumama na sila Elena, Pedro, at si Pepito sa kanila. Sinubukan nila itong pigilin ngunit hindi nila naawat ang mga ito, sila ay magkaksamang naghakot ng mga dayami at idinala nila ang mga iyon sa kamalig.

"¡¿Qué?! ¿Viste a Elena haciendo trabajo manual?!" (What?! You saw Elena doing manual labor?!) Galit na saad ni Don Mariano nang malaman niya ito kay Ginoong Handario. "Sí señor, le tiene ese trabajo a Gregorio por amabilidad, ¡y Nicolas puso a Elena a trabajar! Humillante debes haberle dado mucho placer" (Yes Señor, you have that job to Gregorio out of kindness, and Nicolas put Elena to work! Humiliating you must have given him a great deal of pleasure) Tugon naman ni Ginoong Handario.

"¿Cómo puede convertir a mi hija en una mano de obra? Es indignante!" (How are he turn my daughter into a fieldhand, it's outrageous!) Sigaw ni Don Mariano at galit na naglakad palapit sa kaniyang asawang si Elianor. Kinausap niya ito patungkol sa gagawing pag-aaral ni Elena sa kumbento.

"Eleanor, mi amor, escúchame. Has hecho todos los arreglos para que Elena vaya a la escuela de convento, ¿no es así?" (Eleanor, my love, listen to me. You've made all the arrangement for Elena doing convent-school haven't you?) Tanong ni Don Mariano sa kaniyang asawa at malamig naman siyang sinagot nito.

"Sí tengo. Pero aún no le he contado nada" (Yes, I have. But I haven't told her about it yet) Tugon ni Eleanor. "No es necesario que se lo diga, lo haré yo mismo. Ninguna hija mía va a hacer trabajo de campo" (No need to tell her, I'll do it myself. No daughter of mine is going to do field work) Tugon naman ni Mariano saka niya kinuha ang inuming ihinanda ng kaniyang asawa para sa kaniya, kaniya itong ininom dahil sa natatamong presyon na dahil naman sa galit.

Yumuko na lamang si Eleanor at malamig pa ring tumugon. "Sí, por supuesto" (Yes, of course) Tugon ni Elianor saka siya umalis ng tahimik lamang dala and bayong na pinaglagiyan ng mga inuming kaniyang idinala.



Nicolas Carolino: The Boy Who Drew My Portrait Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon