Nang dahil sa lungkot at pag-iyak ay maagang nakatulog si Nicolas at maaga rin siyang nagising, madaling araw pa lamang ay gising na siya, hindi pa man sumisikat ang araw siya ay nagtratrabaho na, bago pa man magising si Lolo Gregorio ay nakuha niya na ang mga gulay na ilalako sa merkado na galing sa kanilang kapit-bahay na sina Ginang Soledad at Ginoong Geronimo.
Nabigla naman si Lolo Gregorio sa kaniyang paggising dahil sa ginawa ng kaniyang apo, pinasalamatan niya ito saka ginising na ang nahihimbing pa ring si Pepito, nang magising ito ay kaagad na ring nagbihis at tumulong sa kaniyang kuya. Hindi pa man sumisikat ang araw ay nagsimula na sila sa kanilang trabaho.
Masaya nilang inumpisahan ang kanilang araw. Sandali pa ay nakasalubong nila ang mag-inang Donya Eleanor at si Elena na may dalang isang bayong na may lamang mga papel na ibebenta rin nila sa bayan. Kahit sila ay mayaman ay hindi pa rin talaga nila maiiwasang magtrabaho dahil ang pagiging masipag ay nasa lahi na ng kanilang pamilya.
"Ahh, nawalang galang na po Lolo Gregorio?" Saad nito saka yumuko bilang paggalang kay Lolo Gregorio, ikinagulat naman ito ng matanda kaya nag-alis ito ng salakot. "Huwag na po kayong yumuko Donya... higit po na mas kagalang-galang po kayo kaysa sa akin" Tugon nito, umiling naman si Eleanor saka muling tumugon.
"Tayo po ay pantay-pantay lamang at pare-parehong mga indio ang tawag sa ating mga Pilipino ng mga Kastila, kahit po tayo ay mayaman o mahirap, hindi maaalis na tayo ay alipin sa sarili nating bayan, kaya't huwag mo na po na akong tawaging Donya, at dahil ikaw po ay nakatatanda sa akin ay nararapat lamang po na igalang po kita bilang isang mas nakatatanda" Muling tugon ni Donya Eleanor na ikinagulat naman ni Lolo Gregorio.
"Hindi po Maaari Donya, ang inyo pong asawa ay hindi papayag sa estadong inyo pong ipinahahayag, mas nararapat na lamang pong ipagpatuloy ang nakagisnan at huwag na muna itong baguhin" Tugon muli ni Lolo Gregorio saka siya ay ngumiti, tumango na lamang din si Donya Elianor saka ngumiti rin.
"Ahh, siya nga po pala, ano po ang inyong sadya?" Tanong ni Lolo Gregorio kay Donya Elianor, ipinakita naman ni Elena ang papel na nasa bayong kay Lolo Gregorio. "Lolo Gregorio, inatasan po ako ni inang dalhin po ito sa tindahan ng papel sa bayan para po ibenta, naisip po niya na kung maaari po ay sumama po ako sa inyo dahil may gagawin din daw po si ina, sinabihan po kasi siya ni amang bumisita sa bukid at konsultahin ang mga trabahador doon, nagkataon lamang po ito" Tumango si Lolo Gregorio saka siya ngumiti.
"Sige hija, kung gayon tayo ay lumakad na, ginto ang oras, hindi dapat natin ito sayangin" Saad nito, hindi rin nga nagtagal ay nauwi rin ang lahat sa pagsama ni Elena kina Lolo Gregorio, Pepito, at Nicolas papunta sa merkado. Maligayang nagpaalam si Elena sa kaniyang ina at nagpatuloy naman si Donya Elianor upang gawin ang iniutos ng kaniyang asawa sa kaniya.
Si Elena ngayon ay nakasakay sa isang bakanteng sulok sa maliit na karetelang hinihila ng maliit na kalabaw, na ginagamit nila Lolo Gregorio para doon ikarga ang mga gulay na ibebenta sa merkado. Katabi nito si Pepito na masayang tinitignan ang paligid, ang kumikinang na tubig sa katabing ilog nang dahil sa sinag ng araw, at ang nasa paligid n'yong mga bukirin na ang tanim ay nanghihitik sa bungang mga palay.
Sandali pa ay nadaanan nila ang isang malagong damuhan na napapalooban ng mga magagandang pulang bulaklak, hindi ito rosas, hindi rin ito ordinaryo, dahil ang bulaklak na iyon ay doon lamang sa talagang nasaad natutubo, napagdesisyunan nilang tumigil muna rito habang nagpatuloy na si Lolo Gregorio kasama si Pepito, susunod na lamang daw ang dalawa at huwag daw silang alalahanin, pumayag rin naman ang matanda ngunit binagalan lamang niya ang pagpapastol ng kalabaw upang siya ay naabutan ng dalawa.
Dali-daling bumaba si Elena sa karitelang kaniyang sinasakyan at lumapit siya sa mga ito kasama si Nicolas. "Ako ay nabibighani! Napakaganda ng mga bulaklak na ito!" Saad ni Elena habang inaamoy ang mga ito, mabango ang amoy ng mga bulaklak kumpara sa iba.
"Hindi mo ba sila nakikita? Ang mga bulaklak na ito ay namumukadkad tuwing huling linggo sa buwan ng Septiyembre, dito rin sa lugar na ito, at dito lamang sa lugar na ito. Hindi pa marahil ako nakakakita ng lugar kung saan namumukadkad ang mga kagaya ng mga ito" Umiling si Elena bilang tugon, naintindihan naman kaagad ni Nicolas ang kaniyang sinasabi.
"Kung gayon ay ito ang unang pagkakataon mong makita ang mga bulaklak na ito?" Saad ni Nicolas saka pumitas ng ilang pirasong mga bulaklak at ibinigay ito kay Elena, pinasalamatan naman si Nicolas ng dalaga, inilagay naman ni Elena sa kaniyang bayong ang mga bulaklak na ibinigay ni Nicolas.
Pinagmamasdan din ni Nicolas ang napakalawak na damuhang iyon. Ngunit bumagabag kay Nicolas ang isang bagay, nagulat na lamang si Nicolas nang maalalang sa damuhang iyon nila nakita ni Lolo Gregorio si Pepitong nag-aagaw buhay noon. Nanlaki ang mga mata ni Nicolas at bigla na lamang niyang kinuha ang kamay ni Elena at hinila ito paalis sa sa damuhan.
"Nicolas, bakit? Bakit mo ako hinihila paalis rito? Hindi mo ba nakitang ako ay abala pa sa pagtingin sa mga bulaklak na iyon?" Galit na saad ni Elena kay Nicolas saka siya pumiglas sa pagkakahawak rito, nabitawan ni Nicolas ang kamay ni Elena. "Patawad, hindi ko sinasadyang masaktan ka, ang dahilan lamang ay..." Bago pa man matapos ni Nicolas ang kaniyang sasabihin ay namataan niya ang paglapit ni Elena sa kaniya dahilan upang mapaatras ang binata.
Ngumiti si Elena saka niya hinawakang muli ang kamay ni Nicolas, sinundan din ang lahat ng pag-ihip ng napakalakas na hangin na nagdulot ng pagkaputol at paglipad ng mga talulot ng bulaklak, sinabayan rin ito ng paglipad ng mga ibong tagak sa kabilang paligid, hindi nakagalaw si Nicolas habang hawak ni Elena ang kaniyang kamay.
"Alam ko ang dinaramdam mo, mahirap makita ang lugar kung saan mo natagpuan ang isang taong ang nag-aagaw buhay na, na naging malaking bahagi na rin ng iyong buhay... at iyon ay si Pepito" Nanlaki ang mga mata ni Nicolas. "Nakita ko rin at alam ko rin ang lahat dahil naging parte rin ako noon, kasama rin ako sa nanggamot at tinulungang maging mabuti ulit ang buhay ni Pepito. Ipinagpapasalamat ko iyon sa diyos Nicolas, na natulungan nating magkaroon ng pangalawang buhay si Pepito, at magkaroon din siya ng pangalan" Napangiti si Nicolas, nadama pa nila ang malamig na simoy ng hangin habang tumatama ang sinag ng araw sa kanilang mukha.
"Huwag mo nang isipin ang tungkol doon, isipin mo na lamang na sa pagpatak ng oras na namumukadkad ang mga bulaklak rito sa damuhan ay ang panahong binigyan mo si Pepito ng isang kapatid, ng isang kuya, at ng isang desenteng pangalan, iyon ang itatak at iguhit mo sa iyong isipan" Saad ni Elena saka siya ngumiting muli.
Kalaunan ay umalis na sila sa lugar na iyon at nakarating sila sa merkado, naabutan nila doon si Lolo Gregorio na kasalukuyang ibinebenta ang mga gulay na karga ng karetela, tumutulong din doon si Pepito, kalaunan ay isinama ng dalawa si Pepito sa tindahan ng papel upang ibenta ang mga dalang papel ni Elena, hindi nila inaasahang may isang malaking sorpresa ang darating na susubukin ang kanilang katatagan.
BINABASA MO ANG
Nicolas Carolino: The Boy Who Drew My Portrait
Tarihi KurguSet in the late nineteenth century Philippines, this classic tale revolves around a fourteen-year-old boy named Nicolas, and his mute, young foster brother named Pepito. Nicolas once drew a portrait of her bestfriend Elena. He might be poor but he's...